Friday, June 8, 2012

Sa Sabaw ng Dinuguan 01

May isang lalaki na gustong magkaroon ng anak na babae. At dahil hindi sila makabuo ng kanyang asawa ng anak, nagpatingin ito sa isang doktor upang alamin kung mayroon itong problema sa kanyang pagkalalaki.

Naghintay siya ng matagal na oras hanggang sa lumabas ang doktor mula sa laboratoryo dala ang papel na resulta ng kanyang pagpapacheck-up. Lumalabas na mayroon itong oligoasthenoteratozoospermia o kakulangan sa purong semilya na kanyang inilalabas tuwing nagkikipagtalik ayon sa pagpapaliwanag ng doktor. Dagdag pa nito, malamang ang problemang ito ay matagal nang nasa kanya o kaya naman ay sa simula pa nang siya'y magbinata.

Problema sa mga kalalakihan ang magkaroon ng ganitong kaso ng sakit. Pero may isa pang mas malaking problema: mayroon na siyang anim na taong gulang na anak na lalaki. Isang bagay na hindi niya ipinaalam noong una sa doktor, na huli na nitong nalaman.

Gusto pa sanang tulungan ng doktor ang lalaki upang magsagawa muli ng panibagong test ngunit agad itong umalis habang paulit-ulit na sumisigaw sa kanyang isip na hindi sa kanya ang anak niyang lalaki. Iniisip niyang siya ay baog at niloko siya ng kanyang asawa, at hindi nanggaling sa kanya ang kinikilala nitong anak.

Makalipas ang linggo, nabalitaan na lang ng doktor sa isang pahayagan na pinatay ng naging pasyente niya ang kanyang asawa, anak, at ang kanyang sarili dahil sa maling akala at nakamamatay na galit. At dahil dito, binagabag siya ng kanyang kunsensya hanggang sa mawala ito sa tamang kaisipan na siyang dahilan ng kanyang kamatayan di kalaunan...

Bing
Nananahimik si Bing sa harap ng buong klase. Lahat ng kaklase ay nakatingin sa kanya, habang patuloy ang panenermon sa kanya ng guro niyang walang ibang ginawa kundi pahiyain siya. Malamang, nasita na naman siya sa gamit niyang sirang sapatos. Panay kasi ang pagkuha ng ate niyang maluho sa itinatago nitong pera kaya hindi na siya nakakabili ng sapatos.

"Ayoko nang makita ka pa bukas na walang bagong sapatos, naiintindihan mo ba, Bing?!"

Tumango ito saka nagkaroon ng bulungan. Bulungan, na alam niyang siya ang paksa. Alam niya ang sinasabi ng mga kaklase sa kanya na nagsisinungaling ito at hindi itinutupad ang mga ipinapangako. Tulad ng lagi niyang nararanasan.

Mula sa harapan ng klase ay naglakad siya habang nakayuko papunta sa kanyang upuan. Hatak niya ang tingin ng mga kaklase saka bumalik ang pansin sa galit na gurong patuloy na nagsasalita.

"Bakit kasi hindi mo pa sabihin yung totoo na wala kang pambili?" bulong ng katabi nito.

Hindi na siya nagsalita.

"Masama na naman yung tingin mo? Wala akong sinabing mali ha," saka ito nakinig sa nagbubungangang guro.

Sa kabilang dulo naman ng upuan ay naroon ang isang kaklase na si Patut. Pinandilatan niya ng mata si Bing saka ipinakita ang saradong kamao na gustong isapak rito matapos magbanggaan ang kanilang paningin.

Muling yumuko si Bing sa isa pang pagkakataon. Nasa ibabaw ng kanyang lamesa ang saradong kamao na gusto niyang ibagsak rito dahil sa galit. Masama ang loob niya ng mga sandaling iyon kaya hinayaan na lang niyang dumaloy ang luha sa kanyang mga mata at hindi na nakinig. Ang malinaw sa isip niya ngayon ay gusto na niyang umalis. Gusto niyang mawala o matunaw. Ayaw na niyang makita pa ang mga kaklaseng patago siyang tinitignan sa likuran at tinatawanan kung saan siya nakaupo. Ayaw na niya. Suko na.

Sisigaw na sana siya para suwayin ang ilang kaklase nang tumayo siya at maunahan ito ng tunog ng malakas na bell ng buong eskuwelahan. Napahinto siya. Mabilisan na nag-ayos ng mga gamit ang lahat ng kaklase pero si Bing, tahimik lang na muling umupo sa kanyang lugar. Hinayaan niyang unti-unting lumabas ang ibang kaklase.

Sa harapan nito makikita ang guro nitong masama ang tingin sa kanya kaya napuna na naman niya ito nang mahalatang namamaga ang mata nitong namumula at mayroong tira-tirang luha, "Walang magagawa 'yang pag-iyak mo kung hindi ka pa uuwi sa iyo," saka kinuha ang libro, bag, at lumabas ng klase.

Hindi siya nakinig. Tahimik na ang buong klase.

"ANO BA?!" Nagulat siya sa malakas na pagpalo ng palad sa pinto ng galit na guro. "GUSTO MO BANG IKULONG KA RITO?! LABAS!!!"

Nataranta siya. Agad niyang pinag-aayos ang gamit nito saka lumabas ng kuwarto na luhaan, at halos masubsob sa mga nababanggang upuan sa sobrang kaba. Gusto niyang magwala. Kanina pa, pero wala siyang karapatang gawin ang bagay na iyon dahil alam niyang pagagalitan lang siya nito.

- - - - -

"Saan ka pupunta?"

Ito ang narinig ni Bing paglabas niya sa gate ng buong eskuwelahan. Walang imik itong lumingon sa kanyang likuran, sa isang waiting shed, kung saan nakita niyang naroon ang isang kaklase. Magpapatuloy na sana siya sa paglalakad nang harangan siya ng dalawa pang kaklase na masama ang tingin sa kanya.

Mula sa waiting shed, lumapit ang kanyang kaklase at binugahan nito ng usok ng sigarilyo sa mukha. "Sa palengke?... Doon kila Manang Fely?"

Si Patut.

Katahimikan.

"Alam mo naman siguro kung bakit tayo nandito di ba? Ibigay mo na."

"W-wala akong maibibigay sa inyo--"

"Heto na naman ba tayo? Tangina mo, nakakagago ka na," maangas nitong sinabi saka niya tinanguan ang dalawa nitong kasama. "Sige, simulan niyo na."

Mula sa kanyang kaliwa ay kinuha nito ang bag at kinapkapan ng ano mang mga bagay na maaari nilang makuha. Ang isa naman ay kinapkapan ang bawat sulok ng katawan ni Bing. Hindi rin pinalampas pati ang kanyang panloob.

Biglang hahalakhak nang malakas ang isa, "Pre, butas yung brief!"

Sabog sila ng tawanan. Pero hindi si Bing na naroong nakatayo at muling dumaloy ang luha sa sama ng loob. Wala siyang kalaban-laban sa tatlong kaklaseng ginagawa siyang laruan pero sandaling nahinto ang tawanang ito nang magsalita ang isa.

"Patutsy, wala ngang dala! Walang laman yung bag!"

"Tangina mo! Huwag mo akong tawaging Patutsy! Anong akala mo sa akin, bakla?!"

Nadismaya sila.

Nakitaan ng panggigigil si Bing mula sa kanyang mga kamao.

"Kayong dalawa," nagbuga siya ng usok ng sigarilyo matapos humithit. "Alam niyo na kung ano ang gagawin..."

Walang anu-ano'y agad tumakbo si Bing pero agad din siyang nahuli sa isang kanto kung saan hindi na sila nakikita pa ng ibang estudyante. Hinawakan ng dalawa ang magkabila niyang kamay saka ipinadapa sa lupa. At nang dumating si Patut, agad nitong binatak ang buhok ni Bing saka muling binugahan ng usok sa mukha.

"Tarantado kang anak puta ka, bakit ka tatakbo, HA?!"

Pumapalag si Bing at nagbabakasakaling makatakas ito sa tatlong hinayupak na kaklase pero hindi niya magawa. Wala siyang laban dahil tatlo ito at nag-iisa lamang siya. At dahil hindi mapatahimik ni Patut sa pagsisigaw ni Bing ay paulit-ulit niyang inuumpog sa lupa ang mukha nito hanggang magdugo ang nguso. Hindi na nagawang sumigaw pa ni Bing nang idarag sa pisngi niya ang nakasinding sigarilyo hanggang mawalan ng apoy.

"Bing, huwag tayong maggaguhan. Alam mo kung ano ang hinihingi namin sa iyo kaya aabangan ka namin ulit bukas sa gate kapag wala kang maibibigay," sabi ni Patut saka nito ibinalibag ang katawan ni Bing sa lupa dahilan para mamilipit ito sa sakit. Dito na siya iniwang mag-isa hanggang sa magdilim ang paligid sa papalubog na araw ng hapon.

(Sorry, the content of this part was removed by the author.)

Sa Sabaw ng Dinuguan

Sa Sabaw ng Dinuguan
Copyright 2012 by Jay Calicdan

Para kay Jonathan, at sa mga taong tinuruan ako kung paano maging masama, magalit, maging brutal, sira ulo, at matapang, habang mag-isa kong tinatawid ang intersection sa tapat ng Camp Aquino. We rock, YEAH! ^_^

... ang dugo ay buhay...

Bing
Isa lang akong ordinaryong palengkero sa aming barangay. Nagtatrabaho ako mula Sabado hanggang Linggo, madaling araw at hanggang gabi sa amo kong nagtitinda ng mga karne at gulay na walang ibang ginawa sa akin kundi ang apihin at pahirapan ako. Gusto ko na sanang umalis sa kanya pero kailangan ko talaga ng pera para ipangtustos ko sa mga pangangailangan ko, unang-una na sa pag-aaral.

Isa naman akong mag-aaral sa pampublikong eskuwelahan malapit sa amin. At dahil hindi lahat ng pera na naiipon ko ay sumasapat, hindi ako nakakabili ng gamit tulad ng sapatos, medyas, pantalon, polo, at gamit pang-eskuwela. Kahit ganito lang ang buhay ko bilang mag-aaral, pinipilit ko na lang pagtiyagahan ang tira-tirang panulat at papel ng mga kaklase ko dahilan para sitahin ako ng guro ko at palabasin ng klase. Isabay pa rito ang pagsundan pa ng tingin ng mga kaklaseng pigil ang tawanan at bulungan.

Ang mga magulang ko? Hindi pa naman ako ulila eh. May mga pagkakataon lang talaga na madalas, ramdam kong wala akong pamilyang kahit minsan lang e mapansin ako. Pero ayoko rin namang pinapansin nila ako dahil dito kadalasan nagsisimula ang mga bagay kung saan tinuturingan ako bilang iba, at hindi pamilya. Kahit hindi nila sabihin sa akin ng diretsahan, ramdam ko iyon dahil sinasabi na nila iyon ng kanilang mga kinikilos.

Kaibigan? Hindi ko alam kung kaibigan ang turing sa akin ng ilan. Kung totoo silang mga kaibigan, hindi sila tutulad ng pang-aasta sa akin ng mga magulang at kaklase ko. Kailangan ko na rin palang sabihin na hindi sila ang kaibigan ko na sinasaktan ako mula damdamin at katawan. At yung iba naman, wala na akong pakialam sa kanila dahil kinalimutan ko na sila tulad ng paglimot nila sa akin. Pantay na!

Pero kahit ganito ang buhay ko bilang 'kaaway at talunan ng buong mundo' e masaya pa rin naman ako. Bakit? Kasi mayroon akong kaibigan. Siya si Bantay, isang aso na kahit kailan ay hindi ako itinuring 'hayop' tulad ng pang-aasta sa akin ng iba na mas hayop pa sa hayop. Masaya ako dahil sa tuwing nalulungkot ako, nariyan lang siya sa tabi ko at kahit kailan, hindi ako iiwanan di tulad ng pag-iwan sa akin ng buong mundo.

At kahit ganito lang ang lagay ko ng mga sandaling ito, naniniwala ako't umaasa, na sa bandang huli, magkakalaglagan din ang lahat...

Q&A

Q&A with Jay!

J: Sige, tanong pa under the burning sun and shining stars!

- - - - -

Q: Paki-describe ang sarili.
A: Ako ang lalakeng may ganda't kaguwapuhang mas makintab pa sa ginto, mas makinang pa sa tanso. Ako si Mr. J-Kagandahan, Mr. J-Kaguwapuhan, Mr. J na may K, Mr. Bebe... Jay Calicdan na nagsasabing, "Kung ako ang pipiliin mo, we will live happily ever after!"

Q: Bakit 'Jay's Quirky World'? Ano ba ang ibig sabihin ng 'Quirky' at bakit may 'World'? Ang one thing, introvert/loner ka ba para gumawa ng sariling mundo na ikaw lang ang nakakaintindi?
A: Kaya Jay's Quirky World kasi wala na akong maisip na iba pang pangalan. 'Quirky' means 'Kakaiba' at pakidugtong na lang ang mundo. Marami nang nagsabi sa akin ng ganyan at hindi yun totoo. Wala lang akong sariling mundo, pero welcome na welcome sila dito sa mundo ko kung saan mo ito nababasa. Gets?...

Q: Bakit meron kang pipitsuging site tulad nito? Importante ba?
A: Wala lang. Contact. At the same time, pamatay at pag-aksaya ko lang ng mga mahahalagang oras tulad ng pagsusulat ng kung anu-ano na lang. Importatnte? 50/50. Dahil gusto kong kumuha ng ilang mga karanasan sa pagsusulat ng mga maikling kuwento at nobela, na maisasalin ko sa salitang Hapon at Koreano... balang araw. Masama ba yun?

Q: Bakla ka ba? Totoo ba yung chismis?
A: No.

Q: Abnormal ka?
A: Same to you!

Q: Plastik?
A: --ka!

Q: Bobo?
A: Slow learner puwede pa. Walang taong bobo pero tanga? Oo, ganyan ako minsan. Nasa harapan ko na, hindi ko pa nakikita. Hindi naman masama ang maging tanga. Ang masama e kung aaraw-arawin mo kasi matinding perhuwisyo yan, tulad ng pagtatanong mo sa akin ng mga sandaling ito.

Q: Anong kamay ang ipinanghahawak mo sa tuwing magsusulat ka?
A: Kanang kamay, at yung font e yung tipong puwedeng gamitin para sa mga horror film tapos yung size e kinakailangan pa ng magnifiying glass sa sobrang liit. Pero nilalakihan ko na kasi hindi ko rin minsan mabasa kapag ako na ang magbabasa. Totoo yun!

Q: May... daga!
A: Nasaan? Skip! SKIP! SKIIIP!!!

Q: May balak ka rin bang mag-sundalo tulad ng--
A: Wala. Kung gusto ko, edi ikaw ang mag-sundalo para sa akin!

Q: Tamad ka bang magsulat?
A: Kung may gamot lang sa katamarang magsulat, malamang, marami na akong naisulat ng kung ano na lang.

Q: Paano ka nagsusulat?
A: Panulat at papel. Matinding katahimikan, lalo na tuwing gabi, tapos, dapat meron akong isang baso ng tubig kasi pakiramdam ko, parang nade-dehydrate yung utak ko kakapigang mag-isip. Nakakasakit kasi ng ulo eh. Gabi rin akong nagsusulat kasi nga tahimik. Walang istorbo. Mid-night sale ang mga idea na libre kong nababargain sa isip. O kaya naman paminsan, basta na lang akong nagsusulat. Walang pinipiling oras kung dumating ang gana, at inspirasyon, lalung-lalo na ang pinakamahirap huliin sa lahat--ang ideya!

Q: K-pop ka pa?
A: J-pop, originally. Pero di na ako masyadong updated sa pareho. Sa kasalukuyan, pop music muna ako ngayon na madalas kong marinig sa radyo. Meron pa! Jukebox's Hits! Ito yung mga OPM na panahon pa ng 60's to 80's and gustong-gusto ko talaga.

Q: Oo lang o hindi ang puwede mong maging sagot. Hindi ka ba marunong lumangoy?
A: Ha?... ano... Oo! Hindi ako marunong lumangoy!

Q: Ano ba talaga ang tunay mong pangalan, ha?!
A: Alam mo na diba? Jay Calicdan. Kung gusto mo, isampal ko pa sa pagmumukha mo yung birth certificate ko, bakit ba ang kulit ng mukha mo Bebz Cunanan???!!! Kung makati yang keps mo, lagyan mo ng sili para masaya!

Q: Ano ba ang pangarap mo sa buhay?
A: Ang matupad ang mga pangarap ko sa buhay.

Q: Favorite radio station?
A: All time is 90.7 LOVE Radio, pangalawa ang 101.1 YES FM, at pangatlo ang 101.9 MOR. Gusto ko rin ang 98.7 DZFE The Master's Touch kasi it touches my heart and my soul of God's Words!

- - - - -

J: Nasagot ko na yung ibang tanong na gustong malaman ng mga pagmumukha niyo tungkol sa akin. May tanong ka pa? Itanong mo lang dito, Dali!!!

I'm Jay

Stop Book Piracy!Naglakad ako sa klase. At--sa mga sandaling iyon na ang klase ay buhay sa tawanan at daldalan, ay biglang nanahimik.

Tahimik.


Lahat nakatingin sa akin.


Nakayuko akong naglakad papunta sa upuan ko, nakatingin sa sariling paa.


"Please, introduce yourself," sabi ni teacher.


"I'm Jay Calicdan. Nice to meet you all!"


Agad akong umupo, walang imik... habang nakatingin ang iba sa akin.


- - - - -


Dominant handwriting: Right hand

First name: Jay
Suriname: Calicdan
Green
Birthday: I don't know... Thursday
Zodiac (Animal): Rooster
Zodiac sign: Capricorn

Birthplace: San Miguel, Tarlac

Hometown: Camp Aquino San Miguel, Tarlac
Cellphone: 0936--(SKIP!!!)
E-mail: jay.calicdan@yahoo.com

Nationality: Filipino
Country: Philippines
Language: Tagalog

JayDialect: Iloco, Pampango
Foreign: English

Occupation: Student/Part-time Writer

School: Tarlac State University
Time period: 2013 to present
College: College of Arts and Social Sciences
Course: A.B.--(SKIP!!!)

Punchline: "Ang lalakeng may ganda't kaguwapuhang mas makintab pa sa ginto, mas makinang pa sa tanso. Isang kayamanang maaari nang ibaon sa lupa, kasama ang mga kayamanan ni Yamashita! Iyon na!"

Favorite quotation:

"Life is like a wheel. Sometimes you're up, sometimes you're down... and sometimes, we need to vulcanize!"
"Ang lalakeng takot sa paputok subalit mahilig magpaputok."

That's all, thank you! ^_^

- - - - -

Uwian na.

Electric Sunset
Nanatili akong nakaupo sa aking puwesto at hinayaang lumabas ang ibang kaklase nang bigla siyang lumapit sa akin.

Nagpakilala siya at ngumiti.

"Hanggang sa muli, Jay," pagpapaalam niya.

"Hanggang sa muli!" sabi ko.

Iniwan niya akong nag-iisa sa loob ng klase.

Bumalik ang kapayapaan habang pinapanood ko ang paglubog ng araw mula sa bintana.

Quirk

quirk \'kwərk\ n. an unusual habit or way of behaving; something strange that happens by chance;

quirk \'kwərk\ n. a peculiar of behavior; an idiosyncrasy; an unpredictable or unaccountable act or event; a vagary; a sudden sharp turn or abrupt twist or curve; an equivocation; a quibble.

Disclaimer

Jay's Quirky World
... This is where Jay's Quirky World go around!...
Copyright © 2012-2016 created and owned by Jay Calicdan.

DISCLAIMER:
This is a personal blog site of Jay Calicdan. Anything on this blog site that will be copied and distributed, reproduced or transmitted in any form or by any means, storage and retrieval system, that was not authorized by the owner of this blog site, including written articles, are prohibited.

All stories and written article in this blog site are made by the author's production of pure imagination and point of views, and all the characters: living or dead, actual situations, places, and events, that are mentioned in this blog site are purely coincidence with no other way to duplicate and/or imply actual situations unless claimed by the author as based on the real events or real names of the characters represent on the articles. Otherwise, the sources are stated herewith.

COPYRIGHT:
All content seen on this site including written articles and images are intellectual properties of Jay Calicdan as indicated which should not to be copied and modified to distribution unless authorized by the owner.

Some materials including lyrics, musics, videos, etc. that are embedded in this blog site, which are not declared and owned by Jay Calicdan, are properties of the contributors with their respective copyright online, and the following sources are stated herewith.

Protected by Copyscape

International Licenses
Creative Commons License
Jay's Quirky World by Jay Calicdan is licensed under a Creative Commons Attribution-NoDerivs 3.0 Unported License.
Based on a work at http://jaysquirkyworld.blogspot.com. Permissions beyond the scope of this license may be available at this site's copyright detailed in this page.

Philippine Licenses
Creative Commons License
Jay's Quirky World by Jay Calicdan is licensed under a Creative Commons Attribution-NoDerivs 3.0 Philippines License.
Based on a work at http://jaysquirkyworld.blogspot.com.
Permissions beyond the scope of this license may be available at this site's copyright detailed in this page.
Jay's Quirky World
Scan me! Jay's Quirky World!

Welcome to Jay's Quirky World

"Maligayang pagdating sa kaharian ng Jay's Quirky World!"

Ito ang isinigaw ng isang lalake. Nakatayo siya sa isang mataas na tore na nagbabakod sa malaki at napakagandang kastilyo na noon ko lang nakita matapos maglakbay ng malayo mula sa gubat.

Maraming tao ang makikitang nagkalat sa magandang kastilyo. Masasaya ang mga mukha nila at nagbigay pugay sila sa isang hari na nakasakay sa isang karwahe. Nakita kong gawa ito sa matataas na uri ng kahoy, bakal, marmol, at ginto.

Nagsimulang tumugtog ang mga banda na nangunguna sa karwahe ng hari. Napadaan sila sa harap ko at nang makakuha ng pagkakataong masilip ang loob nito, nakita ko ang maganda niyang reyna na nakangiti at kumakaway sa mga taong bumabati sa kanila ng maligayang pagbabalik.

Nasa likuran naman ang kanilang mga anak. Tatlong anak na prinsepe. Magkakatabi sila sa mahabang upuan na napakalambot at nakangiti ring kumakaway sa mga tao mula sa bintana. Napakaganda nilang pinagmamasdan.

Ang unang prinsepe ay may ngalang Peter.

Ang pangalawang prinsepe ay may ngalang Diego.

At ang huling prinsepe ay may ngalang John.

Sa isang iglap, natagpuan ko ang sarili na nakatayo sa pinto ng kastilyo, kung saan sila papasok. At nang madaanan ako ng karwaheng sinasakyan ng tatlong prinsepe, sila'y sabay na tumingin sa akin at ngumiti.

Parang huminto ang ikot ng mundo ko sa tagpong iyon. Mabilis din ang tibok ng puso ko dahil sa pagkamangha. Pagkamangha sa unang pagkakataong makakita ako ng mga tunay na prinsepe.

Tumunog ang malaking orasan matapos pumasok ang hari at reyna na magkahawak-kamay habang pinauulanan ang kanilang daanan ng mga talulot ng pulang rosas. Kasabay nito ay ang isa-isang pagyakap sa akin ng tatlong prinsepe bago pumasok sa magandang kastilyo. Iniimbitahan nila akong sumama sa kanila pero hindi ako makapaglakad.

Nakaramdam ako ng sakit sa dibdib nang hindi ko na sila masilayan sa madilim na kastilyo. Napaupo na lang ako saka nanahimik. Maya-maya, bigla akong nagising at nasilaw sa magandang sikat ng araw...