Saturday, November 30, 2013

Ang Paborito Kong Prutas

Ang paborto kong prutas.
Ibig kong ipakilala sa inyo ang paborito kong prutas.
Ito ay nakabitin sa isang barako at tigasin na katawan.
At marami kang mapagpipilian.

Ito ay mahaba, kulay dilaw, at paminsan kulay berde kapag di pa hinog.
Madalang lang makakita ng mamula-mula.
Mayroong tuwid at madalas ang baluktot.
Sa hugis pa lang, siguradong natatakam ka na.

Makinis, malambot, at madulas, maging sa panlabas nitong anyo.
Lalung-lalo na pati na rin sa panloob.
Paborito ito ng mga babae, gayon din sa mga lalaki.
Tiyak na kapag nakita mo, ika'y matatakam.

Alam kong sabik na sabik kang tikman ito,
Dahil sa kaakit-akit at mapagtukso nitong anyo.
At upang matikman ito,
Kailangang gumawa muna ng paraan.

Sa pagtikim nito, dahan-dahang itong hawakan.
Huwag kang mag-alala, madali lang itong buksan.
Di tulad ng iba, kailangan mo pang masaktan.
Sa pagbukas ng paborito kong prutas, ay hindi ka pahihirapan o sasaktan.

Dali-dali lang i-akyat ang mga sabik na daliri sa dulo nito,
At saka ibaba nang dahan-dahan ang dilaw nitong balot.
Mabubulaga ka sa unang pagkakataon at mamamangha sa mapagtukso nitong itsura.
Dahil sa mga sandaling iyon, matitikman mo na ang paborito kong prutas.

Maaari mo itong kamayin at isubo nang buo,
Puwede ring kagatin at namnamin nang dahan-dahan at buong puso.
Ngunit huwag na huwag mo lang sasakmalin.
Dahan-dahan lamang sa pag-kain, baka ika'y mabulunan.

At pagdating sa huli, doon mo matitikman,
Ang pagsabog, kasukdulan at abot-langit nitong sarap.
Tanging kay-buti ito sa iyong pangangatawan,
Na di tulad at wala sa ibang prutas.

Isa lang naman ang kanyang layunin.
Para sa mga gustong tumikim sa kanya.
Gusto niyang magbigay ng kaligayahan, kasama ang kanyang lakas.
Upang magkaroon ng sustansya, at malusog na buhay.

Ito ang paborito kong prutas.
Siya lang ang nagpapaligaya sa akin.
Kahit maghanap ka man ng puno dito sa ating mundo,
Saging lang ang may puso, SAGING LANG ANG MAY PUSO!

Friday, November 29, 2013

Pustiso ni Betsy

"Kuwento ng teacher namin noong Grade 5, yung kapatid niyang babae, pagkatapos daw niyang magbunot ng buhok sa kili-kili, inutusan daw niya yung kapatid niyang bumili ng TAWAS dahil naubos na daw yung deodorant niya. Pero huli na nang malaman niyang KLOROX pala yung nailagay sa kili-kili niya!"

Tawanan.

Teka sandali, parang may mali...

"AHAHAHA!!!... OO NGA!!!... AHAHAHA!!!"

Ito na nga yun, akala ko mali. Maraming tao noon sa loob ng CR. At hindi ko ngayon alam kung paano magsisismula. Hindi ko alam kung ano yung tinatawanan namin pero ito ang mga boses na naaalala ko nang minsang mag-CR kami ni Betsy nang bigla siyang nanahimik saka ako nakarinig ng pagbagsak ng isang bagay sa tubig at di na ulit nagsalita. Naisip ko noon na baka tumatae lang siya pero wala naman akong naaamoy nang kinatagalan. Naisip ko baka ma-offend ko siya kaya nakakahiya. Ewan ko kung bakit ganoon, basta ko na lang iyon napansin nang kaming dalawa na lang pala sa loob ng buong CR habang umiihi. Alam ko, dahil may tatlong cubicle lang ang CR at magkatabi lang kami sa pangalawa at pangatlo.

"Jevalyn, may problema ako..."

Ito yung narinig kong mga salita matapos kong itaas ang garter ng panty ko saka siya nagsalita na may bahid ng pagkakaba tapos may halong pag-aalala. Siguro, tama nga yung hinala ko nang makita ko yung tissue sa pader saka ko ibinigay sa kanya na inabot naman niya mula sa ilalim. Tama nga... wala nga siyang tissue sa kabilang cubicle. Alam kong nagpupunas siya ng pinakainiingat-ingatang puri sa kaselanan ng parte ng kanyang pagkababae pagkatapos umihi o dumumi. Alam ko, dahil ginagawa ko iyon. Pero sa tono ng kanyang pananalita, ewan ko. Hindi ko naman alam kung bakit ganoon. Kaya naghintay na lang ako ng ilang pagkakataon para marinig siya ulit.

"Yung pustiso ko, nalaglag..."

Sa mga sandaling iyon, hindi ako kaagad nakapagsalita. Sa katunayan, maganda si Betsy. Pero hindi ko rin lubos na maisip na sa ganda niyang iyon, meron siyang pustiso. Naisip ko tuloy na baka nagbibiro lang siya pero ang tagal niyang nananahimik. Seryoso yung boses niya na hindi ko puwedeng itawa kaya naman yung pakiramdam ko, para akong sinasakal sa pagpigil ng tawa. Muntik pa akong makahikbi!

"Edi pulutin mo na," sabi ko na lang para walang ibig sabihin. Baka kasi pag-isipan niya ako ng masama sakaling hindi ako sumagot sa kanya.

"Hindi ko kaya..."

Tutal, babae naman ako kaya pinuntahan ko na siya sa loob ng cubicle kung nasaan siya saka siya biglang nagtakip ng bibig habang nakaupo sa inidoro. Nakita kong nakababa yung panty niyang dilaw hanggang sa tuhod saka siya nagsalita pero hindi ko naman maintindihan dahil nakatakip yung bibig niya. Ayaw niyang ipakita sa akin kung anong itsura niyang hindi kumpleto yung ngipin.

"Anong sinasabi mo?" tanong ko sa kanya pero di ko na kayang pigilan yung tawa kong sasabog na sa pagpigil. Tinignan ko yung itsura niyang hindi ko malaman kung iiyak o tatawa.

"Yung pustiso ko, nalaglag!" saka siya napangiti na nagpahalakhak sa akin ng todo nang makita ko siyang bungal. Grabe yung pagkabungal niyang parang mangkukulam, manananggal, aswang... basta bungal na nakakatawa. Ang ganda niyang maging bungal, walang ngipin sa harapan. Siguro mga bandang itaas. Samakatuwid, isa siyang magandang bruha na akmang-akma para sa mga peryahan ng mga katatawanan.

"Nasaan na at pupulutin ko para sa iyo," nakangiti kong sinabi sa kanya, pampagaan ng loob kasi humihikbi na siya na iiyak na ano mang oras.

"Hindi puwede," sabi niya. "Hindi mo kaya," dagdag pa niya.

"Nasaan ba kasi?" tanong ko kasi litong-lito na yung itsura niyang nakatingin sa akin. Itinaas niya yung panty niya matapos punasan ang kanyang pagkababae, saka tumayo sa tapat ng inidoro matapos isara yung zipper ng kanyang maong at humarap sa akin nang hindi pa ipina-flush yung inidoro.

"Jevalyn, ayun yung pustiso ko," sabi niya habang nagsasalita siyang nakangiti at litaw ang kabuuan ng bibig niyang kitang-kita ang kabungalan. Ayoko naman sanang magsalita ng ganito dahil kaibigan ko siya at ayoko nang mag-isip ng kung anu-ano pa. Gusto ko pa sanang pigilan ang sarili pero matinding pagkabigla na ang nakita sa mukha ko nang ituro ng mga mata ko ang kinalalagyan ng pustiso niya.

"Yung pustiso ko, tumalsik sa loob ng inidoro saka nalalag paloob!"

Pagtingin ko, nasa loob nga yung pustiso niya. Di namin alam kung tatawa kami o ewan. Kita ko yung dilaw na produktong nakaipon ng kalahati at kitang-kita naman sa ilalim nito yung lima o mahigit pa na hiwa-hiwalay na ngipin na pumupormang maliit na pustiso. At isang buong pustiso talaga yung nakalubog sa mga naghalo niyang likido. Kumpirmado, pustiso nga talaga! At may kasama pa talagang 'bula' ng kanyang laway na pumapaikot sa ilalim.

"Teka," bigla siyang nagsalita at tumingin sa akin saka hinawakan yung balikat ko para pigilang lumapit sa dugyot at nakakasukang inidoro. Maski ako, hindi ko rin alam kung ano ang gagawin kung kukunin ko yung pustiso niya sa ilalim ng nagsamang dilaw niyang produkto o hindi. Pero ayoko pa rin! Nakakadiri! Salamat naman at napigilan din niya ako sa paglapit. Pero… sino namang dugyot na tao ang kukuha noon? Kahit huwag na!

"Eh, pagtatawanan ka nila," sabi ko pero tinignan niya ako ng parang nangungusap. Parang may ibig sabihin yung porma ng pagtingin niya sa akin at saka ako napatahimik. Parang may mali sa nasabi ko at huli na nang mapagtanto ko. Para bang sinabi ko sa kanya na kailangan mong kunin at gamitin ulit yang pustiso mo para di ka pagtawanan! Lagot ako! Pero sa mga sandaling iyon, may kinuha na siya sa loob ng bag niya. At hindi ko alam kung ano iyon… ayos na sana pero parang naramdaman kong gumuho yung mundo ko nang marinig ko yung mga salitang lumabas sa kanyang bibig na nagpasigaw sa akin sa loob ng CR.

"Ako na lang ang kukuha!"

Wala. Noong mga araw na iyon, pormal ko nang isinuko ang lahat. Siya na mismo ang kumuha ng pustiso niya sa loob ng dugyot na inidoro suot ang isang transparent na plastik… at ginamit muli.

Saturday, November 23, 2013

Love and Friendship

A guest post
Copyright © 2013 by Jeaniel David

- - - - -

Alexis was the type of guy who'd make you curious about his personality once you saw him at school, especially if he becomes a part of your class. He was a loner, always serious, and doesn't talk too much. Whenever someone would try to talk to him he would only answer with one or two words, or sometimes would just use body gestures. He was a very unique person; weird and mysterious to everyone; especially to Stella, the girl you'd love to hate for being too quirky if you were like Alexis. She's also the girl who shows interest the most to Alexis. Stella was always in a good mood and she would always have something positive to say. Whenever someone would ask her how she was doing, she would reply, Good as always! I could hug everyone in this room if only there wasn't any humility left in me, oh wait I remembered, there kinda wasn't cracking a little joke. Then she'd probably hug you tight if you'd go near her. She would do silly things just to make everyone feel happy, even if she humiliates herself in front of everyone. You could call her too manic and probably she is the happy-go-lucky girl in school.

Stella loves making friends with everyone. She feels like she could make everyone in school her friends. The first day of school of her college year she already noticed Alexis, she felt so attracted to him. Approaching Alexis would be like the greatest challenge for her in making friends because of his snobbish appearance. Yet, she couldn't easily walk near him because whenever he's in the room everyone would look at him and talk about how mysterious he looks and how such a loner he is. Walking to him would be like making everyone notices you and talk about how thick-faced you are.

Stella planned to talk to Alexis every time she thinks about him. Unfortunately for her, Stella only has one class with Alexis in it. So she was having a hard time trying to find a perfect time to approach him. And whenever he's in there, Stella would just probably freeze as she walks closer right through him.

One day Jessica, a close friend of Stella, went talking about Alexis and how happy she is for being able to talk to him the other day. Stella was shocked, a little jealous but happy for Jessica. Jessica is head over heals for Alexis, she writes his name on her notebook and draws heart with it, she even talks about him all the time and how excited she is to see him every morning she wakes up and go to school. Stella grew more hopeless to get near Alexis, Especially seeing how happy Jessica is from being able to get near him. So she gave up, she got depressed and disappointed about not being able to show Alexis the kind of person she is.

One night, Stella was surfing the net, she was really disturbed about Alexis because she really is interested in him and somehow feels something unexplainable about Alexis. Wanting to be able to free herself from the pressure she feels, she turned over the net and posted on her Facebook status: You just couldn't acquire everything you happen to desire all the time.

After a few seconds someone commented on her status, she went to view it, and when she did, a big surprise came to her seeing Alexis' name before the comment: Aww... that's too emo, joking! Hahaha, hey I'm a classmate of yours from the Ecomics class, familiar? I saw you playing for the college intrams, I think you were great. Can we be friends?

Stella was shocked on how friendly he sounded in his comment but felt really happy at the same time, she could feel her heart jumping. Then, she replied: Sure! There's nothing wrong with making friends right? Anyway nice meeting you.

Then again, Alexis replied: Good luck on your game, I hope you could win for our college.

Then Stella: Yeah I hope so too.

Then they chatted for a little while till Alexis asked for Stella's number and started texting her. They became friends but only in chatting and texting, whenever they were in school they both get shy to initiate who's going to go first and start a conversation.

Time passed about 2 months they never talked in person but only smiled at each other at school. Yet, they felt so close when chatting and texting. After sometime, they have decided to meet up and watch a movie and eat dinner. Stella did her best to look good for the date, and when she arrived at the meeting place, she saw Alexis with two girls beside him. She walked right to him excited and nervous at the same time. Alexis introduced his the two girls to Stella, they went to watch the movie with them and after awhile the girls went off and left Alexis and Stella alone together. After watching the movie, they went to eat in a semi-formal restaurant. but after awhile Alexis went to say goodbye to Stella because his home was too far from the city, he would have to travel and catch the last jeepney on the way home.

The other day at school, Stella went to talk to Jessica about her making friends with Alexis. Jessica got jealous and mad on Stella and called her a man stealer. Stella was shocked and sad about Jessica's words. They did not talk to each other anymore for a long while. Then, Alexis kept on getting close to Stella at school and everywhere she goes. Alexis liked Stella because he feels that Stella would be the one who could make him smile and feel happy every time he feels sad; Alexis always feels sad all the time because of peer pressures and the depressions he feels with his family. But because of the ruined friendship of Stella and Jessica, Stella decided not to talk to Alexis anymore; not only that, it's also because the past few days, Alexis had been talking about her ex girlfriend to Stella, then again, Stella started feeling down because she liked Alexis more than as a friend. Having those reasons, she went away and never talked to Alexis. After a few days, Alexis came to Stella and asked:"Are you avoiding me?", then Stella answered: "No, I was just kinda busy with all the studies and projects and homework and... I have to go, I wouldn't want to be late from my next class.bye!" Stella ran straight to the girls comfort room, Alexis chased on her and waited for her to come out of the comfort room. Stella new she was trapped, so what she did is climb up over the window out. The girls in the CR kept looking at her but she didn't care, as long as she could get out of there without getting seen by Alexis.

Alexis asked the girls from the comfort room who went outside after seeing Stella escaped if they saw her there, then they told him that she went over the window of the comfort room to escape, Alexis started running and chased over Stella to the gate, when Stella saw him coming, she jumped right to the jeep without waiting it stop for her to come up, so that Alexis wouldn't be able to chase after her, but he did. He ran as fast as he could and jumped to the jeepney. Stella decided not to stop the Jeepney in their house to lose Alexis, but still she couldn't. Stella did lots of stupid things to lose Alexis and to make him feel turned-off over her, she did every foolish things she could for her friend, but still she liked Alexis and cannot deny to herself what she feels, though she wanted to forget. So she talked to Jessica, apologized and told her everything she feels about their situation; Jessica forgave her and understood Alexis and Stella's feeling for each other, they became good friends again, while Alexis and Stella ended up in a relationship for about a year and three months from now.

-Jeaniel David

Wednesday, November 13, 2013

東京カランコロン / いっせーの、せ!

Dedicated to Rubics Master
東京カランコロン / いっせーの、せ!



総世界
音になる
言葉が笑う
さぁ世界
動かせ
動いてみせよう

総世界
音になる
言葉が笑う
さぁ世界
動かせ
動いてみせよう

右向きゃ下見て
どうも聞いてません
左はイヤホンで
これも聞いてません

やることあるだけ
いいじゃん気にしません
そんなのってつまんないです
全部放って声にして

「いっせーの、せ!」
ステキな魔法の言葉
オーケー?
動きだせ

「いっせーの、せ!」
大きな声出して
さぁ、おいで
手をつなげ

「いっせーの、せ!」
ステキな魔法の言葉
オーケー?
動きだせ

「いっせーの、せ!」
大きな声出して
さぁ、おいで

総世界
音になる
言葉が笑う
さぁ世界
動かせ
動いてみせよう

総世界
音になる
言葉が笑う
さぁ世界
動かせ
動いてみせよう

総世界
音になる
言葉が笑う
さぁ世界
動かせ
動いてみせよう

Wednesday, November 6, 2013

Sabik Ako sa Iyo

Kaytagal na kitang hinihintay
mga halik mong aking hinahanap-hanap
sa init ng iyong pagmamahal sa bawat yakap
para sa puso kong sa iyo'y nangungulila.