Wednesday, February 26, 2014

Ako at ang Salamin

Isa akong baliw, huwag ninyo akong husgahan.
Nabaliw ako sa isang guwapong lalake
Aaminin kong isa akong bading,
Isang bading na patay na patay sa isang guwapong lalake

Sabi ng iba, wala pa siyang syota hanggang ngayon.
Uy eksakto! Available at pareho kaming single!
Tulad ko, siya ay wala pang sabit
Ayos ito, may pag-asang kami ay magkatuluyan!

Araw hanggang gabi, siya ang laman ng puso't isip ko
Mula almusal, tanghalian, hapunan, at bago matulog tuwing gabi
Busog na ako sa kaiisip sa kanya kahit walang laman ang sikmura
Iniisip niya rin kaya ako ngayon pabalik? Sana...

Guwapo, macho, kayumanggi, at maamo,
Kalakihan niya ang siyang nagpahulog at kahinaan ko.
Idagdag mo pa ang alindog ng kanyang pagkalalake
Na siyang dahilan upang muli ko siyang pagpantasyahan.

Yan ang sabi ng doktor sa akin sa mental pero wala akong maalala.
Nakadama ako ng takot, galit, at matinding dismaya.
Ang lalakeng kinababaliwan at pinakapangarap kong makasama,
Tanging malaking salamin, at ako lang pala...

No comments:

Post a Comment

Thank you for reading!
Hope to hear from you. Don't forget to share!
Follow us on FeedBurner
Like Jay's Quirky World on Facebook! Thank you! ^_^