Tuesday, March 4, 2014

Living things sa

... sa loob ng CR, isang araw nang naligo ako.

The end. Tapos na. Yun lang. Hanggang doon lang ang kuwento. At hanggang doon lang talaga ang kuwento ng buhay ng ipis na napatay ko sa CR kamakailan lang. Bakit? Sinampal ko ng bakya! Ang kulit kasi, gapang siya ng gapang sa sahig kung saan naman ito nagtago sa likod ng timbang pinaglalagyan ko ng panligo. Matinik, mailap! Maingay yung pagbuhos ng tubig sa gripo pero kahit nasa ganoong sitwasyon ako e dinig na dinig ko pa rin yung paggapang niya sa likod ng timba. Lalo na nang maghiganti yata nang buhusan ko ng tubig para dumiretso sa flooring saka gumapang sa ibabaw ng kaliwa kong paa. Nakakadiri!!! Yuck!!! Mapapamura ka na mapapasigaw na ewan...

May naaalala ko sa mga sandaling ito. Malamang alam na ng iba pero sasabihin ko pa rin kung ano yun...

Alam mo na kung ano yung ibig kong sabihin...

"Ang IPIS ang pinakapoging nilalang sa mundo.
Kasi lakad pa lang niya,
Tilian na!!!
... Eh pag dumapo pa sayo,
todo kilig ka na,
patalon-talon ka pa!"

Written by Marvhie Ghail Frondozo.
August 13, 2011.


Gokiburi-chan.

Oo. Aaminin ko, ganyan ako. Nakakahiyang aminin pero ayoko talaga ng ipis!

Hindi ko alam kung ano yung nakain at nagawa niya ang quote na ito na kumakalat sa bakuran ng mga page sa facebook gayon din sa mga text messages. Nakatanggap na rin ako ng ganito kailan lang pero binura ko na. Nakakadiring pakinggan na parang gusto kong sumigaw nang sobrang lakas saka tumalon ng sobrang taas. Pakiramdam ko, nasa paanan ko na yung nabanggit. Nakakadiri, nakakainis. Isa sa mga kontrabidang nilalang sa buhay ko na sumisira ng napakaganda kong araw.

Kapag nasa bahay ako, hangga't maaari, hindi ko tumatambay sa mga liblib at masukal na lugar/parte ng bahay namin. Natatakot ako dahil alam kong nandoon lang sila, hindi ko nga lang nakikita. Tumataas yung balahibo ko pero wala namang nagpaparamdam o nagpapakita. Basta natatakot ako. Alam kong kahit mag-isa lang ako sa loob ng bahay paminsan, ramdam na ramdam kong nariyan lang sila sa tabi-tabi. Nakakatakot. Alam ko ring nakikita nila ako sa kabaligtaran naman nitong hindi ko sila nakikita. At ano mang oras na sakaling gumulo ang tahimik nilang mundo ay makikita mo sila. Nakakatakot sila tulad ng una kong na-encounter. Alam kong wala akong 3rd eye o six sense o ESP pero nakikita ko sila ng dalawang mata ko. Makikita mo sila: kulay brown, may dalawang nakakaalarmang pakpak, may walong kakila-kilabot at katakot-takot na mga paa kasama ang ulo nitong mayroong dalawang antena. Kung makalipad sa ere ng bahay niyo, pakiramdam niya, isa siyang paru-paro. Sa tingin mo, anong nilalang ang pumapasok sa isip mo?... Isang halimaw!

Ipis. Wala nang iba.

Hangga't maaari, ayoko ng ipis base na rin sa mga di malilimutang karanasan ko sa mga inutil na yan. Unforgettable. Babo. Wagi! Kung paano nangyari yun e hindi ko na alam.

Gabi. Malamig. Tahimik. Pero matinding kalbaryo ang naranasan ko noong gabing iyon. Noong naikuwento ko ito sa mga IYF friends and volunteer na babae noong late November (ba yun?), hindi nila alam kung iiyak sila o tatawa o sisigaw dahil sa pandidiri. Nakakahiya pa 'kamo. Hindi mo alam kung ano yung magiging reaksyon mo kung sakaling makita mo kung ano yung mga reaksyon nila.

Balik ulit tayo ng kaunti.

Junior high (bale 3rd year high). First time kong gagamitin yung bagong jogging pants ko (na ayokong gamitin kasi bumubukol yung ANO...) sa pangtulog dahil may lamig noon na halos mamaluktot na yung katawan ko sa higaan (December yata yun o January. Siguro November o Febuary!) Ipinantulog ko yun saka nagkumot (ng manipis na kurtina ng bintana namin, panangga lang sa mga mababangis na lamok na pumapapak sa maganda kong skin) at humiga sa folding bed katabi ng open-air na bintana. Dahil ako yung malapit sa bintana, sa akin lahat dumadapo yung lamig ng hamog na nanggagaling sa labas papasok sa bintana naming may tatlong blade na kulang (nabasag yata?) kaya malayang nakakapasok yung lamig. Aircontinues! Kung baga sa pinakamamahaling airconditioner sa balat ng lupa, naka-turbo cool ito na may high temperature, ganon katindi (nakasando naman pala kasi ako kaya ganon at normal na yung lamig kasi maraming puno). Pero noong mga oras na iyon, umaangal si ate (na nasa double deck bed), ang init raw! Inaway niya pa yata ako noon kasi sumalungat ako sa gusto niyang buksan ko ang electric fan ng number 3. Paano naman kasi, gusto niyang ipaikot yung ulo ng electric fan at kung nagkataon, mahahanginan ako ng sobrang lamig! Isa pa, maliit lang yung kuwarto na kahit itutok ko pa sa kanya o hindi, mahahanginan at mahahanginan rin ako kahit naka number 1 lang. Nainis ako. Sigurado magdamag na ang kalbaryo ko hanggang mag-umaga. Ipinasindi pa rin niya yung electric fan. Resulta? FREEZZZEEE!!!...,

Hindi ko alam kung tatawa ako o hindi. Pagsapit yata ng mga alas dies y media ng gabi, sa kahimbingan ng tulog namin, tumigil yung electric fan. Nawalan ng kuryente! Sana magtagal pa 'to para masaya 'kako saka ako nakatulog ulit.

Dahil walang door knob at nakabukas yung pintuan ng kuwarto namin, malaya at agad-agad na nakapasok yung pusa namin na si Maru (Japanese. Circle-Maru- まる) saka siya pumunta sa ilalim ng higaan ko dahil sa hindi malamang dahilan. Malandi kasi yung pusa namin, at kaya niyang maglaro nang mag-isa. Nandoon lang siya sa ilalim ng higaan ko. Ang ingay niya. Merong siyang kinakaluskos. Sa pandinig ko, kaluskos lang ng pusa namin ang maingay pero bakit merong dumagdag pang isa? Alam kong tulog na ang mata ko noon pero gising na gising yung katawan ko. Nagkumot na lang ako saka idineretso yung paa ko sa may paanan. Ang ingay ng pusa kaya naman pinalo ko nang malakas yung paanan ng hinihigaan ko. Kasi abot-kamay ko lang naman yun, sakaling mabugaw ko siya palabas. Pero, iba yata yung nabugaw ko, hindi yung pusa. Mayroon kasing dumapo sa talampakan ko eh. Ay, baka magaspang na lubid lang yun ng folding bed na inayos ko, sabi ko na lang sa isip ko pero mas nagsasabi ng totoo yung katawan kaysa isipan. Paano naman ito mapapadpad yun sa ibabaw ng paa ko ngayon? Gamit ang isang paa (hindi ko na alam kung kaliwa o kanan) natapakan ko yung pakpak saka ko na lang nalaman na isa pala itong ipis!

Ngayon, mag-isip ka. Isipin mo kung gaano kagaspang ng walong paa niya na dumapo sa balat mo saka roon nagtatatakbo-takbo. Anong pakiramdam?

Yan ang naramdaman ko. At siyempre, natanggal ko siya kaagad. Nakakadiri tapos nakakatakot. Akala ko, ayos na pero pumasok siya sa loob ng jogging pants ko! Agad siyang tumakbo paakyat ng hita ko ng sobrang bilis na parang isang sabik na bata, saka huminto at na-stuck malapit sa (alam mo na...) saka doon siya nagtatatakbo-takbo ngunit hindi siya makawala. Yung pakiramdam pala na parang nakakakiliti yung walong paa ng ipis sa balat lalo na sa may talampakan paakyat mula sa may paa pataas ng binti hanggang hita tapos yung tinira pa ng lokong ipis na yun e dumiretso pa sa pinakasensitive part ng (ALAM MO NA) ko. Nakakadiri! Buti na lang at mahigpit yung garter ng ano ko!

Agad akong tumayo saka naghubad. Nakita ko yung ipis, agad lumipad! Agad kong kinuha yung kurtinang ginawa kong kumot saka ko ihinampas sa ere, kasi nagpapaikot-ikot pa siya sa buong kuwarto na feeling fairy god mother. Kumapit siya sa kurtinang hawak ko saka ko pinalabas sa bintana. Dito ko na naman naaalala ang isang lyrics ng Mirotic by DBSK...

... I got youuuu... under my pants (skin)...

Ang sarap kaya, TRY MO!

No comments:

Post a Comment

Thank you for reading!
Hope to hear from you. Don't forget to share!
Follow us on FeedBurner
Like Jay's Quirky World on Facebook! Thank you! ^_^