Thursday, March 6, 2014

Nezumi-chan

Maliban sa ipis isa pa sa mga pinakaayaw ko e yung mga daga. Kung malaki ang galit ko sa mga ipis, ganon naman yun sa kabaligtaran ng mas malaki ang takot ko sa mga daga. Sa awa naman ng May-Kapal, wala namang nakikipag-approach sa akin na daga sa bahay pero sa pagsapit ng gabi, maririnig mo silang tumatakbo sa ilalim ng kisame, lalo na sa kuwarto ko! Parang hindi siya nag-iisa kasi ang daming tumatakbo kapag naririnig mo na sila na para lang naglalaro (na hindi ako kasali) at hindi lumalabas sa lungga nila (hindi man lang sila lumabas pero ayos na yun, ayoko silang makita!)

Palagi kong iniisip paano kaya sila napunta sa ilalim ng kisame samantalang wala naman silang puwedeng madaaanan kasi ang taas. Nakita ko yung butas kung saan sila pumapasok, sobrang liit! (nakita ko sa hagdanan namin, sa may pader na gawa sa plywood). Siguro yung dalawang maliit na daliri lang ang kaya kong ipasok noong sinubukan ko siyang sukatin. May mga marka pa rin siya ng mga ngatngat ng mga daga, senyales na meron nga talaga. Kapag aakyat nga ako sa kuwarto namin natatakot ako kasi madadaanan ko yung lagusan nila. Natatakot ako na baka may lumabas!

Last 2010 ng (siguro mga part ng July, 1st semester) kinailangan ng ate ko ang mga Guinea pigs para sa experement nila sa psychology (hindi ko alam kung kailan yung sa amin. Sana huwag na kasi mahirap pero enjoy yun!) Nagkataong wala siyang mahanap, (maski mga hamster, wala na rin noon) bumili siya ng dalawang puting daga (yung ginagamit rin sa mga laboratories). Ito ang first time kong makipagkaibigan sa mga daga. Ang babait nila kasi hindi sila natatakot. Nandoon lang sila sa isang lalagyanan ng chopsticks (yung parang pencil case) at walang ibang ginawa kundi umikot lang nang umikot hanggang sa makatulog sila. Kaya lang, nawala sila nang bigla. Di namin alam noon kung tumakas o kinuha ng pusa namin.

Kahit paano, ang masasabi ko lang sa mga daga, (kahit takot ako sa kanila) masasabi kong mabait sila kaysa sa mga ipis rito sa bahay dapende sa pagtrato mo sa kanila. Kailangan, mabait ka sa kanila. Alam kasi ng mga daga kung galit ka sa kanila o hindi, huwag mo lang mumurahin dahil sisirain nila yung gamit mo. Nangyari na 'to sa isang kaibigan. Nagtago daw siya ng isang chocolate sa bag. Dahil kabibili lang niya matapos ngatngatin yung una niyang binili, pinagmumumura niya yung mga daga sa bahay nila (basta na lang siyang sumisigaw at nagmumura sa galit). Kinabukasan, nakita niya yung bag niyang puno ng ngatngat ng daga tapos tinira nila ulit yung chocolate niya kaya ingat!

Hindi sila nag-ngangatngat ng mga gamit rito sa bahay o pagkain na di tulad ng mga nakagawian ng mga ipis. Kahit na mag-iwan ka pa ng pagkain sa lamesa, di nila yun papakialamanan puwera na lang sa mga ipis. Masyado kasi silang talamak kaya iniipis nila!

Ipis.
Ipis. Halatang hindi pa ako nakarecover sa nakaraang article about Gokiburi-chan. Dapat kasi hindi na ito kasama sa Nezumi-chan article ko pero gusto niya pang umekstra. At dahil nariyan naman na, pagbigyan na natin siya ng espasyo... kahit kaunti lang!

Ipis article: The Gokiburi-chan returns, the final.

Meron lang akong ish-share na facts tungkol sa nabanggit...

Hindi ko alam kung saang site ko nabasa noon sa internet na magkapamilya pala ang ipis at hipon. Oo. Hipon. Ibig sabihin, ang ipis ng dagat ay ang hipon. Ang sabi sa article (hindi siya blog, kung baga picture lang siya) na ang hipon daw (article pala yun sa England) ay mayroong lason na nagko-cause ng allergy sa isang tao (kaya pala yung iba, bawal kumain ng hipon kasi allergic pala sila). Same as to my uncle British (from Scottland) e ayaw ng ganon kasi nga daw may lason na saka ko na lang pala nalaman.

Ayon daw sa isang pag-aaral kaya daw nakakalason ang hipon ay kumakain ang mga ito ng mga basura, dumi, yung mga nabubulok na sirang pagkain and the like, and yung epekto naman sa taong nakakain nito (ayun as what I said a while ago, nagkakaallergy) kaya naman yung dumi na sana e hindi na dapat pang kainin e nakakain pa ng tao. (kung nakulangan ka sa article ko, hanap ka na lang ng ibang source.)

Isa pa pala, mayroon din palang hidden abilities ang mga ipis! Yung mga katawan nila, parang supported or parang may something sa kanila na anti-radiation na kapag nabura na ang lahat ng nasa kalawakan (tao, hayop, mundo...) e malamang, sila, buhay pa rin! Mismo! Kaya minsan nakakadiri ring isipin na kaya din pala nilang mag-survive palabas ng ipinlush na inidoro galing sa pozonegro! Scientifically explained yan.

Ooo sha... awat na ang paipis-ipis na yan!

Balik sa daga...
Kung unforgettable experience naman ang pag-uusapan pagdating sa mga daga, wala nang tatalo pa sa naranasan ko sa may palengke. Ito rin ang dahilan kung bakit takot na rin akong pumunta sa mga ukay-ukay. Nakakatakot!

Kasagsagan noon ang pagbisita ko sa mga tindahan noong last year (2011) sa may F. Tañedo sa Tarlac at aksidenteng naligaw ako sa uptown market. Dahil sarado ang isang daan papuntang sakayan ng Burot, pumasok ako sa mga bangketa na nagtitinda ng mga pirated records (CD, DVD at mga tapes). Kinakabahan ako kasi parang merong mangyayaring masama. Meron kasing mga grupo ng mga barako noon ang nagrarambolan kaya naman nahantong ang lahat sa kaunting batuhan (pero wala naman nasaktan kasi sandali lang naman yun, nanood pa nga ako eh). At sa puntong iyon, isang parte ng hollow blocks ang naligaw sa ilalim ng isang lamesa na puro mga kahon galing sa mga nagrarambolan.

Nakatayo kasi ako noon. Nanonood at naghihintay ng pagkakataong bumwelo at makaalis bago pa man masaktan at mag-isa lang sa gilid ng isang ukay-ukay. Hindi ko alam kung iiyak ako noon nang biglang lumabas yung isang malaking daga (natamaan yata sa nagkapira-pirasong hollow blocks sa ilalim ng lamesa). Meron siyang laki na halos kalahati ng isang malaking pusa tapos dali-dali siyang umakyat sa pantalon ko (na maong) hanggang sa tumigil siya sa may tuhod ko. Kulay itim siya tapos yung buntot niya parang buntot ng isang cobra na sobrang tulis (siguro mga 7 to 8 inches yung haba). Mahaba yung nguso niya ganon din yung kuko niya na nanggasgas pa sa tuhod ko (dumugo pa yata kasi parang kuko ng pusa yung mga kuko). Mahigit dalawa hanggang tatlong segundo siyang nakakapit sa maong ko tapos bigla siyang tumunog nang sobrang lakas (alam mo naman yung tunog ng daga) saka ako napaluha. Kung hindi dahil sa pagpalo ko sa bag ko, hindi siya aalis saka ako sumigaw na nagpatingin sa akin ng mga tao ('wag mo nang isipin kung paano ako sumigaw, nakakahiya, sobra!) saka ako tumakbo. Pinagtawanan pa ako tuloy ng mga tao nun pagkatapos...

Wala lang. Katamad ku... Pero kahit ganyan yung mga daga, best friend ko pa rin silang lahat dito sa bahay... kahit takot na takot ako sa kanila.

No comments:

Post a Comment

Thank you for reading!
Hope to hear from you. Don't forget to share!
Follow us on FeedBurner
Like Jay's Quirky World on Facebook! Thank you! ^_^