Wednesday, April 30, 2014

Letter to me

Hello, how are you? Ang tagal ko nang hindi nagsusulat. Mayroon akong summer class ngayon at katatapos lang kanina ng klase. Wala akong magawa kanina sa loob ng laboratory room kung saan napansin kong napakaraming kalat sa lahat ng mga cabinet at drawer na mukhang hindi na nagagamit dahil sa dami ng mga thesis manuscripts at activity notes and papers ang nakakalat. At dahil nagsusulat na lang ako ng mga kung anu-ano, natumpok ng pansin ko ang isang Cattleya note na nakakalat lang sa loob ng drawer. Basta ko na lang kinuha iyon ng walang dahilan… malamang, gusto kong malaman kung ano ang mensaheng gusto niyong ipahiwatig…

Mapapansing luma na at hindi ito gaanong nagamit. Unang page lang ang nagamit na may sulat na para daw sa may-ari ng note na iyon (para akong lumilipad!!!) na naglalaman ng puro mga paalala na magdadala sa kanya sa tagumpay bilang isang mag-aaral. Hindi naman ako gaano na-inspire pero may kung anong tumapik na lang sa akin para magkaroon ng kaunting kabuluhan ang isip ko ng mga sandaling iyon bilang isa ring mag-aaral.

Sa may-ari, kung mababasa mo man ang sulat na ito, pasensya na. Dala lang ito ng walang magawa. Gusto ko lang i-share. Salamat!

Heto ang sulat, unedited:

Seatwork 1

Dear May Ann

If I’m not mistaken you’re already 13 years old now and since you are teen already, I just want to say that take care of yourself always. Mag-aral kang mabuti kasi para sa future mo rin yan. At since na nasa level ka na ng pagiging teen at nasa high school kana ngayon, ‘wag kang sasama sa mga bad influence kasi diyan ako nasira noon. Always listen to your mother because she know what is the best for you. And please don’t entertain boys who are trying to court you, you’re too young pa. Just enjoy your life. Live with encouragement. Always motivate yourself. Always smile. :) ‘Wag mong kalimutang magdasal, palagi kang amgpasalamat kay God. ‘Wag matigas ang ulo, lagi kang makikinig sa mama at papa mo. ‘Wag kang magpapagabi sa daan lalo na ngayong hindi mo na alam ang isip ng mga ibang tao. Basta lagi mong iisipin na you need to be strong kasi at that age, marami ka nang trials na mararanasan. Iprioritize mo ang pag-aaral mo yun lang, at wala ng iba. Take care always. Stay pretty as you are right now and don’t forget to thank God always.

Sincerely yours
May Ann Esteban

No comments:

Post a Comment

Thank you for reading!
Hope to hear from you. Don't forget to share!
Follow us on FeedBurner
Like Jay's Quirky World on Facebook! Thank you! ^_^