Wednesday, July 23, 2014

PH care

Agad akong bumangon sa higaan nang makita ko ang oras sa relo. Pasado ala seis y media na ng umaga. Mabilisan kong inayos ang magulo kong buhok saka naghanda na ng mga gamit pag-pasok sa eskuwelahan. Delikado na ako kasi hindi ako puwedeng mahuli sa klase ng constitution. At ang mas masaklap pa nito, yung professor namin, college dean pa namin. Heto pa ang malupit: tulad ng sa pagkain, pinakamain dish niya ang mga batas sa Philippine constitution. Naka-schedule rin pala ang long quiz at wala pa akong alam kahit isa! Favorite past time niya pa naman sa klase ay mambagsak at sobrang strict!

Dali-dali akong kumain saka naligo. Hirap mabasa yung buhok ko kasi mahaba lalo na sa may bangs part na umaabot hanggang sa labi ko.

"Sinong tao sa CR?" si ate, naghihintay akong matapos.

"Ako! Patapos na akong maligo, sandali lang."

Sumigaw siya, "Hoy! Huwag mong tutunawin yung silka na sabon sa katawan mo!"

"Hindi naman ah!" patuloy lang ako sa pagkuskos sa kahit saang sulok ng parte ng katawan ko. Wala akong pakialam sa kanya. Ito kasi kadalasan ang ginagawa niya: ang magbunganga kapag natsambahan niya akong naunang naliligo kaysa sa kanya.

"Bilisan mo naman, malapit nang mag-alas siete!"

"Sandali na lang! Magsha-shampoo pa ako!" saka ako nag-anlaw ng katawan, nagsabon ulit ng mukha, at nag-shampoo.

Kumatok si ate sa pinto, "Kunin mo itong shampoo dito. Dapat kasi ipagupit mo na yan para wala ka nang shinashampoo. Isa ka pa kasi sa mga magagaling makipagkumpitensya sa pag-ubos ng shampoo dito s bahay..." nagbubunganga na naman si ate. Tinotopak na naman samantalang kahit magmadali yung sa pagkikilos, nahuhuli rin siya sa trabaho.

At yung sa sinasabi niyang ako ang magaling mag-ubos ng shampoo dito sa bahay, joke yun? E siya? Kamusta naman daw yung hanggang bewang niyang straight na buhok? Hindi rin ba magastos sa shampoo ang ganoon kahabang buhok? Ang unfair!

Hindi ko siya pinansin hanggang sa makalabas na ako ng CR. Dali-dali kong inempake yung mga handouts ko sa calculus saka binitbit yung T-square pero pinigilan akong umalis ni ate nang bigla siyang sumigaw. Alam ko na ang ibig niyang sabihin. Galit ang tono ng pag-sigaw na iyon pero ano naman daw ang problema niya? Nasunod ko naman ang inuutos niya na kuhanan ko siya ng napkin sa drawer ng mga panty niya? Bakit ako? May nagawa ba akong mali? Anong ginawa ko sa kanya?

"PUNYETA KA!!!" sigaw ni ate nang lumabas siya sa CR at lumapit ako sa kanya, kasabay nito ang pagtalsik ng tatlong piraso ng ga-ambon na laway niya sa mukha ko habang nakatupis sa kulay puting tuwalya. Kitang-kita ko sa mga nangigigil nitong kamay ang hawak na napkin na nakadikit na sa panty niya at asul na supot ng Modess. Ramdam ko yung tunay niyang galit sa paglabas ng mga salita sa bibig niya na nagpabigla sa akin. Bakit???

"Ano yun?!"

"Nag-shampoo ka?"

"Oo."

"Ito ba yung ginamit mo?" hawak niya ang isang maliit na bote na halos paubos na ang laman saka ihinarap sa akin.

" 'Yan, 'yan nga," sabi ko habang itinuturo ang hawak niya.

"E hindi naman ito shampoo eh! Feminine wash itong pinangshampoo mo! Panghugas lang ito sa kiki! May kiki ka ba???!!!" sigaw ni ate sa akin. At dahil katamtaman lang ang laki ng buong bahay, halos mamatay sa kakatawa sila mama at sila ate na nagising dahil sa ingay.

Napahalakhak na rin ako dahil sa katangahan at hiya...

10 comments:

  1. *hahahahaha!* Shet, comedy naman ngayon? Ayos ah. Kaso parang binuko agad ng title yung punchline. I think mas nakakatawa and unexpected if iba yung title. :P

    ReplyDelete
  2. Ahahaha!!! Epical, bulalo pa!!! Booo!!! Whohoho!!!

    ReplyDelete
  3. Tangina, kakaiba talaga itong writer na 'to, iba-iba yung trip pero kakaiba!

    @24Hours

    ReplyDelete
  4. +Sepsep oo nga noh... rush kasi eh.

    @ (yung dalawang anonymous)
    ang tindi niyo naman...

    @24Hours
    Kaunti lang! Ahahaha!!! Yan ang epekto kapag wala akong kausap lalo na kapag magulo yung isip ko. Nakakagawa ako ng kademonyohan, hehehe...

    ReplyDelete
  5. oh em gee!!! hahaha.. juice kerrr! pero sana iniba mo yung title para walang hint habang patapos na yung istorya. pero yung totoo? may kipayla ka sa ulo? charms!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oh, Hi nyora! I'm glad you're here and oo nga tulad ng sinabi ni +Sep, dapat iba yung pamagat

      anyway, I've read some of your post, maka-nosebleed, graveishous yung mga banat and it makes me laugh a lot and hard. very adorable for me, i love it!

      Delete
    2. kinilig naman ang tumbong ko ng beri beri light. gusto ko rin 'tong blog mo kasi iba iba ang tema. maraming salamas! palamas! charoz!

      Delete
  6. True story ba ito? Ayst.. Lakas tama...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Opo. Ikinwento po yan ng kaibigan kong engineer pero atin-atin na lang ha. walang laglagan please... >.< haha!

      Delete
  7. Anyway, +Nyora and +Teri, thank you for reading and welcome to my blog! ^_^

    ReplyDelete

Thank you for reading!
Hope to hear from you. Don't forget to share!
Follow us on FeedBurner
Like Jay's Quirky World on Facebook! Thank you! ^_^