Thursday, July 31, 2014

Vanilla milk

Kabado ako dahil wala akong kilala sa bagong eskuwelahan. Naglakad ako hanggang sa makaupo ako sa lugar ko. Umupo siya sa likuran ko nang pumasok sa klase. Nakaramdam ako ng kaba. Kumabog ang dibdib kong ngayon lang naramdaman ng kakaiba para sa isang tulad niya. Pinagpawisan  ako at kinabahan...

Kinabahan nga ba o higit pa roon?

Ewan ko. Sana, sabihin sa akin ng puso ko kung ano nang nangyayari.

Tinapik niya ako sa likuran. Nagpakilala siya at ngumiti. Sobrang tamis, napakagandang pinagmamasdan. Sa pag-ngiti niyang iyon, parang nalasahan ko pa ang labi niyang umiinom ng vanilla milk na sinisipsip at hawak niya.

Ngumiti ako sa kanya pabalik. May kung ano ang kumislap sa kanyang mata. Kinilig ako at umiwas ng tingin. Para akong lumulutang sa saya. Saya... na siya lang ang nagbigay sa akin na sa kanya ko lang naramdaman. Walang kaparis dito sa mundo kundi sa kanya lang.

Tama nga ang sinasabi ng puso ko; nahuhulog na ako sa kanya.

"Hindi maaari!" sigaw ng isip ko.

Pagka't siya'y isang tulad kong... lalake...

2 comments:

  1. *haha* Na-gets ko yung title. :)

    ReplyDelete
  2. Ahahaha!!! Yeah, WE ROCK!!! Nangyari na 'to sa'ken pero hindi sa lalake ha. Ahahaha!!!

    ReplyDelete

Thank you for reading!
Hope to hear from you. Don't forget to share!
Follow us on FeedBurner
Like Jay's Quirky World on Facebook! Thank you! ^_^