Wednesday, September 24, 2014

Pahiram ng salamin

Huli na akong nakapasok ng examination.

Lagot ako. Hindi na ako pagbibigyang mag-exam pa roon. Strikto yung professor ko doon na matindi ang atensyon at pagdidisiplina sa oras. Palibhasa kasi, half-Japanese, pero may sinabi siya sa akin, "Pagbibigyan kita for second time around but this time, make sure you'll be there on-time. Maliwanag?"

Deal. At kinabukasan ng hapon ang schedule. Wagi!

Ang sabi, dito daw sa office ni Sir saka na ako nag-exam pagdating. Buti na lang nakapagbasa ako ng kahit kaunti sa nagkakapalan kong reviewer. At suwerte ako! Lahat ng mga nabasa ko, lumabas! Sagot na lang ako nang sagot. Ang saya-saya!

Sandali akong na-distract nang dumating si Sir, makalipas lang ang minuto, kasama ang isang estudyanteng nahuli rin ng examination kahapon. At dahil magkaibang subject yung sinasagutan namin, ipinagtabi kami. Wala naman daw malisya kung magtabi ang dalawang lalake, diba? sabi ni Sir saka niya kami iniwan.

Uy! Yung estudyante, Engineer! At para naman sa kaalaman ng mga nakararami, kung baga sa libro, best-seller ang mga lalake ng Engineer para sa mga malalanding babae pati na rin pala ang matindi nilang kakumpitensya: ang sangkabadingan ng buong eskuwelahan. Pugad kasi ang college nila ng mga guwapong lalake kaya naman napataas ako ng kilay... pero di ako nagpahalata and why should I do that stupid damn thing in him anyway? Maybe it is a product of my personal insecurities sa kapwa lalake kasi medyo average din naman ang ganda kong lalake. At oo, bet na bet ko ang mga lalake ng Engineer--malaman, siksik, liglig, at nag-uumapaw. Hindi ko yan dini-deny! Pati ang katabi ko ng mga sandaling ito, kursunada ko. Guwapo eh. May reklamo? At wala naman masamang mang-angkin at magpantasya ng guwapong tulad nito--sa isip, diba?

Napaisip ako na sana'y magtagal pa ang oras naming dalawa sa loob ng opisina ni Sir... habang katabi ang lalakeng ito. Yung pangalan niya? George Alfonso. Nakita ko lang naman yung nakasabit niyang ID sa bewang niya na pasimple ko talagang tinignan. At yung birthday? August 8, 1993. Hmmm... nabuo siya ng mga Disyembre. Alam ko na ang tinataglay ng mga magulang niya. Likas sa galawang higad! Meron pa! Yung picture niya sa ID. Punyeta, paano na lang kaya kung tuluyan na nga akong naging babae, sigurado para akong nanalo sa loto 'pag napangasawa ko siya! Ang guwapo, sa picture pa lang, ulam na. At kailangan na lang dilaan para solve-solve pero pa'no ko nalaman? Ika nga ng 90.7 LOVE Radio, "Diskarte lang yan!"

Gustong-gusto ko siyang makatabi ng mga sandaling ito. Crush ko siya, gusto ko siya... pero ayokong magpahalata. Nawawala na ako ng concentration sa pagsagot ng exam isa pa, lalake pa rin ako. Kung magpapakabakla ako, dapat pangatawanan ko na. Kung aasta ako na parang babaeng ma-fall sa lalake, dapat magpa-sex change na ako. Pero hindi. Lakake pa rin ako at masarap maging lalake... lalo na ang kapwa lalake... kahit ayokong tumikim!

Lumalandi na naman ako, pasensya na.

Sa tingin ko, tapos na siyang magsagot. Sandali siyang tumingin sa akin. Mata sa mata saka siya umatake ng nakamamatay na ngiti na siyang nagpakiliti ng puso kong sa kanya ko lang naramdaman. Push na 'tooo!!!

"Tol, anong oras na?"

Nalito ako, "Quarter to five," nakangiti kong sagot.

Pero kakaiba na yung tingin niya sa akin, "Ba't namumula ka? May sakit ka?"

"Ay! W-wala 'to. Ayos lang ako, George..." nabanggit ko nang hindi sinasadya yung pangalan niya.

"Kilala mo'ko?--"

"H-hindi, nakita ko kasi sa ID mo," saka ako tumawa. Epical. Nakakahalata yung lalake na may bading sa paligid niya. Punyeta talaga, nakakahiya! At nakakadisgrasya talaga kahit kailan ang kalandian. Bakit naman kasing may malandi pang tulad ko?

"Anyway... puwedeng pahiram ng salamin kung meron ka?"

Ooopsss... metrosexual. Retrosexual, kung hindi ako nagkakamali... ganyan siya.

Sure! Why not?! Pero nagtaka ako kung bakit siya humiram at dahil guwapo naman siya, pinahiram ko yun sa kanya pagkatapos kong magsagot ng exam. Pero may isang bagay na nagpagimbal ng mundo ko nang panoorin ko siyang manalamin: Ang cute at ang guwapo talaga niya! (Bigti na...) Ang macho, ang ganda ng mga mata, ang tangos ng ilong, ang kinis ng pisngi, at ang kissable lips niyang ang sarap-sarap halikan... na nilagyan niya ng lipstick saka nag make-up ng mukha!

"Sige na pogi..." nilagyan niya talaga ng diin ng kalandian ang salitang 'pogi' na parang sabik na lumandi, "Aalis na ako..." kumindat siya sa akin saka nagkagat labi bago lumabas ng pinto matapos ibalik sa akin ang salamin ko at magpaalam.

Naiwan akong tulala, hindi makapagsalita, at bakas sa pagmumukha ang pagkadismaya.

Punyetaragis.

No comments:

Post a Comment

Thank you for reading!
Hope to hear from you. Don't forget to share!
Follow us on FeedBurner
Like Jay's Quirky World on Facebook! Thank you! ^_^