Monday, September 1, 2014

The '-ber' month season

Oy! '-ber' month na, pasko na!!! Ahahaha!!!

Camp Aquino Belenismo

Gera-gera! Gera-gera! Gera-gera! Gera-gera!

Hindi naman ako nangangaroling eh puwera na lang noong bata pa ako. I can still remember those vivid images on my mind until now na bigla na lang akong lalabas ng bahay pagkatapos maghapunan o kung ayaw akong payagang lumabas ng bahay e tatakas ako, kukuha ng dalawang bato sa kalsada para pamukpok, saka kakanta ng Christmas song sa mga kapit-bahay na may tradisyon nang maglagay ng matatapang na aso sa gate nila. Minsan, galit yung ibang aso sa ingay ng pinitpit na tansan! At paminsan naman kapag walang 'kita', double purpose na ang batong ipangbabato sa mga nanghahabol na aso. Okay sa olrayt!

Gera-gera! Tanda lang yan ng pagiging 'ako' (mi, mi, mi, sexy, me, just kidding!) dito sa bakuran ng internet, specially, under ng JQW at mukhang hindi naman yata halata sa akin ngayon na excited ako sa darating na pasko ne... pero HINDI! Magdadagdag na naman ako ng edad ngayong darating na December! Tatlong buwan na lang, parating na ang December 30! Titingin sa kalendaryo at malalamang malapit nang mawala ang edad ko sa araw, magdadagdag na naman ako ng edad this year, magde-date kami ni Rizal (joke lang!), dadami ang pagbati, kaliwa't kanan na regalo, (although bata pa naman ako) dadagdag na naman ang linya (payat ako kaya hello sa mga may malalaking bilbil!), square root of me raise to 2 OVER me is equals to STRESS, etc. BUT--I always tell my friends na I am celebrating my birthday on December 31, bisperas ng bagong taon para tipid and take note, hindi lang kami ang nagcecelebrate ng birthday ko kundi buong mundo! Tatanda na naman ako, ano bang nabago?!

And so, whats with the '-ber' month anyway? Wala lang. Pansin ko kasi, noong huling bumati ako sa isang foreigner friend ng 'Advance Merry Christmas' e nabigla siya kasi (1) hindi naman siya Kristiyano (pero wala akong pakialam doon) at (2) alam niyang sa December pa ang pasko at hindi siya nakikicelebrate!

"Why?" tanong ng kumag kong friend. Bakas sa pagmumukha niya ang pagtataka na sinagot ko ng ganito.

"Well, its a season of '-ber' month and something like this, SeptemBER, OctoBER, NovemBER, and DecemBER."

Ayun! Naliwanagan ang kaibigan kong lahi ng mga 'annyeonghaseyo!' Same with Kuya Seto (Konnichiwa, Seto-kun!) na panay ang pagpapainggit sa pagba-blog niya habang nag-eexplore/tour sa buong mundo (Asia, Europe, at US) kasama ang syota niya. Hmmm...

Kaibigan ko siya (si annyeong!) sa IYF noon pang 2012 nang mag-world camp sila dito sa TSUvalindia (TSU) katapusan ng first semester. Natawa siya bagamat hindi ko lubos maintindihan yung Ingles niyang palipit na nagsasabing ang saya naman ng celebration ng pasko sa Pinas, kakaiba pa. Doon niya lang kasi nalaman kung ano ang silbi ng countdown to Christmas day na nagsisimula ng September 1 ng taon na lagi niyang nakikita. Tignan mo na, ugaling Pinoy mga kamukha't ka-babes, unique sa buong mundo. We are the raise or the nation of one-day millionaire (oy, joke only but its true!) We are the raise or the nation of celebrating the Long Christmas season, tayo yan! Proudly Pinoy, onli in da Pilipins, and the best! Pero puwede pang mag-extend yan hanggang sa February ng susunod na taon dugtong ko sa kanya. Basta tinatamad pa ang mga Pilipinong magligpit ng Christmas Lights or Decor sa bahay nila, hindi pa rin tapos ang pasko!

O sya, paalam na muna sa mga mukha niyo mga ka-babes pero bago yan, mag-iiwan muna ako ng music and then... yeah, that's it! Okay, eexit na ako... si "Jay Lakadero" na nagsasabing: "Walang kumpa-kumpare... (a-hi... ahihihi... ahehehe... Ahahaha!!! Ngiyahahaha!!! Buwahahaha!!! AHAHAHA!!!!!--o hala tama na, hindi na ako tatawa...) sa kumareng malandi!"

Kinig-kinig lang! Advance Merry Christmas and Happy New Year to all!
-jay

P.S. Pahalok ako bhe, :* *muah!* *muah!* *muah!*

Na-miss kong mag-podcast sa phone!

No comments:

Post a Comment

Thank you for reading!
Hope to hear from you. Don't forget to share!
Follow us on FeedBurner
Like Jay's Quirky World on Facebook! Thank you! ^_^