Wednesday, October 1, 2014

Vita milk

(Isang Prequel mula sa kwentong 'Vanilla milk')

- - - - -

Nakita kong mayroong sinisipsip ang kaklase kong babae nang madatnan ko siya sa pathway ng OSA, TSU. Kasabay nito ay ang pagkain niya ng saging na senyorita. Nakita kong sarap na sarap siya sa pagtawa habang nakikipagkuwentuhan. Sa pagtawa niyang iyon, di na niya inalintanang makita ng iba ang ngala-ngala niya. At sa kabutihang palad, hindi siya nababaknal kahit minsan lang.

Tawa lang, sige lang. Bira lang nang bira sa pagtawa habang kumakain ng saging.

Nasa ganoon akong porma nang tinawag ako ng isang kaklase at tumabi sa kanya. Di sinasadyang nakatabi ko na pala ang secret crush ko. Nagkataon lang, at sa pormang iyon, magkatabing bag naming dalawa lang ang pumapagitan sa amin. Di kami maaaring magdikit kahit gustuhin ko man.

" 'tol, mani," pag-aalok ni secret crush sa akin na magalang kong tinanggihan. Kung puwede lang sanang sabihin ko sa kanya na siya ang gusto ko, sasabihin ko... pero hindi. Kinilig ako.

Bahagyang napatingin ang mga kakuwentuhan niya nang yumuko ako at mahalata nilang ngumingiti ako ng kakaiba sa paningin nila.

Muntik na akong mahuli.

Tuloy lang ang masaya nilang tawanan habang nagbabasa, nang makarinig ako ng pagsimot ng inumin sa sinisipsip na bote pagkatapos ng tawanan. Di ko napigilang mapatingin sa pinangyarihan ng tunog. At sa mga sandaling iyon, awkwardly, nagbanggan kami ng tingin ni secret crush, saka ako bumaling ng tingin. Sa kanya pala nanggaling ang ingay.

Napangiti ako pero di nagpahalata. Di ko maitatangging paborito ko ang sinisipsip at iniinom niya: Vita milk!

Nang maubos, hawak lang niya ang boteng walang laman. Ipinupukpok lang niya ang ilalim nito sa ibabaw ng upuan at habang ginagawa niya ito, may ibang bagay na ang pumapasok sa isip ko na ginagawa lang ng mga kalalakihan sa sariling pag-aari... saka niya itinaob ang bote at tumapon sa sahig ang natirang laman na ga-kutsara na lang ang dami na parang 'luha' o 'katas ng buhay' na lumabas sa 'bote' na parang pagkalalake. Kulay puti kasi eh.

Napatingin ako sa sahig. Nabigla, at itinago ang pagpipigil na tawa.

2 comments:

  1. mga mae-erbog na badesa mae ang may talent na mag-imagine ng mga bagay bagay. winerva rin ang imagination ko sa mga ganyan. baka nga mapuno ang isang tabo kapag piniga ko ang gamit kong charmee kung kras ko na super gwapo talaga yung otoks.

    ReplyDelete

Thank you for reading!
Hope to hear from you. Don't forget to share!
Follow us on FeedBurner
Like Jay's Quirky World on Facebook! Thank you! ^_^