Tuesday, November 25, 2014

Para kay SJ

Dear Sarah,

Kamusta ka na? Sigurado, matagal na panahon na ang nakalipas simula noong huli tayong nagkita. Sa ngayon, ayos lang ang pagdaloy ng pamumuhay ko... na wala ka... na hindi ka nakikita... na hindi ka nakakausap... hindi ko alam kung bakit hanggang sa mga sandaling ito ay patuloy pa rin ang pag-isip ko sa iyo gayong wala na akong karapatan sa iyo at sa pagmamahal mo.

Bago tayo maghiwalay, may ilang mga bagay akong pinagsisisihan at gustong sabihin sa iyo pero kinulangan ako ng lakas ng loob para sabihin  ang lahat ng iyon sa iyo.

Una, pasensya na kung hindi ako naglakas ng loob na sabihin sa'yo noon na gusto kitang makasama ng panghabangbuhay. Pasensya na kung hindi ko natupad ang mga pangako ko sa'yo noong tayo pa. Alam kong iyon din ang dahilan kaya lumayo ka.

Pangalawa, salamat dahil sa loob ng pito at magwawalong taon nating pagsasama simula noong mga bata pa tayo hanggang sa nagdalaga't binata na, nagkaroon ako ng masaya at makulay na buhay dahil sa'yo. Salamat dahil, nang dahil sa iyo, naging maayos ang buhay ko dahil ikaw ang inspirasyon ko kahit tago ang ating relasyon. Nariyan ka lagi sa tabi ko sa hirap at ginhawa, sa lungkot at saya. Hinding-hindi ko kalilimutan ang lahat ng iyon dahil kahit wala ka na sa buhay ko, babaunin ko ang mga iyon habambuhay.

Pangatlo, paalam. Sana, sana lang, kung nasaan ka man sa mga sandaling ito, sana, masaya ka. Huwag mo na akong alalahanin dahil tanggap ko na ang lahat sa iyo. At oo, alam ko na ang lahat at hindi mo na kailangang magpaliwanag pa. Ang sa akin lang, ginawa mo ang parte mo na lumayo sa akin para sumaya ka sa piling ng iba. Masaya na akong nakikita kang masaya sa iba at mapapanatag ako kung ganoon. Alam kong alam mo rin na ito lang ang bagay na maibibigay ko sa'yo para sa ikaliligaya mo dahil mahal kita na higit pa sa buhay ko. Ingatan mo ang bago mong mahal tulad ng pagpapahalaga mo sa pagmamahal ko. Hanggang dito na lang ako...

Nagmamahal sa'yo ng lubos,
Jay

No comments:

Post a Comment

Thank you for reading!
Hope to hear from you. Don't forget to share!
Follow us on FeedBurner
Like Jay's Quirky World on Facebook! Thank you! ^_^