Thursday, December 25, 2014

Belenismo

Merry Christmas--sa makakabasa nito.
love, jay.

- - - - -

"May sasabihin ako sa iyo."

"Ano yun?"

"Malalaman mo kapag nagkita tayo sa Central Park sa Camp Aquino."

"Anong oras?"

"Bisperas ng pasko, alas onse y media."

"Bakit?"

"May sorpresa ako sa'yo."

"Wow. Sige."

Bago ibaba ang telepono, nagpahabol ako. "Sarah, mahal kita. Happy 7th anniversary!"

Matagal siyang hindi nakasagot, "I love you too!"

Hapon pa lang, nag-ayos na ako ng sarili. Marami akong problema ng mga oras na iyon pero pansamantala ko muna silang kinalimutan dahil espesyal ang araw na ito para sa aming dalawa ni Sarah. Espesyal ang gabing ito dahil pasko, at may isa pa: pakakasalan ko na si Sarah, tulad ng una kong ipinangako sa kanya, sa ikawalong anibersaryo namin mamayang gabi.

Pagpatak ng alas onse ng gabi, lumakad na ako matapos magsuot ng white coat and tie, itim na sapatos, at relo na kulay ginto. Pagkatapos nito, itinago ko sa likuran ko ang pulang rosas na paborito niya. Excited na ako sa sorpresa na inihanda ko para sa kanya. Siguradong magugustuhan niya ito--ang marriage proposal ko sa kanya.

Naaalala ko noong una ko siyang niligawan. Ganitong panahon din iyon na sobrang lamig pero ang saya ko dahil sinagot niya ako sa araw mismo ng pasko na nagsilbing 'regalo' niya sa akin para sa pasko. Ang amoy ng mga puno sa Central Park, ang maliwanag at nagkalat na makikinang na bituin sa kalangitan, at ang magagandang ilaw sa engrandeng belenismo. Ang saya.

Love is full of surprise ang mangyayari mamaya.

Napahinto ako sa madilim na parte nang makita ko si Sarah na may ibang kayakap. Nabigla ako at napaatras nang mapagtanto at makilala kong si Jun ang kanyang kayakap--ang best friend ko!

Naghawakan sila ng kamay pagtapat sa makulay at maliwanag na belenismo saka dahan-dahang nilisan ang Central Park.

At ako? Lumapit ako sa belenismo. Luhaan, habang hawak pa rin ang pulang rosas na paborito ni Sarah, at isang maliit na kahon ng singsing na isusuot ko pa sana sa kanya. Mag-isa lang ako sa buong Central Park kaya naglabas ako ng matinding sama ng loob habang nagsasaya ang mga makukulay na ilaw ng bumbilya.

Talaga nga namang 'Love is full of surprises.' Kaya na-sorpresa din ako nang malamang may ibang mahal na si Sarah.

Napaupo na lang ako sa harapan ng belenismo habang pinapanood ito.

No comments:

Post a Comment

Thank you for reading!
Hope to hear from you. Don't forget to share!
Follow us on FeedBurner
Like Jay's Quirky World on Facebook! Thank you! ^_^