Friday, December 26, 2014

Bola

Hindi ko alam kung nasaan ako ng mga sandaling ito. Tahimik ang paligid nang marinig ko ang malakas na bell. Nasa isang eskuwelahan pala ako, habang nakaharap sa malawak at damuhang school ground.

Sa bilis ng pangyayari, agad napuno ng mga estudyante ang school ground. At maliban sa mga lalake, wala akong ibang nakita kundi puro bola.

Bola... bola... ang daming bola...

Tanaw ko mula sa bleacher ang shinu-shoot na bola sa butas na iyon. Ang bagay na iyon na siyang kinaaaliwan ng napakamagaslaw kong isipan. Kung saan, sa isipan ay lihim akong kinikiliti ng sexual sensations dahil roon na siyang ginagawa ng nagsh-shoot. At siyang nagsh-shoot na lihim ko ring pinagnanasahan sa isipan habang suot ang jersy #8.

Sana... naging bola na lang ako...

Nasubsob ako sa damuhan nang tumalikod ako saka natamaan ng 'bola' sa aking likuran. Agad niya akong tinulungan sa pagtayo matapos siyang humingi ng paumanhin sa nangyari.

"Bagong classmate?" tanong niya saka ako tumango na walang salita na sinabi. Kailangang hindi ako padadaing sa nagpapapungay niyang mata, dalawang magkabilang dimples, matangos na ilong, at kasabik-sabik na labing ang sarap sigurong halikan sa mala-rosas nitong kulay. Pawisan na siya at bakat na bakat ang buong katawan na malaman sa basang jersy na sobrang nipis. Napalunok ako ng laway at parang nalasahan ko pa ang pawis niya sa laway ko sa sobrang sarap. Nakakauhaw, kaya napainom ako nang di oras.

"Puwede ko bang laruin ang bola mo?" tanong ko. Agad niyang ipinasa sa akin ang bola niya saka siya ngumiti sa akin na pagkatamis-tamis--ang kahinaan ko.

"Masarap laruin ang bola ko kasi matigas diba? Pero ingatan mo, baka lumambot."

"Hindi ito lalambot basta't ako lang ang hahawak sa bola mo."

Ngitian at tinginang makahulugan... habang hawak ko ang matigas at kasabik-sabik niyang bola.

2 comments:

  1. Naaliw ako sa bola. Feeling ko iba na mai-imagine ko sa larong basketball dahil dito. Lol

    ReplyDelete

Thank you for reading!
Hope to hear from you. Don't forget to share!
Follow us on FeedBurner
Like Jay's Quirky World on Facebook! Thank you! ^_^