Tuesday, December 9, 2014

Cherry blossom

Kay Matsui

- - - - -

Sa gabing malamig at walang kasama ay ikaw ang nasa isipan

Ang mahinahong lamig ng hangin na humahampas sa pawisan kong katawan

Kasama ang pangambang baka di na magbalik pa ang pagmamahal mo sa akin

Umaasa pa sa iyong ipinangakong magbalik ka't mamahalin ako habang nasa ilalim ng puno ng Cherry Blossom

Rumaragasang luha ang dumadaloy sa aking mga mata

At sakit ng damdamin matapos kang mamaalam at nagpunta sa giyera ng Iwo Jima

Ngayon ako'y naghihintay sapresensya mo ngunit balia ni Oji-sama sa aki'y "Wala na siya"

Oras noon ay dumaloy na hindi ako lumuha

Humihiling na sana'y magising sa bangungot na ito

At habang pinagmamasdan ang manipis at magandang talulot ng Cherry blossom sa lupa,

Narinig ko ang boses mong gusto akong gisingin

At sa pagdapo ng isang talulot sa luhaan kong pisngi ay ang pagbukas ng mata ko habang nasa tabi mo na nagsasabing, "Nananaginip ka!"

No comments:

Post a Comment

Thank you for reading!
Hope to hear from you. Don't forget to share!
Follow us on FeedBurner
Like Jay's Quirky World on Facebook! Thank you! ^_^