Thursday, February 27, 2014

CR 00

Case 1
Bagong lipat kami noon sa isang apartment. Ang apartment na iyon ay quarters ng mga sundalo para tirahan ng pamilya nila. First time ko noon na makakita ng magandang CR. Blue tiles ang sahig, puti naman sa pader.

Case 2
Hindi ako pala-ligo. Ayokong naliligo. Oo, aaminin kong dugyot ako noong bata ako dahil ayoko sa tubig pero naging pala-ligo na ako noon nang madiscover kong magandang maligo sa shower. Astig, umuulan! Indoor nga lang. Kulang na lang kidlat at kulog na idinadaan ko na lang sa patalon-talon habang may suot na kahoy na bakya. Ang resulta? Sobrang ingay dahil sa echo. Nakakarindi, nakakairita... sabi ni ate...

Case 3
Palagi na akong nae-excite kapag naliligo dahil sa shower. Dito na ako nag-oovertime hanggang maghapon, hanggang sa pagalitan ni mama, pati na rin sila ate na hindi na rin nakakaligo sa tamang oras, pati na rin si papa ko, si mama, si ano, si kuwan, si ewan, si... to infinity...

Case 4
Base sa mga kuwento ni ate ko tungkol sa akin, napabayaan daw yata ako sa CR noong bagong lipat sa apartment. May nakakita daw sa akin na nagbubukas ng inidoro. At hindi ko alam kung ano ang tawag doon noon (Malay ko ba!). Saka ako napagalitan kay papa nang makita't mahuli niya akong kinakawkaw ang tubig sa loob noon habang sumisigaw ng "WAAAW!!!" Teka muna, huwag niyo akong husgahan. Alam naman natin na marumi yun. Pero ako, hindi ko alam! (Inosente nga diba, walang ganoon sa bundok!) At noong nalaman kong marumi pala iyon, nandiri ako pero iniipunan ko iyon ng tubig dahil ang paniniwala ko, babalik ang tubig sa water pump!

Case 5
Robot ang tingin ko sa flush button ng toilet. Magaling mag-magic ng tubig! At nung nasira yung tangke sa loob, makalipas ang taon, ginawa kong microphone yung bilog na pabigat... na siyang ginagawang microphone "Kuno" (kunwari, may karaoke) ng mga lasinggero naming kapit-bahay. Hindi ko alam kung paano nila nakuha yun sa akin, at matagal na iyon na halos hindi ko na maalala.

Case 6
Hindi ako marunong umupo sa toilet kaya tinutungtungan ko. Si ate ko yata ang nakasira ng takip nun kasi tinungtungan daw niya sabi ni mama. Oo, kumpleto yun nang dumating kami. Bagung-bago! Puwede pang tulugan!

Case 7
Tuwang-tuwa ako kapag ipinapalakpak ko yung takip ng toilet... lalo na kapag malakas! Pero hindi lang yan, itintambol ko pa yun gamit ang tabo sabay tako ng tubig sa timbang may lamang tubig sabay buhos sa ulo ko.

Case 8
Sumisigaw ako nang malakas sa loob ng CR. Paano naman kasi, napakagandang pakinggan. May echo, at maganda pang kumanta ng 'happy birthday'! Para akong robot, astig!

Case 9
Di nagtagal, nawala ang supply ng tubig. Di ko alam na inaayos pala ng Kampo yung malaking water pump na isang kilometro ang layo sa amin. No choice. Balik balde. Balik sa tabo na yari sa plastik na lalagyan o pinaglagyan ng itim na langis saka ginawang tabo pangligo. At pagkatapos magbanlaw ng sabunang katawan, naaalala ko noong bata pa ako, itinataob ko ang tabong may lamang tubig sa ulo ko. O, kaya mo ba yun? Alam ng mga ka-batch kong 90's babies yan!

Case 10
Nalaman kong importante ang tubig sa isang CR. Nagkaroon din ng tubig di nagtagal. Pero nawala rin di nagtagal. Nagkaroon, nawalan. Nagrequest kami noon na buksan yung water pump malapit sa amin, may tubig na naman. Nasira, nawala na naman. Nagkaroon pero ga-ihi/sinulid lang yung patak ng tubig na hindi kayang umabot sa dulo ng dila. Nawala, nagkaroon, lilipas ang isang linggo, buwan, kalahating taon, isang taon, limang taon, sampung taon... wala pa ring tubig... hanggang ngayon!

- - - - -

CR. Acronym yan ng "Comfort Room." Tama. Oo nga... Pero hindi 'comfort' ang CR kapag walang tubig.

Paano naman kung Rest Room? 'Restroom' ba talaga o 'rest room'? Hindi ba puwedeng 'RR'? Malamang... Paano kung sasabihin mong, "Excuse me, saan po ba yung 'RR' niyo rito? Naiihi po kasi ako eh." Puwede ba yun? Sa tingin ko hindi. Ay, hindi nga talaga puwede.

Isang araw, gumising ako ng umaga. Sorang lamig! Kung hindi ako nagkakamali, nangyari ito ng Disyembre bago ako magdagdag ng edad sa araw ni pareng Rizal, at bagong mag-bagong taon. Pero hindi lang nangyayari yun kundi maraming beses, paminsan, madaling araw... lalo na umaga!

... naiihi ako...

Agad akong pumunta sa CR saka umihi. At sa mga sandaling iyon, nalaman kong nakaka-amaze pala ang experience na kinikilig kapag umiihi. Nakakaamaze kasi para lang akong sumasayaw. Yung dalawang balikat ko, umiikot! Ang dami kong inilabas, akala ko madedehydrate ako pero ang ganda sa pakiramdam. Maginhawa, sarap!

Inaantok ako ng mga oras na iyon. Dahil may pinuntahan kahapon o noong isang araw, hindi na ako nagpalit ng damit. Suot ko yung kulay blue na t-shirt tapos pantalon na maong. Mahirap gumalaw pero ayos lang. Tapos na ako noon at palabas na nang aksidente kong naisara nang mabilisan yung zipper ng pantalon ko. Ayun! Naipit yung balat ng ano ko...! At masakit! SOBRA!

Wednesday, February 26, 2014

Ako at ang Salamin

Isa akong baliw, huwag ninyo akong husgahan.
Nabaliw ako sa isang guwapong lalake
Aaminin kong isa akong bading,
Isang bading na patay na patay sa isang guwapong lalake

Sabi ng iba, wala pa siyang syota hanggang ngayon.
Uy eksakto! Available at pareho kaming single!
Tulad ko, siya ay wala pang sabit
Ayos ito, may pag-asang kami ay magkatuluyan!

Araw hanggang gabi, siya ang laman ng puso't isip ko
Mula almusal, tanghalian, hapunan, at bago matulog tuwing gabi
Busog na ako sa kaiisip sa kanya kahit walang laman ang sikmura
Iniisip niya rin kaya ako ngayon pabalik? Sana...

Guwapo, macho, kayumanggi, at maamo,
Kalakihan niya ang siyang nagpahulog at kahinaan ko.
Idagdag mo pa ang alindog ng kanyang pagkalalake
Na siyang dahilan upang muli ko siyang pagpantasyahan.

Yan ang sabi ng doktor sa akin sa mental pero wala akong maalala.
Nakadama ako ng takot, galit, at matinding dismaya.
Ang lalakeng kinababaliwan at pinakapangarap kong makasama,
Tanging malaking salamin, at ako lang pala...