Thursday, July 31, 2014

Vanilla milk

Kabado ako dahil wala akong kilala sa bagong eskuwelahan. Naglakad ako hanggang sa makaupo ako sa lugar ko. Umupo siya sa likuran ko nang pumasok sa klase. Nakaramdam ako ng kaba. Kumabog ang dibdib kong ngayon lang naramdaman ng kakaiba para sa isang tulad niya. Pinagpawisan  ako at kinabahan...

Kinabahan nga ba o higit pa roon?

Ewan ko. Sana, sabihin sa akin ng puso ko kung ano nang nangyayari.

Tinapik niya ako sa likuran. Nagpakilala siya at ngumiti. Sobrang tamis, napakagandang pinagmamasdan. Sa pag-ngiti niyang iyon, parang nalasahan ko pa ang labi niyang umiinom ng vanilla milk na sinisipsip at hawak niya.

Ngumiti ako sa kanya pabalik. May kung ano ang kumislap sa kanyang mata. Kinilig ako at umiwas ng tingin. Para akong lumulutang sa saya. Saya... na siya lang ang nagbigay sa akin na sa kanya ko lang naramdaman. Walang kaparis dito sa mundo kundi sa kanya lang.

Tama nga ang sinasabi ng puso ko; nahuhulog na ako sa kanya.

"Hindi maaari!" sigaw ng isip ko.

Pagka't siya'y isang tulad kong... lalake...

Saturday, July 26, 2014

Alas onse

Kauuwi ko lang galing sa trabaho. At dahil maraming inaasikaso sa opisina, pagod na pagod akong umakyat sa kuwarto saka ihinagis ko ang sariling katawan sa malambot kong kama. Sa wakas, nakaramdam ako ng kaginhawaan! Matutulog na ako... gusto ko nang matulog kahit hindi na ako kumain ngayon, ayos lang.

"Anak, nandito ako sa kusina. Halika, may ipapakita ako sa'yo..." si mama, narinig ko nasa kusina siya. At ano naman daw ang ipapakita niya? Siguro naghanda na siya ng hapunan ko. "May niluto akong pang-hapunan mo, halika, kumain ka muna bago ka matulog."

Tinignan ko yung oras; alas onse pasado na pala ng gabi. Naisip kong sige na nga. Gutom na rin naman kasi ako eh. Nakatayo na ako nang matanaw ko ang kusina sa ibaba paglabas ko ng kuwarto. Sobrang dilim, pero... hindi pa ako nakakababa, may isa pang boses akong narinig.

"Huwag kang bababa sa kusina, anak! Narinig ko rin kung ano yung narinig mo! Nandito ako sa kuwarto ng papa mo!"

May impostor na nangagaya sa boses ni mama. Hindi ko na alam kung sino ang tunay: ang nasa kusina o ang nasa kuwarto ni papa na katapat ng kuwarto ko. Ang gulo, nakakalito! Hindi ko talaga alam kung sino talaga sa dalawa ang totoo na paniniwalaan ko at yung nanggagaya lang.

"Mama?!" sigaw ko pero walang sumagot. "Kung nasaan ka man, magpakita ka!" paghahamon ko pero walang sumagot. Naghintay lang ako. Pagod na ako, inaantok, at nagugutom, pero lahat nang ito ay nawala at napalitan ng matinding takot at kilabot na siyang nagpataas ng balahibo ko.

"Nandiyan na..." sumagot ang boses ni mama sa kusina pero kumukontra yung isa pang boses ni mama na nasa kuwarto ni papa.

"Anak, magtago ka na sa kuwarto mo! Nandito talaga ako at hindi ako makalabas ng kuwarto! Ayaw mabuksan ng pinto!"

Hindi ako naniwala. Kung si mama yun, dapat kanina pa niya binuksan yung pinto. Wala namang doorknob yun eh. Alam kong impostor ang nasa kuwarto ni papa kaya sinadya kong hindi buksan iyon. Ayokong makita kung sino ang impostor na iyon basta ang alam ko, papunta na si mama sa akin galing sa kusina. Nakatayo lang ako sa tapat ng pinto ng kuwarto ko habang inaabangan si mama na nasa kusina. Papunta na daw siya at nawala yung takot ko.

"Dadalihin ko na lang yung pagkain mo diyan..." sigaw ni mama. "Huwag ka nang bumaba, paparating na ako..." dagdag niya.

Hindi ko tinanggal yung paningin ko sa ibaba ng hagdan hanggang sa makita ko si mama na dahan-dahang umaakyat papalapit sa akin... itim na itim ang patay na kulay ng balat mula ulo hanggang paa, may nakakatakot at sobrang gulo na makapal na buhok, at may katawan na parang nilasug-lasog habang naririnig ko ang pagtunog ng mga buto niya sa katawan. Tapos, naglalakad siya, parang pilay. Nakakatakot!

Dahan-dahan niyang iniangat ang tingin niya nang limang baitang na lang ng hagdan ang pagitan namin. Dito ko nakita nang malapitan ang mukha niya: nakatingin sa akin ang mga naglalakihan niyang namumulang mata, yung tingin na parang nangigigil at parang napakalaki ng galit niya sa akin, tapos yung mukha niya may malalim at malaking hiwa mula sa may kanang parte ng anit niya pababa sa mukha hanggang sa leeg niya. Medyo may mga dugo...

May gusto akong sabihin pero wala nang boses na lumalabas sa bibig ko. Parang may nagtakip tapos hindi na ako makagalaw. Parang kinokontrol niya ako. Hindi ko maigalaw yung paa kong naninigas dahil sa takot, lalo na nang ibuka niya pa ang bunganga niyang puno ng duguang bulak.

Inaabot niya ako. Gusto niya akong hawakan...

Friday, July 25, 2014

From the yellow room

Nakaharap ako ng mga sandaling iyon sa salamin nang mapatingin ako sa bintana. Nakita kong unti-unti iniihip ng malamig na hangin ang manipis na kurtina na parang bumubulong sa hangin. Tumingin ako sa labas ng bintana pababa sa bakuran ng flower garden. At saka ko nakita si Vincent.
Kumaway siya na sinuklian ko ng ngiti. Kinuha niya ang kanyang cellphone at tinawagan ako. Ang sabi, pumunta daw ako sa bahay nila ng hapon. Pumayag ako saka siya nagmadaling umalis habang nakangiti sa sobrang tuwa.

Gamit ang bisikleta ko, nagmaneho  ako hanggang sa bahay nila Vincent. Pansin kong wala ang sasakyan ng daddy niya pagdating ko sa bahay nila.

"Nag-out of town silang dalawa nila kuya matapos ihatid si mama sa airport papuntang London," paliwanag niya. "At kaya kita pinapunta rito ay para magkaroon ako ng kasama ng isang linggo. Ayos ba?"

Tumango ako nang malaman kong ipinagpaalam na pala niya ako kay mama. YES!!! Balak niya kasi akong dalihin sa barbero para ipagupit yung long and wavy hair ko.

- - - - -

Dating gawi! Puro pang-entertainment kami sa umaga tulad ng paglalaro ng games, manood ng mga pelikula, mag-jamming sa mga musical instrument niya sa studio, mag-gym, mag-swimming sa pool nila, magpa-massage sa shop nila, at kung anu-ano pa.

Sa gabi, night life naman. Nag-inom kami ng kaunti, nakipag-disco sa mga wild babes na nagkalat sa buong bar, at... nagpunta sa isang pink club. Hindi ko alam kung sino ang nag-aya sa aming dalawa pero nagpatuloy pa rin kami ni Vincent. Medyo kinabahan ako kasi ito ang una kong pagkakataong makapunta sa ganitong klaseng lugar.

Iyon ang unang pagkakataong makipagtalik kami ni Vincent sa mga bayarang babaeng tinatawag nilang 'chicks'. Medyo nahirapan ako dahil hindi ko alam kung paano gawin ang lahat mula pang-aliw, paglibog, paghalik, paghubad, at makipagpalitan ng laman. At dahil ito ang unang pagkakataong makipagtalik, hindi ko alam kung bakit nasasaktan sa pagpasok ko ang babae.

"Masakit... mahapdi..." bulong ng babae. "Pangalawa ko pa lang ito eh. Maliit yung sa unang first year high school na lalakeng pumasok sa akin kesa sa'yo na malaki..."

Pagtingin ko, may dugo yung matigas kong ari. At dahil nasa ibabaw siya ng ari ko habang inuupuan niya, unti-unti niya itong ipinataas-baba. Ramdam kong lalong tumitigas ang sa akin at damang-dama ko ang sarap sa pakiramdam. Habang nagpapakasarap ako, may awa rin akong naramdaman sa babae. Bakas sa kanyang mukha ang hirap at sarap ng pagpasok ko sa kanya.

Sa kabilang higaan naman, nakita ko si Vincent. Nagpapakasaya at habang pinapanood ko sila ng katalikan niya, bigla siyang napasigaw at parang napagod, saka nila ipinaghiwala ang magkarugtong nilang katawan. Medyo mas kasing laki ang namumulang sa kanya at sa akin at napansin ko ang puting likidong kumalat sa kanya galing sa ari niya. Hindi ko alam kung ano iyon. Para siyang laway na sobrang dami at lapot at lumabas ito sa kanya pagkatapos niyang makipagtalik.

Hindi pa kami tumitigil. Hindi ko masiguro kung kailan kami matatapos hanggang sa mapansin kong medyo lumalakas ang ungol ng babaeng katalik ko. At ramdam ko ng mga sandlaing iyon na parang may gustong lumabas sa akin. Parang may likidong lalabas.

Taas, baba, taas, baba, tuloy-tuloy at pabilis nang pabilis. Medyo nakikisabay na rin ako sa pag-ungol ng babae habang pinapanood kami ni Vincent. Habang tumatagal, mas lalong sumasarap. Parang ayoko nang tumigil dahil sa sobrang sikip, dulas, at init ng pinapasok ng ari ko. At maya-maya, napasigaw kaming dalawa nang may lumabas sa ari kong sumabog sa loob ng babae. Marami, at sobrang dami... tulad ng nakita kong lumabas sa ari ni Vincent. Parang nasaktan pa ang ulo ng ari ko dahil sa sobrang dulas.

Huminto kami at nanlumo. Pawis na pawis na hinalikan ako ng babae sa ano mang parte ng katawan ko kasama ang namumulang ulo ng ari ko. Sandali kaming namahinga at nang-ayos ng sarili. Hindi ako nagsisigarilyo pero nagsindi ako at nagpausok.

Maya-maya'y dumating ang isang lalake. Matipuno ang katawan, guwapo, at brief lang ang suot sa buong katawan, "Isang daang piso bawat isang babae sa one night stand."

Tumango sa akin si Vincent nang maglabas ako ng isang daang piso, "Ako na ang mag-babayad," saka niya ibinigay ang dalawang daang piso.

"Puwede ko bang makausap yung manager niyo para humiram ng babae hanggang sa bahay?"

"Nandito, sumama kayo sa akin..."

- - - - -

"Teka, sige pahhh, ahhh..."

May lalake. Siguro nasa kuwarenta pataas na yung edad. Hindi ko alam kung saan nanggagaling yung ingay na iyon habang sinusundan namin ang lalakeng naka-brief. Dumaan kami sa isang corridor na puno ng mga maiingay na nagtatalik pero yung boses ng lalake ang mas nangingibabaw sa lahat. At mas lalo pa itong lumalakas habang papalapit kami sa isang pintong may nakasulat na 'manager' na kulay dilaw. Pakiramdam ko, siya yata ang tinitira ng lalake.

"Oo, siya nga ang tinitira ng lalake at siya ang manager ng pink club na 'to," sagot niya sa amin ni Vincent nang magtanong kami.

Puta, bading. Bading ang manager dito! sabi ko sa isip ko dahil ayoko sa mga bading. Galit ako sa kanilang lahat dahil sa karanasan ko noong una. Tandang-tanda ko pa ang pangyayaring iyon na parang naganap lang kahapon. May isang bading noong Grade 6 ako ang nagsubo sa pagkalalake ko. Pinagsamantala niya ang pagkalasing ko kaya galit ako sa mga bading at si Vincent lang ang nakakaalam tungkol doon.

Pumasok kami sa kuwarto ng manager. At--doon kami nabigla ni Vincent sa nakita. Totoo ngang may nagtatalik ng lalake sa lalake saka ako nakaramdam ng pandidiri... pero di ko pinahalata. Hindi halata yung lalakeng tinitira na bading siya kasi kilos lalake pa rin siya. Iniwan na kami ng lalakeng naka-brief at hinintay na lang namin silang matapos.

Sa totoo lang, medyo weird lang ang kuwarto ng manager nila. di tulad ng kuwartong ginamit namin na puro pink at pula ang kulay ng buong kuwarto, yung sa manager, hindi pink o pula kundi dilaw! Ano naamn daw ang sexual pleasure nito para sa kanya? Ewan ko.

Meron pa! Yung manager at yung lalakeng tumitira sa kanya, parehong nakamaskara ng dilaw! Pero kahit papaano, alam kong nag-eenjoy naman silang dalawa. At wala silang pakialam kahit may nanonood sa kanila. Ayos lang, tuloy ang live show, bira lang ng bira!

Bawat labas-pasok na ginagawa ng lalake sa manager, tinutumbasan niya ito ng ungol. Ayaw paawat. Enjoy na enjoy ang bading na manager kahit hindi ko nakikita ang mukha niya. Halata na magaling silang magtalik dahil sa mga style ng kanilang katawan. Meron yung parang mag-asawa sila: yung nakahiga yung bading na manager at nasa ibabaw nito ang lalake, parang aso, palaka, at parang nakasakay yung bading sa kabayo na tumataas-baba at kung anu-ano pa. At nang malapit nang magpasabog ang lalake, hinugot niya yung ari niya saka nagpasabog nang sobrang dami matapos itapat ito sa dibdib ng bading. Natapos ang lahat na parang walang nangyari at parang hindi nila kami nakita sa iisang kuwarto. Nagbihis sila at nag-ayos.

Sumindi ang ilaw at nakita kong lahat ng mga bagay dito ay puro dilaw. Ilaw, kisame, pader, sahig, upuan, higaan, kumot, unan, damit, hanggang brief--lahat dilaw! Natawa tuloy ako kasi kakaiba 'to. Ipinapaalala niya sa akin ang isang taong matagal nang wala sa buhay namin--si papa. Paborito niya kasi ang instrumental piano ni Yiruma na Yellow Room. Bigla ko siyang na-miss pero patay na siya...

"I-ikaw?!" nabigla ako sa lalake na tumira sa manager pagkatanggal ng dilaw niyang maskara. Kilala ko sa mukha yung lalake at bakit ganoon ang ginagawa niya? Sayang! Ang guwapo pa naman niya, matipuno, at binatang-binata pa. Sinayang niya ang kinabukasan ng pagkalalake niya sa bading na iyon!

"Oo, ako si Bryan," bulong niya sa akin habang nakikipag-usap na si Vincent sa manager. "Ito nga ang ginagawa ko para madagdagan ang pambayad ng matrikula ko sa university, gayon din sa anak namin ng syota ko."

Bryan pala ang pangalan niya. Siya ang nagbigay sa akin noon ng sulat na nagsasabing makikita ko rin ang taong gustong-gusto kong makita. "Hindi mo ba alam na nandito siya ngayon?"

"Ha? Nasaan?" bulong ko pero lumapit siya sa akin saka niya ako hinalikan nang sobrang pusok sa labi. Ang init, ang lambot, ang tamis kaya nakaramdam ako ng kakaibang kiliti lalo na nang himasin niya ang nakatambok kong ari saka niya idiniin ang kanya na naninigas pa. Halos yakapin na niya ako kaya maingat ko siyang inilayo sa akin at sasapakin ko na sana siya dahil sa ginawa niya pero nagpigil ako dahil gusto kong malaman kung nasaan na ang taong matagal ko nang hinahanap.

Nagtanong yung manager na nakasuot pa ng dilaw na maskara, "Sino bang kasama mo para sa dawala?" Pansin kong bigla siyang napahinto nang ituro ako ni Vincent.

"Ako po," 'kako.

Tinanggal niya ang dilaw niyang masakara. Nabigla kami ni Vincent puwera lang kay Bryan na nakahawak pa sa bewang ko habang muling idinikit ang nakabukol niyang ari sa ari ko. Hindi ko alam na siya na pala iyon. Siya na nga ang taong matagal ko nang hinahanap na inakala ko ay wala na--si papa.

Parang naririnig ko ang instrumental piano ni Yiruma na 'Yellow Room' habang nangigigil ang sarado kong kamao na sabik na sabik na ibugbog kay papa...

Wednesday, July 23, 2014

PH care

Agad akong bumangon sa higaan nang makita ko ang oras sa relo. Pasado ala seis y media na ng umaga. Mabilisan kong inayos ang magulo kong buhok saka naghanda na ng mga gamit pag-pasok sa eskuwelahan. Delikado na ako kasi hindi ako puwedeng mahuli sa klase ng constitution. At ang mas masaklap pa nito, yung professor namin, college dean pa namin. Heto pa ang malupit: tulad ng sa pagkain, pinakamain dish niya ang mga batas sa Philippine constitution. Naka-schedule rin pala ang long quiz at wala pa akong alam kahit isa! Favorite past time niya pa naman sa klase ay mambagsak at sobrang strict!

Dali-dali akong kumain saka naligo. Hirap mabasa yung buhok ko kasi mahaba lalo na sa may bangs part na umaabot hanggang sa labi ko.

"Sinong tao sa CR?" si ate, naghihintay akong matapos.

"Ako! Patapos na akong maligo, sandali lang."

Sumigaw siya, "Hoy! Huwag mong tutunawin yung silka na sabon sa katawan mo!"

"Hindi naman ah!" patuloy lang ako sa pagkuskos sa kahit saang sulok ng parte ng katawan ko. Wala akong pakialam sa kanya. Ito kasi kadalasan ang ginagawa niya: ang magbunganga kapag natsambahan niya akong naunang naliligo kaysa sa kanya.

"Bilisan mo naman, malapit nang mag-alas siete!"

"Sandali na lang! Magsha-shampoo pa ako!" saka ako nag-anlaw ng katawan, nagsabon ulit ng mukha, at nag-shampoo.

Kumatok si ate sa pinto, "Kunin mo itong shampoo dito. Dapat kasi ipagupit mo na yan para wala ka nang shinashampoo. Isa ka pa kasi sa mga magagaling makipagkumpitensya sa pag-ubos ng shampoo dito s bahay..." nagbubunganga na naman si ate. Tinotopak na naman samantalang kahit magmadali yung sa pagkikilos, nahuhuli rin siya sa trabaho.

At yung sa sinasabi niyang ako ang magaling mag-ubos ng shampoo dito sa bahay, joke yun? E siya? Kamusta naman daw yung hanggang bewang niyang straight na buhok? Hindi rin ba magastos sa shampoo ang ganoon kahabang buhok? Ang unfair!

Hindi ko siya pinansin hanggang sa makalabas na ako ng CR. Dali-dali kong inempake yung mga handouts ko sa calculus saka binitbit yung T-square pero pinigilan akong umalis ni ate nang bigla siyang sumigaw. Alam ko na ang ibig niyang sabihin. Galit ang tono ng pag-sigaw na iyon pero ano naman daw ang problema niya? Nasunod ko naman ang inuutos niya na kuhanan ko siya ng napkin sa drawer ng mga panty niya? Bakit ako? May nagawa ba akong mali? Anong ginawa ko sa kanya?

"PUNYETA KA!!!" sigaw ni ate nang lumabas siya sa CR at lumapit ako sa kanya, kasabay nito ang pagtalsik ng tatlong piraso ng ga-ambon na laway niya sa mukha ko habang nakatupis sa kulay puting tuwalya. Kitang-kita ko sa mga nangigigil nitong kamay ang hawak na napkin na nakadikit na sa panty niya at asul na supot ng Modess. Ramdam ko yung tunay niyang galit sa paglabas ng mga salita sa bibig niya na nagpabigla sa akin. Bakit???

"Ano yun?!"

"Nag-shampoo ka?"

"Oo."

"Ito ba yung ginamit mo?" hawak niya ang isang maliit na bote na halos paubos na ang laman saka ihinarap sa akin.

" 'Yan, 'yan nga," sabi ko habang itinuturo ang hawak niya.

"E hindi naman ito shampoo eh! Feminine wash itong pinangshampoo mo! Panghugas lang ito sa kiki! May kiki ka ba???!!!" sigaw ni ate sa akin. At dahil katamtaman lang ang laki ng buong bahay, halos mamatay sa kakatawa sila mama at sila ate na nagising dahil sa ingay.

Napahalakhak na rin ako dahil sa katangahan at hiya...

Tuesday, July 22, 2014

Tatlong patak ng dugo

Nagkabanggaan kami ng tingin pag-upo nila sa mahabang bench kung saan ako nakaupo sa parke. Agad akong umiwas ng tingin at bumalik sa pagbabasa ng libro. May kasama ang isang babae, siguro yung edad niya ay nasa kuwarenta pataas, kasama ang isang binatang anak niya na ang edad siguro ay halos pareho ng sa akin: labing walong taong gulang.

"Excuse me!" sigaw kaagad ng binata sa akin nang makita niya akong nananahimik sa tabi nila na ikinagulat ko.

"Hoy! Tumigil ka nga!" sabi ng nanay sa kanya saka humingi ng paumanhin sa akin. "Pasensya ka na. Maingay yata kami sa tabi mo..." medyo buwisit pa yata yung nanay nang sabihin niya sa akin iyon. Parang gusto niya pa akong paalisin samantalang ako ang nauna sa inuupuan ko.

Sumagot na lang ako ng may paggalang; Hindi, ayos lang po ako 'kako.

Tinignan ko yung binata. Parang nakikita ko yung sarili ko sa kanya noong bata pa ako. Isip bata at daddy's boy dahil bukambibig ang salitang 'daddy'. Na-miss ko tuloy si daddy. Tine-text ko siya para magkita kami ngayon pero meron daw siyang appointment. Gusto ko sana siyang maka-bonding pero wala siyang oras. Ayos lang...

Nagpatuloy lang ako sa pagbabasa ng libro nang mapansin kong... medyo nag-iingay na yung nanay sa kausap na asawa sa telepono. Ang gusto ng nanay base sa narinig ko, gusto nilang magkita ngayong hapon dito sa park. Pumayag naman yung asawa niya pero ang pinagtatakahan ko lang, bakit kailangan pa ng asawa niya na mag-tago? Nasa opisina ba yung asawa niya at kailangan pa niyang tumakas sa trabaho? Ewan ko at wala rin naman pala akong pakialam... Ang alam ko lang sa ngayon ay naiinggit ako sa binata. Ito ay dahil kasama niya ang nanay niya.

Nag-text ako:
Mommy, nandito ako ngayon
sa park. Tara, bonding tayo
dito. Hihintayin ko kayo ne ^_^

Sumagot kaagad si mommy. Ang sabi niya, pauwi na daw siya sa trabaho at dahil nga nadadaanan lang ng sinasakyan nilang jeepney sa park, nakarating kaagad si mommy kung nasaan ako. Sa ngayon, tabi-tabi kami nila mommy, at yung mag-ina sa iisa at mahabang bench dito sa park... awkwardly.

"O, bakit hindi mo kasama ngayon si daddy? Nasaan na siya?" tanong ni mommy.

"May appointment daw siya sa opisina eh. Yan ang sinabi niya sa akin kanina," sagot ko kay mommy.

"Appointment? Bakit ang sabi niya sa akin kanina, out of town duty?"

"Ay oo nga pala. Yan pala ang sinabi niya sa akin. Nakalimutan ko na, hehehe..."

"Eh, anong oras daw siya uuwi?"

"Sabi niya sa akin, mid-night na kasi dadaan pa siya sa opisina."

"Hmmm, ganoon ba," huminto siya saka ibinigay sa akin ang sandamakmak na resibo na ipinambili niya ng mga libro. Nakita ko yung mga nakalista, nandito yung mga puro pakage ng mga libro nina Bob Ong, Eros Atalia, Lualhati Bautista, at iba pang mga Pilipinong manunulat. Ayos, puro best seller books at bukas nila idedeliver sa bahay, at dahil sabado naman bukas, magbo-book reading marathon ako!

"Happy birthday, anak! Alam kong libro lang naman ang mga luho mo eh," pagbati niya sa akin saka siya tumawa.

"Wow!!! Kayo pa lang ang bumati sa inyo ni daddy... Thank you, mommy!!!" napayakap ako sa kanya nang hindi sinasadya. Malamig ang hapon na iyon pero naramdaman ko ang init ng katawan niya. Alam kong init iyon ng pagmamahal niya sa akin at sayang lang dahil wala si daddy. Mas masaya sana kung nandito siya kasama kami at kumpleto.

Kumalas siya sa pag-yakap, "O, malapit nang mag-gabi. Tara, umuwi na tayo," malambing na paanyaya sa akin ni mommy.

Huminto siya sa pagtayo nang magsalita ako; "I love you, mommy. Kayong dalawa ni daddy. Hayaan niyo, mommy. Mag-aaral akong mabuti at sisikapin kong makapagtapos sa kolehiyo para makapag-seaman ako para sa inyo ni daddy. Isa pa, hindi ko kayo pababayaang saktan kayo ng ibang tao dahil ako na ang magsisilbi ninyong matinding sandata para sa mga taong gusto kayong saktan. Pangako yan, mommy!"

"Hay nako, oo sige na. Salamat naman anak kung ganoon. Basta, ang sa akin lang, magpakabuti ka lang sa buhay mo, masaya na ako. Ano, tara na?"

Tumango ako saka tumayo. Nagkataon namang mayroong nag-text sa akin.

Binasa ko:
Magkikita kami ng daddy mo ngayon.
Pag-uusapan na namin ang mga mana
ng pamilya mo na sa anak namin ipapangalan
ang lahat mula sa kumpanya hanggang sa
pera. Maghihirap na din kayo ng puta mong
nanay at yang mga hampaslupa mong
kamag-anak sa wakas! Ahahaha!!!...

Maganda ang pakiramdam ko ng mga sandaling iyon nang biglang umakyat ang init ng galit ko hanggang sa ulo ko. Hindi ako nagpahalata kay mommy pero parang nagdududa na siya. Walang alam si mommy na may ibang asawa si daddy at mayroon ding anak at hindi rin alam ni mommy na nakaka-text ko yung kabit ni daddy. Nagpipigil ako ng galit pero hindi ako nakatakas sa mga nagdududang tingin ni mommy sa akin.

"May problema ba, anak?" tinawag niya akong anak pero ang hindi niya alam ay mayroon ding anak si daddy sa ibang babae.

"W-wala po," pautal kong sagot, halos nanggigigil na sa sobrang galit. Ayoko na sanang pumatol pero naunahan ako. Sa totoo lang, hindi lang ang kabit ni daddy ang kumakausap sa akin kundi ang anak nilang lalake. Ayon sa binata o anak ni daddy o kapatid ko, magkapangalan daw kaming dalawa kaya madali lang ilipat sa kanya yung mga mana ko. Oo nga daw, kinasal sila mommy at daddy pero mas naunang nabuntis yung kabit ni daddy kaysa kay mommy. Parehong araw ng kapanganakan namin pero ang ipinanglalaban niya, mas matanda at nauna daw siya ng isang oras kesa sa akin. E ano naman sa ngayon?

Oo, wala akong laban sa mga desperadang iyon. Alam kong matindi ang galit nilang mag-ina sa amin ni mommy at wala akong pakialam. Ang sa akin lang, ang sasakit ng mga pinagsasabi nila sa akin na pawang wala namang katotohanan. Ang sabi sa akin ng anak ng kabit, bading daw ako at ampon lang. At sa mommy ko naman, ginagatasan lang daw niya si daddy para punan niya yung pangangailangan ng mga 'panganay' ni mommy sa iba't ibang lalake.

Ganoon? Sige... ayos lang. Ang sa akin, mas alam ko naman ang sarili ko kaysa sa kanila.

Para sa akin, ito lang ang pananaw ko. Alam kong bumibida ngayon sa medya ang mga kabit o illegal na pamilya na sila ang nagtatagumpay sa huli kaysa sa mga original na pamilya. Pakiramdam nila, sila na ang nakapagkamit ng 'happy ending' ala fairy tale pero mas masasabi ko sa sarili ko na hindi pa rin pumapayag na magpatalo ang mga legal and legitimate family tulad namin. Depe-depende pa rin 'yan sa sitwasyon at laban dito sa mundo at depende pa rin 'yan sa pananaw ng ibang tao kung sila ay pumapanig sa mga legal o sa mga ilusyunadang mga sampid na kabit. Kabit LANG sila o ng mga 'yan sa huli, kabit pa rin sila. Isang malaking sampid na kabit dito sa lipunan pero gusto ko lang ulitin na depende pa rin 'yan sa sitwasyon.

Sinabi ko sa sarili ko noong una, ipinangako ko, huwag sanang dumating ang pagkakataong mag-krus ang mga landas namin dahil sa ilang mga saglit na iyon, masasaktan sila. Gusto ko kapag sinaktan ko sila, masasaktan sila nang hindi na makakaganti sa akin kahit kailan. Sigurado akong hindi nila ako kakayanin dahil matindi ang galit ko sa kanila. Galit ako sa kanila dahil malaki ang galit nila sa akin gayon din kay mommy.

"Di bale na lang, tara, uwi na tayo mommy!" sabi ko saka ako naglakad. Hindi muna sa ngayon dahil may best time para dito. Alam kong masasaktan si mommy kapag nalaman niya ang tungkol dito. At kung nagkataon, ibabalik ko sa kanila yung tunay na sakit sa dibdib na naranasan ni mommy.

Naiwan si mommy sa akin ng ilang mga hakbang nang tawagin niya ako. Naiwan ko daw yung binabasa kong libro sa upuan. Medyo madilim na iyon nang lumingon ako sa kanya saka lumapit. Nagkataon naman na tumayo yung binata sa bench saka sinalubong ang matagal na nilang hinihintay.

"Daddy!" yumakap yung binata sa daddy niya.

"Happy birthday, anak! Regalo ko sa'yo ito ticket papuntang London para mag-tour!" bati ng daddy niya.

"Anak, tara na bilis mo..." sabi ni mommy na nasa malayo na pala. Alam kong may mali dito pero gusto kong makasiguro sa nakikita ko. Ang dilim na kasi ng paligid eh.

Hindi ko na nalamang lumapit na pala si mommy sa akin para makisabay sa paglakad nang makita kong maghalikan ang mag-asawa na umupo pa sa bench kung nasaan nakapatong ang naiwan kong libro. Napakapusok, sarap na sarap silang dalawa kahit na may taong nanonood sa kanila. PDA talaga.

"Hoy, tara na," kalbit ni mommy sa akin saka niya nakita yung mag-asawang naghahalikan. "Madilim na sa daan kaya ayos lang yan!" bulong ni mommy sa akin. "Magluluto ako ng spaghetti pag-uwi natin sa bahay..."

Walang anu-ano'y napatingin sa amin yung mag-asawa. At dahil sa matinding pagkabigla naming dalawa ni mommy, lumabas sa akin ang salitang nagpagimbal sa kanilang lahat.

"Daddy? Ikaw ba 'yan?"

Nagulat siya at napangiti, "Anak..." huminto siya nang makita si mommy, "Honey? Bakit nandito kayo?"

"Diba dapat kami ang nagtatanong sa iyo, daddy?"

"Teka, anong ibig sabihin nito?!" galit na galit na itinanong sa aming lahat ng babae.

Sinubukan kong tawagin yung  number ng babae ni daddy. At--nag-ring yung telepono ng babae saka niya sinagot, "Hello?"

Hello...

Umulit ulit sa isip ko ang narinig ko. Kumpirmado, siya nga. "At ikaw nga ang nagte-text sa akin ng kung anu-anong kasiraan tungkol sa amin nila mommy?"

Naguluhan na din si mommy, "May hindi ba ako nalalaman dito anak?!" may authorization niyang itinanong kaagad sa akin. Ramdam ko sa mga binitawan niyang tanong ang nag-uumapaw niyang galit.

"Mommy, panahon na para malaman niyo--"

"TUMIGIL KA!!!"

"KAYO ANG TUMIGIL DADDY!!! Huling-huli na namin kayo ni mommy na kasama mo 'yang kabit mo pati yang gago mong anak!"

"Tangina mo, n'di ako gago!" sumugod yung binata sa akin saka ako binugbog. Syempre, papayag ba naman ako na saktan lang ng isang sampid na anak ng sampid na kabit? Hindi ako papayag dahil na rin sa mga kagaguhang sinabi nila sa akin.

Pinaulanan ko siya ng bugbog, tadyak hanggang sa hindi na siya makalakad. Halos burado na yung mukha niya sa ginawa ko pero nahinto ito nang hagisan ako ng kabi ng isang malaking bato sa ulo ko.

"Bakit mo sinaktan ang anak ko?!!!" nakita kong hinila ni mommy yung buhok ng kabit na hindi na makalaban. Kaya na ni mommy yun dahil black belter siya sa taekwondo at gamay na gamay ang karate. Inaawat sila ni daddy pero hindi sila maawat.

Ang hindi ko alam, naroon na pala yung binatang anak ni daddy. Meron siyang balisong na hawak na muntik niyang isinaksak sa akin pero nagtamo ako ng galos. Masakit at tuloy-tuloy ang pagdugo ng kaliwa kong kamay pati ang pagbagsak ng mabigat na bato sa ulo ko. May dugo!

Agad kong kinuha yung baril ni daddy na nasa bag niya. Kinuha ko yun nang hindi niya alam.

Bang!

Nabaril ko yung binata pero buhay pa siya at hindi na makagalaw. Gusto talaga nila akong mamatay. Hindi ko alam na nagwawala na pala ako. At sa isang higlap lang, binigyan ko sila ng tig-isang putok ng bala pero buhay pa naman sila at hindi nga lang makaganti.

Ibinaba ko ang baril sa ibabaw ng dibdib ni daddy habang hawak niya ito at pinanood silang tatlo na nakahilatay sa sahig. Nabigla si mommy pero wala akong pakialam. Basta ang alam ko lang sa mga sandaling ito, tatlong patak ng dugo ang nakita ko sa kanila na ipinatak sa kamay ko.

Ngumiti ako, parang nababaliw...

Saturday, July 19, 2014

Rose and Candle

Isa akong nagtatagong pamintang durog na naka-kahon sa lipunan...

May nagbigay na naman sa akin ng rosas. Basta na lang niya iniwan dito sa tapat ng pinto ko pagbukas ko ng isang umaga. Paborito ko ang rosas pero hindi ko alam kung sino ang nagbigay nito. Lalake? Guwapo ba? Kinikilig ako!!! Macho? Ewan ko. Sana... di ko pa kasi nakikita. Sana... guwapo rin hindi tulad ng crush ko sa eskuwelahan noong high school. Pero imposible ring kilala ako ng nagbigay nito. Ang sa akin lang, bagong lipat lang ako dito sa isang liblib na apartment... at walang nakakakilala sa akin dito kahit sino. Naglayas kasi ako eh.

Itinago ko na lang. Ang ganda kasi eh.

Naulit uli ang bagay na iyon. May nag-iwan na naman ng isang rosas sa tapat ng pinto ng apartment ko kinaumagahan. Parehong oras tulad noong una. Naisip ko, ang sweet naman niya. Siya na kaya ang secret admirer ko na sinasabi sa akin ng isang manghuhula? Hindi ko alam kung dapat ko ba iyon paniwalaan pero wala akong pakialam. Basta, ang alam ko lang sa ngayon e mayroon akong rosas.

Ang ganda. Full bloom!

Tulad ng inaasahan, meron na namang rosas kinabukasan. Medyo loyal siya kasi fresh na fresh talaga ang mga rosas ng nagbibigay sa akin nito. Pero hindi ko pa rin siya makilala. Naisip ko na bantayan ito ng magdamagan para malaman kung sino ang nagbibigay nito pero nakakatulog ako tulad ng kanina. Sayang, nakita ko sana kung sino siya.

Ang weird lang ng nagbigay nito. Ni hindi man lang siya nagpapakilala sa akin kahit ilakip man lang sana niya ito ng sulat sa rosas. At siguro, mayaman ito kasi ang mahal kaya ng rosas. Sana, sinamahan na rin niya ng chocolate para mas realistic. Nakakainis na nakakalungkot.

Gustong-gusto ko na talagang makita kung sino ba talaga ang nagbigay sa akin ng rosas. Gusto kong malaman kung sino at sana naman, lalake na siyang pinapangarap ko: mabait, guwapo, macho, mayaman AT--mapagmahal sa isang tulad ko.

At kung ganito lang sana ang magiging boyfriend ko, ay! Haya-hay ang buhay!...

Lagi kong iniisip ko sino ito. Isip ako ng isip hanggang sa hindi ko na pala namamalayan na napapaluha na lang ako sa sama ng loob kasi hindi man lang siya nagpapakilala sa akin. Minsan nga, nag-iwan pa ako ng malaking sulat sa tapat ng pinto para itanong kung sino siya pero hindi siya sumagot. Parang mas lalo pang bumigat ang pakiramdam ko kasi nagmukha lang akong tanga.

Teka... may naaalala akong senaryo at sitwasyon tulad nito. Naaalala ko si Judy Abott ng Daddy Long Legs. Meron din kaya akong... "Daddy Long Legs"? Kung meron, gusto ko, "Papa Long AND BIG *toot*!" Akalain mong sa ganito kalungkot, nagagawa ko pang lokohin ang sarili ko.

Pero isang araw habang nagtitirik ako ng kandila sa labas ng simbahan at hiniling na sana ay makita ko na ang nag-iiwan sa akin ng rosas, isang matandang lalake ang biglang dumating. At dahil sa kapansin-pansin niyang itsura, nalaman kong guwapo siya noong araw na binata pa siya. Halata iyon dahil sa moreno niyang kutis.

Idinaan niya ang kanyang mga daliri sa ibabaw ng mga natunaw na kandila. Nakita ko, parang inis-scan niya yung natunaw na kandila saka nagsalita: "Babae ang nagtirik ng kandilang ito..."

Hindi ko ibinigay ang buong atensyon ko sa kanya pero tumayo yung balahibo ko nang marinig ko ang sinabi niya. Tama nga, babae ang nagtirik noon at imposible niyang malaman iyon dahil kadarating lang niya matapos bumaba ng jeepney. Hindi ako nagsalita... nakinig ako.

"Ipinagtirik at ipinagdasal niya na sana..." huminto siya at tila kinikilatis ang mga natunaw na kandila. "Sana ay mapagaling na ang anak niyang nausog dahil sa duwendeng nagambala niya sa loob ng kusina nila... mga parteng hilagang kanluran na parte ng bahay nila..."

Nakitaan ako ng pagkabigla. Nanatiling nakatayo ang balahibo ko at pakiramdam ko, hanggang sa anit ko. Gusto ko sanang magtanong pero naunahan na ako ng takot ko. Umatras ang dila ko nang lumingon siya sa akin. Gusto kong tumakbo papalayo pero nandoon siya sa may pinto at iyon lang ang tanging daan palabas sa candle room.

"Ikaw!" tinuro niya ako na kinabigla ko, "Makikita mo rin kung sino ang nagbibigay ng rosas sa pinto mo, anak. At hindi umaga ibinibigay ang mga napupulot mong rosas kundi tuwing alas tres ng madaling araw..."

Napatakbo ako papalabas. Wala na akong pakialam sa kanya. Hindi siya nawala sa isip ko lalo na yung mga iniwan niyang habilin sa akin hanggang makatulog ako ng gabi.

Tulad ng dati, may rosas na naman. Ang kinaibahan nga lang, mayroon itong mga patak ng kandila na kulay pula. Natakot ako noong una kasi kapag biglang tingin, parang tunay na dugo. Nakakatakot. At natatakot talaga ako kasi liblib ang tinutuluyan kong apartment at parang mayroon talagang mamamatay tao. Hindi ko na kinuha ang rosas na iyon... at iyon na ang pang-isang daang rosas na natanggap at nadatnan ko sa tapat ng pinto.

Makaraan ang ilang araw, bigla akong nakaramdam ng tawag ng kalikasan. Gabi na nang naglakad ako papuntang CR at doon ko ibinuhos ang sakit ng puson ko dahil sa isang panaginip. Nakasakay daw ako sa isang kotse na punong-puno ng mga guwapo at machong lalakeng naka brief lang. Literal. Pero naputol iyon nang makaramdam ako ng pag-ihi. Nakakainis.

Sarado ang lahat ng bintana at pinto ng buong apartment dahil ayoko sa mga pumapasok na ipis nang biglang humangin ng sobrang lamig. Inaantok ako noon nang bigla akong nagisingan ng diwa at napatingin sa relo ko. Alas dose kuwarenta y nueve na pala ng madaling araw. Parang na-excite ako kasi malapit nang dumating ang mag-iiwan sa akin ng rosas.

Naghanda ako. Dali-dali kong tinungo ang pinto at nag-abang sa maliit nitong butas palabas.

Sampung minuto, limang minuto, isang minuto... malapit na. Kinakabahan ako at halos hindi ko alam kung anong gagawin. Excited na ako: guwapo kaya? Macho? Sana!!! Kinikilig ako pero wala pa naman. Wala akong pakialam sa sinabi noon ng matanda na nakita ko sa candle room ng simbahan. Sigurado, nababaliw lang iyon. Nanloloko.

Nandiyan na ang rosas ko sa loob ng limang segundo, apat, tatlo, dalawa, isa, hanggang sumapit ang oras ng alas tres ng madaling araw... Nakaabang ako, hindi ako kumukurap o pumipikit. Nakatutok ako sa butas ng pinto palabas. Ang tagal!

Sinilip ko ulit ang butas. Kitang-kita ko ang dilim sa labas at dahil sa kaunting liwanag ng street light sa kanto, sigurado akong mabilis ko siyang mamumukhaan.

Nakasilip ako. At--may isang bagay yata na medyo nagpatibok ng puso ko ng sobrang lakas. Sobrang lakas talaga na halos mahimatay ako, parang sumisikip yung pakiramdam ko pati paghinga. Basta mahirap... hindi ako nagkakamali sa nakita ko. Guwapo? Hindi sigurado.

Oo, may nakita ako. Nandoon na pala siya sa pinto ko, nakayuko lang pala at hindi ko natatanaw. Hawak niya ang rosas at isang pulang-pula na kandilang ang laki ng maliwanag na apoy. Tama nga ang sinabi ng matanda sa akin na siyang inalala ko.

"Ikaw!" tinuro niya ako na kinabigla ko, "Makikita mo rin kung sino ang nagbibigay ng rosas sa pinto mo, anak. At hindi umaga ibinibigay ang mga napupulot mong rosas kundi tuwing alas tres ng madaling araw..."

"Ano pong itsura niya?"  na-excite ako sa tuwang malaman kung sino ito.

"Lalake. Malaki ang katawan. Tulad ng pinapangarap mo, oo, macho. Guwapo, mabait, at mayaman. Pero may isang problema na nangangailangan ng lakas ng loob mo kung gusto mo talaga siyang makita..."

"Ano po iyon?"

"Hindi siya ordinaryong nilalang. Isa siyang mayamang heneral na Kastila noong araw. Namatay ang asawa niya at dahil dumaan ang maraming panahon, natabunan ang libingan ng asawa niya. Lagi niya itong dinadalahan ng pulang kandila at sariwang rosas sa puntod nito hanggang mamatay siya. At ang kinalalagyan ng libingan ng asawa niya ay nasa tapat ng pinto ng apartment mo."

Hindi ko sinabi na may apartment ako pero paano niya nalaman?

Anong ibig sabihin ng nakita ko? Oo nga... hindi buhay ang nakita ko kundi matagal nang patay at nagmumulto sa kanilang libingan! Naaalala ko pa ang mukha niya, ang paglaki ng kanyang mga namumulang mata at pagtingin ng mata sa mata sa butas ng pinto ng apartment ko!

Nilayasan ko ang apartment na iyon kinabukasan.

Thursday, July 17, 2014

Kuya, Para po

Isa akong tricycle driver.

Kadalasan akong nagmamaneho tuwing gabi dahil may trabaho ako sa kalapit na pabrika tuwing umaga. Sa totoo lang, kahit hindi na ako magtrabaho ng ganito, napupunan ko naman ang mga pangangailangan sa pang-araw-araw.

Nagkaroon ako ng isang pasahero na gabi nang nakauwi. Nagpapahatid siya sa kanilang bahay na may layong isang kilometro hanggang sa paradahan. Medyo nakakatakot lang yung dinaanan namin kasi sobrang dilim ng paligid. Oo, may mga street light naman pero ang sabi niya kusa na lang daw itong nagsasara tuwing alas dose ng hatinggabi... ang eksaktong oras na ihinahatid ko na siya.

Habang umaandar, pansin na talaga na walang makikitang liwanag sa buong paligid. Sobrang dilim at nakakatakot! Nakakatakot talaga pero ayos lang kasi may minamaneho naman ako eh. Nadaanan namin yung madilim na boulivard, eskuwelahan, nakakatakot na simbahan, talahiban, mapunong daan, at sa may golf kung saan nakatapat dito ang bahay ng pasahero ko.

May isang bakanteng lote kaming nadaanan pagkatapos madaanan ang mapunong daan. Pansamantala akong huminto nang magtanong ako, "Ano? Dito ka na?"

Hindi siya sumagot. Pero maliwanag na narinig ko sa kanya na pumapara siya. Narinig ko nang malinawan na parang itinutok niya pa ang bibig sa tenga ko. Sobrang linaw. Nagpatuloy na lang ako sa pagmamaneho dahil yung parteng hinintuan namin ay walang makikitang bahay maliban sa malaki at matandang puno ng narra. Kung sakali, nasaan ang bahay niya doon?...

Nagpatuloy lang ako sa pagmamaneho hanggang sa makarating sa mga kabahayan. Pagkababa matapos ibigay ang bayad, nagtanong siya: "Bakit niyo po ako ipinapababa sa may parteng madilim kanina sa daan?"

"Eh yun ang sabi mo pero hindi ka naman bumaba," sabi ko habang itinatago ang ibinayad sa maliit kong pitaka. Hindi ko alam kung bakit siya nagtanong ng ganoon gayong ako sana ang gustong magtanong sa kanya tungkol doon pero di ko tinuloy.

Nakitaan siya ng takot, "Kuya, hindi po ako nagsasalita kanina!"

Nagtaka ako ng mga sandaling iyon. Ibig sabihin nito, ako lang ang nakarinig sa isang babaeng pumapara kanina. Pilit kong inaalala ang mga nagdaang minuto saka ko narinig sa isip: "Kuya, Para po"

Kuya, Para po...

Malamang, habang nagmamaneho ako, nasa likuran ko siya pero hindi ko lang siya nakikita. Napatakbo na lang yung pasahero ko sa loob ng bahay at nagbagsak ng pintuan, habang sumisigaw, nang lumingon siya sa likuran ko. Noon pa lang ako nakakita ng ganoong takot. Hindi ko alam kung ano yung nakita niya na hindi ko nakikita pero tumayo ang balahibo ko.

Mainit ang panahon ng tag-araw na halos pagpawisan ako nang malagkit. Pero ng mga sandaling iyon, nakaramdam ako ng sobrang lamig sa likuran ko. Parang may humihimas dahan-dahan na siyang nagpatayo lalo ng balahibo ko... kakaiba!

Nagpatakbo ako ng motor na sobrang bilis at dali-daling nilisan ang lugar na iyon.