Tuesday, October 21, 2014

Alitaptap

Malamig na gabi.

Hindi ako makatulog. Nakahiga na ako sa higaan nang bigla akong tumayo at lumapit sa bukas na bintana ng kuwarto. Hindi ako kaagad nakapagsalita nang hawiin ko na ang kurtina at mapansin ang mga nagkikislapang bituin sa kalangitan, kasabay nito ang mahinang pag-ihip ng malamig na hangin sa labas. Maliban sa mga ito, mas lalo pang nagpapatingkad ng ganda ng kapaligiran ang liwanag ng bilog na buwan dahilan para makahinga ako nang malalim. Tahimik na ang gabi maliban sa mga ingay ng kuliglig at kaunting usapan ng mga taong naglalakad sa daanan.

Nanatili akong naroon sa bintana. Tanging liwanag lang ng ilaw sa kuwarto ko ang nagbibigay liwanag pababa sa daanan kung saan nakita ko siyang huminto at tumingin sa akin pataas sa bintana kung nasaan ako. Nakasuot siya ng jacket na itim, pasok ang dalawang kamay sa loob ng bulsa. Agad din siyang umalis matapos magtama ang aming mga paningin. Sinubukan kong sampalin ang sarili nang malaman kong isip ko lang pala iyon.

Katapat ng bintana, napukaw ng isang alitaptap ang pansin ko. Naroon ito sa puno, palipad-lipad at parang naglalaro sa pagdapo sa mga dahon. Kahit malungkot ako, naging masaya ako dahil kakaiba ang kislap nito na parang bituin sa kalangitan. Ang liwanag! Sa tagal ng panahon, ito ang unang pagkakataon kong makakita muli ng alitaptap kaya naman agad ko itong sinundan kung saan ito papunta nang lumayo ito sa bakuran.

Agad akong naglakad nang dahan-dahan upang sundan ito ng tingin habang umiilaw ito sa ere. Sa ganoong paraan, nabibigyan ako ng aliw at saya ngunit may halong pangamba dahil wala akong kasiguraduhan kung saan ito papunta. Madilim ang gabi ngunit nabibigyan ito ng liwanag dahil sa tuwa kong makakita ng isang alitaptap.

Hindi ako tumigil sa paglalakad. Habang sinusundan ko ito ng tingin ay nagpadapo-dapo ito sa mga halaman at sa mga puno na kanyang nadaraanan. Hindi ko ito mapakawalan sa paningin hanggang sa huminto ito sa isang malaking puno at lumipad pataas. Sa mga sandaling iyon, hindi ako gumalaw.

Huminto ako sa paglakad at unit-unting lumaki ang mata habang tinitignan itong lumilipad paakyat sa puno. Pakiramdam ko, huminto ang paghinga ko at bumagal ang ikot ng mundo nang makita ko ang itaas nito na maraming alitaptap. Sobrang dami na halos hindi ko mabilang habang ang kanilang liwanag ay nangingibabaw sa dilim ng gabi. Lumilipad ang mga ito sa paligid ng mga dahon ng puno at nagpapalipat-lipat sa mga sanga ng puno na parang naglalaro. Dito ko na nakita ang kabuuan na para itong isang natural na Christmas tree na napakagandang pinagmamasdan.

Sandali akong huminto at kinilala ang paligid. Saka ko na lang nalamang nakarating na pala ako sa isang magandang parke na may maliit at napakaghandang lawa, ilang hakbang lang ang layo mula sa kinalalagyan ko. Ramdam ko ang lamig ng tubig na unti-unting umaalon gawa ng kaunting ihip ng malamig na hangin, gayon din sa pagtama ng liwanag ng buwan na nakikita sa tubig.

Muli akong napatingin sa puno na tila isang magandang Christmas tree. Nakangiti ko itong pinagmamasdan ngunit panandalian lamang itong nawala nang maalala ko ang isang bagay. Naalala ko noong pasko. Sa di malamang dahilan, napayuko ako. Nawala ang malamig na ihip ng hangin at dito ako biglang nag-init. Init na parang mayroong yumayakap na nagbibigay sa akin ng kaginhawaan sa malamig ng gabi.

Dahil ito sa kanya, naaalala ko pa. Siya mismo ang nagsabi sa akin, bago siya mawala, na ang alitaptap tulad nito ang siyang maggagabay sa akin papunta sa isang taong nakalaan para sa pagmamahal ko. Basta't magtiwala lang ako, pero walang nangyayari. At kung makikita ko man siya ngayon, siguro, wala na akong pakialam. Takot na akong magbukas muli ng puso para magmahal muli ng isang taong iiwanan lang ako. Wala na, wala... ayoko nang maniwala pa sa kasabihan niyang iyon dahil hindi totoo, at hindi nangyayari kahit kailan.

Patuloy lang ako sa panonood ng mga nagkikislapang mga alitaptap nang mapaatras ako nang may biglang lumitaw sa likuran ng puno. May tao! Kulay itim, naka-jacket, saka niya ako pinigilang tumakbo nang tawagin niya ang pangalan ko na may pamilyar na boses. Lumingon ako sa kanya saka ko siya nakilala. Siya ang nagbabalik na si Jonathan... habang nasa kamay niya ang isang umiilaw na alitaptap na ibinigay niya sa kamay ko. Hindi ko alam na siya pala ang nakita ko sa tapat ng bakuran kanina.

"Sabi ko naman sa iyo eh. Magbabalik ako... sa'yo..."

Wednesday, October 15, 2014

Kuya, Paalam: Isang Pasasalamat

I would like to extend my special gratitude to all the staff of The Work* for giving this very, very sentimental recognition of my short story titled "Kuya, Paalam" Naks! Ang lakas maka-English ang gaga! Ahahaha!!! #Award!
Sa katunayan, hindi ko na isinama sa entry ang pinakadulo nito na may lyrics. And the inspiration of this story was taken while looking at my PILOT G-TEC-C3 sign pen's ink (sponsor) at my notebook (na hiniram noong Team Building ng Industrial Psychology para sa attendance at hindi na ibinalik sa akin... hanggang ngayon!) and thinking about the Camp Aquino main gate along McArthur high way San Miguel, Tarlac.

To the readers who already read my story, this award is dedicated for you, for me, and for all of us!!! ^_^ :D

Kuya, Paalam
"Kuya, Paalam..." Lathala IV 3rd Place
This short story won the Third place in The Work presents "Lathala IV Awards. The Work Literary and Arts Comptetition" with a main theme 'Throwback' under the category of 'Pagsulat ng Maikling Kwento' Friday, September 5, 2014 at College of Human Kinetics AVR, Tarlac State University, Tarlac.

The Work Latlaha IV
The Work Latlaha IV
The Work is the Official Student University Publication of Tarlac State University and member of College Editors Guild of the Philippines.

Friday, October 10, 2014

Liwanag sa CR

Gabi na ng makaalis kami ng Banaba, San Mateo Rizal para umuwi sa Tarlac gamit ang sasakyan na minamaneho ni daddy kasama ang ka-opisina nitong babae na nasa passenger's seat at isang ka-opisinang lalake na katabi ko sa likuran. Dahil nakatulog sa biyahe, hindi ko kaagad namalayan na nasa Tarlac na kami pero bakit kami nasa San Nicholas? May mali dito. Kung talagang uuwi kami ng bahay, bakit nilagpasan ni daddy ang San Miguel kung saan naman talaga kami dapat umuuwi?

"Gabi na kasi. Hindi na tayo makakauwi."

Hindi sapat ang dahilan ni daddy para sa akin. Kung makakauwi, makakauwi kami kung gugustuhin namin. Huminto kami sa isang resto bar kung saan kami lang yata ang customer. Maya-maya lang, bumiyahe ulit kami papunta sa isang subdivision, kung saan nakatira ang lalake at babaeng ka-opisina ni daddy.

Nang makarating, ipinatuloy kami ng babae sa bahay niya. Dito ibinaba ni daddy ang mga gamit pang-biyahe. Sa buong bahay, tatlo lang kaming nasa loob, naghahanda ng matutulugan, hanggang sa natulog kami ni daddy sa loob ng kuwarto.

"Magsi-CR lang ako ha, diyan ka lang."

Tulog na ako ng mga sandaling iyon nang gisingin ako ni daddy saka siya nagpaalam na magsi-CR. At mula sa CR, tanaw ko ang kulay dilaw nitong liwanag na abot sa kuwarto ko. Pero bago iyon, bakit siya nakahubad ng pantaas? At bakit niya tinatakpan ng unan ang ibaba nitong parte? Oo nga naman kasi matanda na siya at hindi niya puwedeng ipakita yung kanyang karga sa akin.

Hindi ako kaagad nakatulog dahil nagising niya ako. Pero bakit pa rin nakasindi ang ilaw sa CR? Bakit hindi niya sinarado ang pinto?

Bumangon ako at dahan-dahang tinungo ang pinto. Unti-unti akong sumilip palabas upang tanawin ang sala nang mabigla ako sa nakita ko. Si daddy, hubo't hubad na nakaluhod at nakabukaka habang hawak ang tigas na tigas na naghuhumindig nitong mahaba na nakatutok na sa pagkababae ng ka-opisina niya.

Nasa ibabaw ng nilatagan na banig at foam sa sahig ang nakahigang hubo't hubad ring ka-opisina ni daddy na nakabukaka na rin at handang-handa na sa pagpasok ng pagkalalake ni daddy sa pagkababae ng ka-opisina niya.

At dahil sa taranta, napa-'uy!' at dire-diretsong pumatong sa ibabaw ng babae si daddy para itago ang kanilang hubo't hubad na katawan nang makita ako ni daddy na nakatingin sa kanilang dalawa. Madilim na ang buong kabahayan ng mga oras na iyon pero nakita ko pa rin sila dahil sa kaunting liwanag na nanggagaling sa bumbilya ng CR na tumatama sa hubad nilang katawan.

Natakot ako ng mga sandaling iyon at hindi alam kung ano ang gagawin. Hindi ko alam kung bakit, basta na lang akong lumabas ng kuwarto saka nakita silang dalawa na nagkapatong na saka dumiretso sa CR. Doon ako umihi saka bumalik sa kuwarto at nahiga.

Maya-maya, dumating si daddy mula sa sala. Kinakausap ako habang ako, hindi makapagsalita. Oo daddy's boy ako na halos close kaming dalawa pero nag-iba na ang tingin ko sa kanya dahil doon.

Hindi ko na siya daddy. Takot na ako sa kanya...

- - - - -

* I never tell this story to anyone that was happen when I was on Grade 2, year 2002 and up until now, I still don't know why I still remember these awkward things.

Thursday, October 2, 2014

Just a Memory

A guest post
Copyright © 2014 by Elaine San Pedro

- - - - -

1
It's like a mist
Dropped on my fist
Whenever I step my feet
It was then I meet

2
From a dark crowded street
He wave and greet
While handling a gift
Even we have a tiff

3
He runs along the road
Accidents are broad
I cried and shout
He past its bout

4
Seeing you in the crave
I must strong and brave
Years, months, and days had past
Memory and love never last.


-Elaine San Pedro

Wednesday, October 1, 2014

Vita milk

(Isang Prequel mula sa kwentong 'Vanilla milk')

- - - - -

Nakita kong mayroong sinisipsip ang kaklase kong babae nang madatnan ko siya sa pathway ng OSA, TSU. Kasabay nito ay ang pagkain niya ng saging na senyorita. Nakita kong sarap na sarap siya sa pagtawa habang nakikipagkuwentuhan. Sa pagtawa niyang iyon, di na niya inalintanang makita ng iba ang ngala-ngala niya. At sa kabutihang palad, hindi siya nababaknal kahit minsan lang.

Tawa lang, sige lang. Bira lang nang bira sa pagtawa habang kumakain ng saging.

Nasa ganoon akong porma nang tinawag ako ng isang kaklase at tumabi sa kanya. Di sinasadyang nakatabi ko na pala ang secret crush ko. Nagkataon lang, at sa pormang iyon, magkatabing bag naming dalawa lang ang pumapagitan sa amin. Di kami maaaring magdikit kahit gustuhin ko man.

" 'tol, mani," pag-aalok ni secret crush sa akin na magalang kong tinanggihan. Kung puwede lang sanang sabihin ko sa kanya na siya ang gusto ko, sasabihin ko... pero hindi. Kinilig ako.

Bahagyang napatingin ang mga kakuwentuhan niya nang yumuko ako at mahalata nilang ngumingiti ako ng kakaiba sa paningin nila.

Muntik na akong mahuli.

Tuloy lang ang masaya nilang tawanan habang nagbabasa, nang makarinig ako ng pagsimot ng inumin sa sinisipsip na bote pagkatapos ng tawanan. Di ko napigilang mapatingin sa pinangyarihan ng tunog. At sa mga sandaling iyon, awkwardly, nagbanggan kami ng tingin ni secret crush, saka ako bumaling ng tingin. Sa kanya pala nanggaling ang ingay.

Napangiti ako pero di nagpahalata. Di ko maitatangging paborito ko ang sinisipsip at iniinom niya: Vita milk!

Nang maubos, hawak lang niya ang boteng walang laman. Ipinupukpok lang niya ang ilalim nito sa ibabaw ng upuan at habang ginagawa niya ito, may ibang bagay na ang pumapasok sa isip ko na ginagawa lang ng mga kalalakihan sa sariling pag-aari... saka niya itinaob ang bote at tumapon sa sahig ang natirang laman na ga-kutsara na lang ang dami na parang 'luha' o 'katas ng buhay' na lumabas sa 'bote' na parang pagkalalake. Kulay puti kasi eh.

Napatingin ako sa sahig. Nabigla, at itinago ang pagpipigil na tawa.