Tuesday, January 13, 2015

Jeopardy

Nakulong ako sa isang pagbibintang na pinatay ko daw ang asawa ko. Mahal na mahal ko ang asawa ko at malinis ang kunsensya kong hindi ko siya pinatay. Tanging anak ko na lang ang natira sa akin na siyang dumadalaw sa akin sa kulungan pero hindi ko na siya nakita makalipas ang anim na taon. Wala na rin ang bahay kung saan siya nakatira hanggang sa mawalan na ako ng pag-asang makita pa siyang muli.

Nang tawagan ko ang isang kaibigan, ibinigay niya sa akin ang bago nitong tirahan at numero ng telepono. At nang tumawag ako, narinig ko ang boses ng isang batang lalake--ang anak ko!

"Anak! Ako ito, si mommy mo na nandito sa kulungan!" sabi ko sa kanya na may halong tuwa, sakaling makilala pa niya ako pero hindi siya sumagot.

Alam kong kilala pa niya ako dahil sinabi niya sa isang dumating na babae kung sino ang kausap nito.

"Anak, sinong kausap mo sa telepono? Nandito na kami ng daddy mo."

May ibang babae. Daddy ng anak ko? Buhay ang asawa ko?

Pansamantalang nagsalita ang anak ko na siyang nagpagimbal ng mundo ko dahil sa narinig, "Mommy, daddy! Kausap ko si mommy sa telepono!"

Sa mga sandaling iyon, nakarinig ako ng parang galit na yabag ng sapatos, saka nawala ang telepono. Wala na. Wala. Sinubukan kong tawagan ulit iyon pero wala na ito makalipas lang ng tatlong araw.

Nagmumukmok ako sa isang sulok ng kulungan araw-araw. Maayos ang buhay ng anak ko pero iba na ang kinikilala niyang nanay, pero may isa pa. Buhay ang asawa ko at hindi totoong patay! Napuno ako ng galit pero hindi ko alam kung paano ko ito kokontrolin dahil hindi ako makakaganti lang kasi... nakakulong ako.

Aksidente ko itong nasabi sa isang kakosa na isa palang ex-lawyer. Pinayuhan niya ako ng ilang mga bagay na siyang nagbigay pag-asa sa hustisya ko habang nakakulong ako. Kailangan ko lang daw magpakabait, aminin ang isang krimen na ikinaso sa akin kahit hindi ko naman talaga ginawa, upang mapunta sa sinasabi nilang 'purgatoryo' sa loob ng tatlong taon... na napagtagumpayan ko nang maayos. Nagpalakas ako ng katawan, at isip, saka hinanap ang magaling kong asawa.

Nahanap ko ang asawa ko na iba na ang pangalan. Makalipas ang maraming taon, marami din ang angbago sa kanya pero hindi ko na pinalagpas ang mga sandaling iyon para bawiin sa kanya ang anak ko... pero hindi siya tumupad sa usapan. Hinuli niya ako, dinala sa simenteryo, sinaktan nang sinaktan hanggang sa mawalan ako ng malay, saka isinilid sa isang kabaong at hindi na nakalabas pa.

Pero marunong ang Panginoon. Pinatay man ako ng asawa ko, nagawa ko pa ring mabuhay sa loob ng kulob na kabaong, ng apat na pung araw. Nakalabas ako sa tulong ng mga naglitas sa akin matapos ang pagbisita nila sa kaanak ng pinaglibingan ko, sa eksaktong araw ng mga patay. Doon nila ako mismong nakita: sa loob ng kabaong ng tunaw na katawan ng kanilang kaanak.

Muli kong hinanap ang asawa ko makalipas ang isang linggo. Di ako nawalan ng pag-asa. Sa ngayon, masasabi kong para akong pinatay, inilibing, at nabuhay makalipas ang apat na pung araw... na may matinding galit at paghihiganti, laban sa magaling kong asawa. Sa ngayon, masasabi ko ring nasa akin ang huling tagumpay na magpapabagsak sa kanya.

- - - - -

Sa tulong ng pulis na nag-alaga sa akin sa kulungan, hinanap namin ang asawa ko hanggang sa mapadpad kami sa opisina niya. Wala siya pero naghintay kami dahil ayon sa mga tao niya, babalik din siya agad.

Hindi kami nabigo. Dumating siya makalipas ang kalahating oras ng paghihintay. Sinorpresa namin siya at nasorpresa din siya lalo na sa akin. Kinausap niya ako noon na parang tunay na asawa, na parang walang nangyari sa loob ng mahabang panahon kong paghihirap sa kulungan.

"B-buhay ka..."

Ngumiti ako, "Nasaan ang anak ko?" itinutok ko sa kanya ang baril na ipinahiram sa akin ng kasama kong pulis. "Sabihin mo kung nasaan na ang anak ko."

"N-nasa West School," sagot niya.

At sa isang napakagandang pagkakataon, dumating din ang kabit ng asawa ko na siyang matalik ko pang kaibigan. Siya at ang asawa ko--magkasabwat sa lahat ng nangyari kaya naging ganito ang buhay ko na ngayon ko lang napagtagpi-tagpi at napagtanto. Mga walanghiya silang lahat!

"B-bakit, b-buhay ka pa? A-akala ko, patay ka na?" kitang-kita ko sa mga mata ng kabit ng asawa ko ang matinding takot at pag-aalala nang itutok ko sa kanya ang baril.

"Na nabuhay," dugtong ko, "Para bawiin ang lahat ng mga mahahalaga sa akin na winala mo, at inagaw mo!" sabi ko. Yung pulis, wala lang. Nandoon lang siya sa isang sulok ng sofa. Nakaupo, nakatanga, at nanonood sa amin na parang nagdudula-dulaan lang.

"Ngayon, hahayaan ko na kayong magsama sa isang kundisyon," itinutok ko ang baril sa magaling kong asawa. "Una, lalapit ka sa korte upang aminin na hindi kita pinatay o pangalawa, kapag hindi ka umamin e papatayin kita para mawalan ng bisa ang ikinaso sa akin ng kabit mo."

"Hindi ka magtatagumpay!" kinuha niya ang baril niya saka niya itinutok sa akin.

"Paano na yan? Wala na akong pagpipilian pa kundi ang patayin ka na nang totohanan. Makalipas ang sampung taon, magagawa na kitang patayin tulad ng ikinaso't ibinibintang niyo sa akin... na ako ang pumatay sa'yo!" matapang kong sinagot. "Pero bago yan, mabuti na lang may natitira pa akong alas sa ilalim ng jeopardy sa kaso ko," dagdag ko.

"Tama na!" ikinasa niya ang baril para iputok sa akin pero hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa nang itutok ko sa kanya ang baril saka ko ipinaputok ng isang beses, para sa anak ko, isang beses, para sa kabit niya, at isa pang beses, para sa akin, na ginulo niya, na sinira niya, saka siya bumagsak sa sahig.

Kumalat ang maraming dugo sa opisina, sa harapan ng kabit na nabigla at napasigaw sa pangyayari pero ako, wala lang. Natatawa, masaya, habang umiikot ang paningin na parang mababaliw.

- - - - -

Nabalewala ang kaso ko nang tinotohanan ko ang mga bintang sa akin na pinatay ko daw ang asawa ko. Sa tulong ng pulis, dinala niya ako sa eskuwelahan ng anak ko. Sa sobrang kaba, lungkot, saya, at pasasalamat, nagkita kami ng anak ko. Hindi na niya ako nakilala sa tagal ng panahon hanggang sa yakapin ko siya matapos magpakilala.

Humigpit ang yakap niya sa akin at napaluha dahil sa wakas, nakita na niya ako sa tagal ng panahon.

"Sabi nila, patay ka na mommy..." damang-dama ko sa mga boses na iyon, sa kanyang mga nagtatanong na mata, ang awa, lungkot, at pagkasabik sa tunay niyang mommy. Hindi ko halos maipinta kung gaano ako kasaya ng mga sandaling iyon.

"Hindi, honey. Buhay ako..." sabi ko saka ko siya niyakap nang buong higpit, at may-init ng pagmamahal..

Dinemanda ko ang kabit ng asawa ko saka nakulong. Sa ngayon, tahimik naman ang buhay naming mag-ina kasama ang mga magulang ko sa probinsya. At kahit ilang beses man akong patayin ng asawa ko, nabubuhay pa rin ako alang-alang sa hustisyang ipinaglalaban at gustong makamit. At ang aral ng buhay na natutunan ko? Simple lang: matutong lumaban alang-alang sa katuwiran dahil paminsan, hindi lahat ng pagpatay ay krimen kung naaakusahan ka ng maling paratang. Dahil naniniwala ako sa huli, tulad ng nangyari sa akin, lahat ng mga baluktot ay magkakalaglagan din!

Round Table Challenge

5 comments:

  1. This so reminds me of an Ashley Judd flick from the late 90s. So refreshing to see it in Filipino!

    ReplyDelete
  2. ね、お兄さん。この小説は"double jeopardy"にタガログ語ですね。このはすごい!
    - 美ちゃん

    ReplyDelete
  3. 美ちゃん!お久しぶりだね!!!
    はい。そうです。Double jeopardy の小説ですがそれは知らない。ありがとうの読みます!
    私の日本語ちょっと話せますね。

    let's talk to my email! jay.calicdan@yahoo.com I will matte for you, isoide!

    ReplyDelete
  4. @citybuoy @orange @美ちゃん thanks! arigato! ^_^

    ReplyDelete

Thank you for reading!
Hope to hear from you. Don't forget to share!
Follow us on FeedBurner
Like Jay's Quirky World on Facebook! Thank you! ^_^