Wednesday, February 11, 2015

French Guillotine

Nagising ako na nasa gitna ng isang talahiban, isang ara ng tanghaling tapat. Basang-basa ang buo kong katawan na puno ng putik saka ako nakaramdam ng takot at kaba. Takot, dahil hindi ko alam kung nasaan ako ng mga sandaling iyon at pangamba dahil hindi ko malalaman ang mga susunod na mangyayari pagkatapos nito. Hindi ko alam kung ano ang gagawin at hindi ko alam kung saan ako pupunta.

Nagpaikot-ikot ang paningin ko sa mga nagtataasang talahib na nagbabakod sa kinalalagyan ko. Wala akong nakitang ano mang bakas ng daan ng daan patungo sa kinatatayuan ko. At upang makaalis rito, sinugod ko ang nagtataasang talahiban kasabay nito ang pagdikit ng mga tinik sa katawan ko. pilit kong tinitiis ang lahat, hanggang sa marating ko ang dulo nitong nagpabigla sa akin.

Nakakita ako ng isang malawak na palayan. Sa gitna nito, may mga stick na nakatayo pero nangalambot ako nang malamang mga tao pala ito. Nakita ko, puro sila mga buto't balat na parang mamamatay na ano mang oras. Yung mga itsura nila, puting-puti ang buong katawan gawa ng pagdikit ng makakapal na alikabok, labas ang mga ugat sa katawan, nakayapak, nakadilat ang mga mata, litaw na ang mga ngipin, balbas-sarado, mahahaba ang buhok, at walang ano mang mga saplot sa katawan. Palakad-lakad lang sila roon at nanghihina sa sobrang pagod at gutom. Sa pangkalahatan, iisa lang ang mga itsura nila. May mga tao namang mukhang nag-aalaga sa kanila pero hindi sila binibigyan ng ano mang pagkain o inumin at damit.

Sa isang banda naman, nakita ko ang grupo ng mga taong nakaluhod sa lupa. May kanya-kanya silang puwesto para kainin ang basang putik para pawiin ang gutom at uhaw. May iba namang kumakain ng sariling dumi o dumi na galing sa ibang tao na kanilang pinag-aagawan, at yung iba naman, iniinom ang sariling ihi. Kung hindi sariling ihi, ihi naman ng ibang tao na siyang direkta pang isinusubo ang ari ng lalake upang makainom. Nakakasuka yung amo ng naghalong dumi at panghi sa putikan.

Sa mga sandaling iyon, nakarinig ako ng pagsindi ng isang truck. Patingin ko, nakita ko yung isang buldoser: merong isang lalake na nagtitipon ng bundok na kahoy pero mga bangkay pala ito na natuyo, at ulong pugot, saka ihinagis sa iosang malalim na hukay para ilibing. Pagtingin ko sa ibaba noon, may nakita akong mga buhay na taong sumisigaw. Humihingi sila ng tulong pero walang nakikinig sa kanila, hanggang sa tabunan na sila ng tone-toneladang bangkay at quick-dry cement. Sa sobrang emosyon na naghalo at amoy ng mga nabubulok na bangkay, napasuka ako. At sa isang higlap, nagtakbuhan papalapit sa akin ang mga tao pagkakita sa akin, saka nila pinagpiyestahang kainin ang isinuka ko. Napasigaw ako saka napaiyak sa sobrang tindi ng pagkabigla.

Napatakbo ako ng di oras papalayo sa kanila.

Papalayo na ako nang mapahinto sa tapat ng isang mataas na bakod. Ang daming tao na gustong makalabas sa kabilang bakod para makainom ng tubig-dagat pero walang nagtatagumpay. Ang nangyayari kasi, inaakyat nila yung bakod na yari sa purong barb wire. Nakita ko, nagbuhol-buhol na ang katawan ng mga sumubok at ayaw matanggal sa matalim na bakod. Yung iba naman, pagdating sa pinakatuktok ay nakukuryente sa may pinakamalakas na boltahe na sapat para magsunog sa kanila. May isa pang humihingi ng tulong para alisin ko siya roon pero sa tuwing hihilain ko ito ay lumalalim yung talim ng barb wire na nakapalupot sa katawan niya, dahilan para mapunit ang tiyan nito at rumagasa ang masaganang dugo, gayon din ang bituka nitong tuyong-tuyo... hanggang sa siya ay mamatay.

Hindi naman ako nasaktan pero nangahina ako sa nakita ko. Napagapang ako papunta sa isang bodega saka humagulgol ng iyak. Ang hindi ko alam ng mga sandaling iyon, nakapagbulabog ako ng libo-libong taong natutulog sa dilim. Napansin ko na lang iyon nang may naririnig akong mga naghihingalo, at nakita ang nakahilerang divider na karaniwang pinaglalagyan ng malalaking troso para mahati sa gitna, at dito nagsisiksikan ang mga taong naghihingalo, at namamatay. Napatingin pa yung iba sa akin saka nila inaabot ang kamay ko para tulungan silang ilabas mula roon.

Pinilit kong tumayo nang matanaw sa dulo nito ang isang malakas na liwanag. Sinubukan kong lumakad papunta roon at wala akong ibang nakita kundi isang malaking lalake na abalang nag-sisiga ng apoy habang nagtataga ng kahoy. Nagtaka ako kung bakit gumagalaw yung mga kahoy saka ko nalamang mga buhay na tao ito. Kinukuha lang niya ito na parang stick saka pinagtatataga ang kataang pumapalag at nag-mamakaawa hanggang sa itapon niya ito sa butas ng apoy. Pinipigilan ko siya pero pinanlisikan niya lang ako ng mata para tantanan siya.

Mas lalo pang lumala ang sitwasyon nang lumabas ako at nadatnang kumakain na yung ibang tao ng bangkay ng kapwa nila na nasa lupa. Binubutasan lang nila ito gamit ang daliri, saka hinihila ang bituka para kainin. Yung katawan nilang kulay puti dahil sa alikabok ay napuno ng dugo, habang nilalantakan ang iba't ibang parte ng bituka ng tao.

At ako? Wala na akong maisusuka pa. Sumisigaw na ako pero walang nakakarinig. Nailabas ko na pati luha ko kaya lumayo na lang ako.

Akala ko, tapos na ang lahat. Sa kabila, may nakita akong lubid na nakabitin sa malaking lift (pulley yata na...) nasa labas at nakasulat ang katagang "Exit to Hell" na hawak naman ng isang lalake. Patawid ito mula sa kinatatayuan kong hinaharangan ng barb wire na bakod, palabas mula sa impyernong kinalalagyan ko. Nakita ko, may mga umaakyat pero nalalaglag din sila dahil wala na silang lakas. Yung mga nalalaglag, kinukuha nila saka dinadala sa isang malaking stage na nasa malayo pero hindi ko matanaw.

Sa kagustuhang makalabas sa lugar na ito, inakyak ko ang lubid. May mga nagsabing huwag akong iisip ng kung ano. Basta kailangan kong tumingin sa itaas pero may naalala ako: May naalala akong kuwento na may kaugnayan rito--Ang 'Spider's Thread' ni Akutagawa Ryunosuke!

Nang maalala ko ito, sumakit yung ulo ko. Nanghina ako habang nakakapit nang mahigpit sa lubid saka may bumulong na nararapat lang daw para sa akin na sumakit ang ulo para hindi makaakyat hanggang sa may humila ng paa ko saka ako bumagsak sa lupa na may taas na sampung metro pababa. May dalawang lalake ang lumapit sa akin, dinakip nila ako saka dinala sa isang stage na puno ng mga tao.

Pagdating doon, nakita ko na ang gagawin sa amin. Itatali nila yung mga kamay at paa namin para hindi makapalag saka nila kami ipapahiga sa ibabaw. Sa itaas ng leeg na hinihigaan namin ay mayroong isang malaki at matalim na blade na inaalalayan ng lubid na hawak ng isang lalake para hindi ito bumaba. Dito ko nalaman na isa pala itong 'French Guillotine' na ginagamit sa mga taong kailangang pugutan ng ulo para parusahan, na nagmula pa sa bansang France pero bakit may ganoon?

Pumalag ako. Takot ako. Ayokong mamatay dahil wala akong kasalanan. Wala akong ginagawang masama hanggang sa ilagay nila ako sa ibabaw nito hanggang sa itaas ng isang lalake ang blade nito at binitawan para paugot ang ulo ko. At sa halip na sakit ang maramdaman ko ay isang malakas na sampal ang agad na dumapo sa pisngi ko. Ang sakit, sobra, saka ako nagtaka.

"Gising! Nanaginip ka!"

Nagising akong pawisan at luhaan, hinahabol ang paghinga. At akala ko, totoo na ang lahat.

No comments:

Post a Comment

Thank you for reading!
Hope to hear from you. Don't forget to share!
Follow us on FeedBurner
Like Jay's Quirky World on Facebook! Thank you! ^_^