Wednesday, February 18, 2015

Happy Chinese New Year!

Oy! Bisperas na (yata) ng Chinese New Year!

Happy Chinese New Year po sa lahat ng mga pagmumukha natin! Kapag magpapaputok po, sa labas po ha, huwag po sa loob dahil kung sa loob, lagot na. Sa halip na patay, naku! "Buhay kang bata ka!"

Kaya dapat iputok sa labas ha. Magpaputok po tayo sa 'labas' ng 'bahay'!

Syempre, dahil Chinese New Year, binabati ko na rin si Kuya Gao Xiao ng Happy Chinese New Year sa pagmumukha niyang hindi ko alam kung nasaan ng mga sandaling ito. Anyway, we have a connection naman on Facebook kaya ayun!

At dahil mapamahiin ang mga Intsik (maybe, hindi lahat... yata) kailangan daw or other, hindi dapat mawala sa bagong taon nila ang masarap at malagkit na 'Tikoy' at hindi ko alam kung ano ito exactly sa Chinese Language lalo na sa English. Kapag ikaw daw na nananahimik sa isang sulok and then, niregaluhan ka ng tikoy, aba! Suswertehin ka daw!... at hindi ko po alam kung sa paanong paraan. Maybe, career... I don't know.

Since, hindi pa ako nakakatikim ng tikoy, ano kayang pakiramdam/lasa nun? Matigas ba ang Tikoy? Gaano kahaba? Wait, 'mahaba' kasi may nakita akong kakaibang 'Tikoy' na pabilog PERO pahaba. And one thing; kung may 'Tikoy' e, meron bang 'Tinya'? Masarap ang Tikoy pero kung meron mang Tinya, masarap din kaya? Kung ano mang 'tikoy' at 'tinya' ang biglang pumasok sa isip mo, bahala ka na. Inosente po ako! Sa sinasabi ko, para akong nakikiliti at hindi ko alam kung bakit.

And... narinig ko lang sa radyo, magsuot daw po tayo ng pink or red na panty sa ganap na alas nueve ng gabi para daw suwertehin buong taon pero hindi ko rin alam kung sa paanong paraan iyon mangyayari.

Teka, awat na, and again, Happy Chinese New Year po sa pagmumukha nating lahat... kahit hindi ako Intsik! Tandaan: Magpaputok po sa labas (ng bahay), hindi sa loob! Bahala ka na rin kung anong klaseng 'loob' ang sinabi ko at kung ano na rin ang ipuputok mo.

-bebejay
P.S. gusto mo bejay?

No comments:

Post a Comment

Thank you for reading!
Hope to hear from you. Don't forget to share!
Follow us on FeedBurner
Like Jay's Quirky World on Facebook! Thank you! ^_^