Saturday, June 20, 2015

Nalilito Chapter 07

"CAAARL!!!"

Muli akong nasubsob sa pagtakbo nang mahuli ako ni Rodel sa isang higlap lang. Hindi ko alam kung saan siya dumaan, kung paano niya ako nahabol, at bakit parang ang bilis niyang tumakbo nang hindi ko namamalayan. Bigla niya akong niyakap na siyang dahilan ko ng pagkakatumba sa lupa, saka kami nagpagulong-gulong sa damuhan. Mahigpit ang pagkakayakap niya sa akin na parang ayaw niya akong mawala.

Huminto kami sa pag-ikot nang magkatapat ang aming mga mukha: nasa ibabaw niya ako na nakadapa, habang siya naman ay nakahiga habang nakapaibabaw ako. Parang sinasadya. Nagpantay ang paningin namin sa pagkakataong iyon, matagal, bago pa siya humiwalay sa akin.

Hingal na hingal akong umupo sa damuhan habang tumayo siya mula sa pagkakabagsak. Sandali kaming napahinga saka siya nagsalita.

"Carl... please..."

Umayos ako ng upo sa damuhan. Basang-basa ang buong katawan na dinagdagan pa ng pagpapawis ko.

"Carl, sabihin mo nga sa akin. Anong problema?" hingal na hingal niyang itinanong.

Hindi ako nagsalita.

"Yung sa bangka? Ginusto mo iyon. Ginusto ko. Ginusto nating dalawa. Natatakot ka ba dahil doon, Carl?!"

Pinagtaasan na niya ako ng boses. Wala akong maisagot.

Napapikit si Rodel kasabay ng pagtakip ng kanyang mukha gamit ang kamay saka nagpalakad-lakad. Nagulat na lang ako sa pagsigaw niya ng sobrang lakas, sobrang lakas na siyang dahilan ng paglipad ng mga ibon sa nagtataasang puno sa paligid. Mas lalo pa akong nasindak nang bigla niyang pinagsisipa ang isang malaking puno na malapit sa kanya.

"Carl, alam mo, ano..."

Napatingin ako sa kanya.

"A-ano kasi... kaya ko ginawa iyon dahil gusto kita. At hindi lang basta gusto iyon. Hindi ko alam kung bakit."

Dahan-dahan akong tumayo at tinignan siyang nakayuko. Kita ko sa kanyang kilos ang pagkalito tulad ng nararamdaman ko para sa kanya--litong-lito.

"Kung ano man ang narinig mo sa bangka kanina mula sa akin, totoo ang lahat ng iyon, Alam kong umaasa ka sa akin, at ganoon din ako sa iyo. Pareho tayo! Pero--"

"Tama na..." pagpipigil ko. "Huwag mo nang ituloy. Ayokong marinig mula sa iyo--"

"--na mahal kita... Carl." dugtong niya at ipinarinig na niya sa akin. "Masama ba iyon?"

Katahimikan.

"Kung nasa iisang isla lang tayong dalawa na walang ibang tao ang makakakita sa atin, mamahalin kita na walang ibang tao ang manghuhusga sa atin. At walang ibang tao ang magbabawal sa akin na mahalin ka."

Hindi ako umimik.

"Ano naman sa ngayon kung magmahal ako ng isang tulad mong lalake na higit pa sa pagkakaibigan? Iyon ang gusto ng puso ko kaya wala akong magagawa kundi sundin ito. Pero ikaw, Carl," tumingin siya sa akin. "Kung gusto mong maging malaya sa ano mang pangamba na siyang gumagambala at humaharang para hindi mo ako mahalin, pwes, sundin mo ang puso mo na mahalin mo ako, at magiging malaya ka sa pangamba ng dibdib mo."

Mata sa mata kaming nagtitigan.

"Ihatid mo na ako pauwi..." bulong ko.

"Carl--"

"Kung ano man ang namamagitan sa ating dalawa ngayon," tinignan ko siyang muli nang diretso, "Ihinto na natin."

Nakitaan siya ng pagkabigla sa narinig.

"Hindi ko ito gusto, at hindi ko ito gusto para sa iyo. Huwag nating hayaang sirain ng ating damdamin ang pagkatao ng isa't isa. Isa itong kalapastanganang pagkakataon sa paningin ng ibang tao. Bigyan mo ng awa at galang ang sarili mo para sa akin. At huwag mo nang hayaan pang muling mamayani ito sa puso mo."

Hindi siya makapagsalita.

"Mahal mo ako, mahal kita. Hanggang doon na lang iyon bilang magkaibigan..." pagtatapos ko.

Katahimikan. Ingay lang ng mga ibon at kulisap sa paligid ang maririnig.

Nahalata ko kay Rodel ang pagsara ng kanyang kamao, hindi ko alam kung dahil ito sa sama ng loob o galit. Meron pa, nakita ko ring sabay na nagluha ang kanyang mga mata.

Dali-dali siyang lumapit sa akin. Hinawakan niya ang leeg ko ng sobrang higpit saka niya ipinakita ang saradong kamao na ibubugbog sa akin. Dito na ako natakot nang matindi dahil napakatalas ng tingin siya. Hindi ko akalain na sa maamo niyang itsura ay magagawa niyang magpakita ng matinding galit na noon ko lang nakita sa kanya.

Napapikit ako. Ihinanda sa pagdapo ng malaki at nanggigigil na kamao ni Rodel hanggang sa pakawalan na nga niya ito ngunit ibinugbog niya ito sa isang katawan ng puno.

"S-sinira mo ang pinlano kong pangarap para sa iyo. Bakit mo 'to ginawa sa akin? Bakit mo sinira?! Ipinaglaban ko naman ang damdamin mo para sa akin, ah?! Bakit hindi ninyo ako kayang mahalin!!!"

Ninyo? Hindi lang ba ako ang una niyang ginanito? Wala rin ba siyang napala sa ibang tao na dumating sa buhay niya maliban sa akin?

Umiiyak siya, halata sa basagan niyang boses, habang nakapinta sa mukha ko ang pagkabigla. Totoo ngang mahal ako ni Rodel. Bakit ko nga naman nagawa sa kanya ang bagay na iyon? Oo, mahal ko naman talaga si Rodel pero hindi ako handa.

Napakatanga ko talaga. Kahit kailan!

May kasalanan ako na kailangan kong pagbayaran: ang damdamin ni Rodel para sa akin. Kailangan kong humingi ng tawad sa kanya at bawiin ulit ang lahat ng mga salitang bumasag ng mga pangarap niya.

Kakausapin ko na sana siya nang bigla siyang nagsalita na siyang nagpaguho lalo ng mundo ko.

"K-kung 'yan ang gusto mo, sige. Pagbibigyan kita..." tumalikod siya saka naglakad papalayo sa akin.

Natulala ako. Hindi ko alam kung iiyak ako o hindi. Paano ko pa babawiin ang oras?

Nasa malayo na siya nang muli niya akong tinawag.

"Iuuwi na kita sa inyo!"

Wala na akong nagawa.


(wakas...)

Thursday, June 18, 2015

Nalilito Chapter 06

"S-SANDALI!" pagpipigil ko sa gagawing pagpasok ni Rodel sa akin.

Pareho kaming natigil. Napabangon kaming dalawa ng di oras saka ako nagbihis na hindi nagsasalita.

"Bakit? Tayong dalawa lang ang nandito..."

"Mali ito, Rodel. Mali!"

Nagpantalon si Rodel. "Bakit?..."

"Mahal kita Rodel, pero bawal itong ginagawa natin. Isa pa, natatakot ako. Pasensya na kung nagawa ko 'to sa'yo. N-nalilito ako..."

Nakitaan siya ng matinding pagkabigla. Walang anu-ano'y agad akong nagsagwan, kahit hindi pa ganoon natuto, at gusto nang bumalik ulit sa lupa. Pinipigilan ako ni Rodel ngunit hindi ko na siya pinapansin pa. Paulit-ulit niyang binibigkas sa harapan ko ang 'Mahal kita' at dahil nagpanic na ako ay dali-dali akong nalaglag sa tubig at lumangoy pabalik sa lupa.

"Carl. Saan ka pupunta?"

"Lalayo sa'yo."

Pagdating sa tabing lawa ay agad akong tumakbo sa kung saan. Nakayapak, kinakabahan, nawawala, at nalilito. Sa sobrang lawak ng lupaing nasasakupan ng mansyon nila Rodel ay hindi ko magawang matunton ang daanang pabalik sa kabila ng mga punong may makukulay na bulaklak. Ang daanang pabalik para muling masilayan ang tunay kong mundo bilang lalake. Ang lalake na tulad kong may tapang na itama ang nagawang pagkakamali ngunit may pagkalito sa sekswalidad na nararamdaman. At ang lalake na tulad ko na tumatakas sa baluktot at tinatahak ang tamang landas, ngunit nasasaktan ang talampakan ng aking damdamin ng mga matatalim na kahoy at bato ng realidad na ako'y may kahinaan at may alinlangan sa nakakatulirong damdamin. Isang damdamin na bawal at mali sa paningin ng ibang tao at lalo na sa aking sarili.

Patuloy akong tumatakbo sa kakahuyan. Wala akong ibang makita kundi walang hanggang mga luntian at nagtataasang puno't mga baging, at talahib sa buong paligid. Sa mga sandali ring iyon ko narinig ang sigaw ni Rodel na hinahanap ako.

"CAAARL!!!" sigaw niya mula sa malayo.

Kinabahan ako. Patuloy ito sa pagtatawag ng pangalan ko na parang papalapit na nang papalapit sa akin. Gusto ko nang lumayo, lalo na kay Rodel. Hindi ko kayang humarap sa kanya sa kabila ng pagkakaibigan nila ni kuya. Nahihiya ako sa eksenang may muntik mangyari sa aming dalawa ni Rodel sa bangka. Nakakahiya!

Patuloy akong tumatakbo hanggang sa ako'y mapatid sa mga damong may baging at nadapa sa lupa. Kasunod noon ay ang sunod-sunod na yapak sa damo ang maririnig na tila papalapit na sa akin mula sa malayo... Isang bagay na siyang nagpatibok ng puso ko sa sobrang kaba sa dibdib.

At ang isang bagay pa ang siyang nagbigay sa akin ng problema ay hindi ko na talaga mahanap ang daanang pabalik. Tuluyan na nga akong nawala.

Nakaramdam ako ng takot, nadagdagan ang kaba ko sa dibdib.

Agad akong tumakbo nang mabilis. Nagpakalayo-layo...


(itutuloy...)

Tuesday, June 16, 2015

Nalilito Chapter 05

"MASAYA AKONG NAKASAMA KITA RITO," malambing ang boses niya habang nakatitig sa akin.

Bahagya akong napatango.

"Bakit mo ako dinala dito?" tanong ko kay Rodel.

Matagal bago siya nakapagsalita. "Gusto kitang... makasama. Masama ba?" tumingin siya sa akin saka muling yumuko.

Katahimikan.

"Uminom tayo ng wine!" paanyaya ni Rodel nang maramdamang may namumuong tensyon sa pagitan naming dalawa.

Hawak ko na ang dalawang balsa para bumalik muli sa lupa nang napahinto ako sa pagbukas niya sa isang maliit na kahon sa gilid. Pagbukas, nakita ko rito ang isang bote ng wine at dalawang baso na nakaayos at magkatabi. Hindi na kailangan pang bumalik sa lupa.

"Ayos yan, ah?!"

Nagtawanan kaming dalawa. Binigyan niya ako at kumuha siya para sa sarili. Ninamnam namin ang iniinom na wine habang nakarelax sa bangka, sa gitna ng malamig na lawa.

"Siguro, dinala mo na dito ang syota mo, tama?" tanong ko.

Natawa siya saka lumungon sa akin. "Hindi pa. At wala pa kahit isa."

Natahimik ako. Ano kaya ang ibig niyang sabihin?

"Kapag madadala ako ng ibang tao rito, gusto ko, siya na ang taong nararapat para sa akin. Ang isang tao na hinintay ko ng matagal na panahon, na siyang makakasama ko sa panghabangbuhay."

Napa-'wow' ako sa narinig, at nasaktan nang kaunti. Ewan ko ba kung bakit. Ang maliwanag sa narinig ko ay hindi ako ang makakasama niya sa panghabangbuhay.

"Sabihin mo nga, may ibang tao ka pa bang dinala dito maliban sa akin?" tanong ko.

Nakayuko siya habang tinitignan ang hawak na baso nang muli siyang napangiti sa akin saka nanahimik. Hindi ko alam kung bakit ko itinanong sa kanya ang bagay na iyon.

"Oo, meron na," sagot ni Rodel. "At siya na ang masasabi kong 'right' na para sa akin," masaya niyang sagot, bakas sa mukha niya ang kasiyahan na noon ko lang nakita.

Masaya ako dahil, ang alam ko, ako pa lang ang ibang tao na una niyang dinala sa ganitong mala-paraisong lugar--ito ang inaasahan ko--pero mali pala. Oo, may gusto ako kay Rodel kaya ako umaaasa sa kanya pero nadismaya lang ako dahil may iba na pala siyang dinala rito maliban sa akin. At kung sino man ang dinala niya rito, malamang, ay napakasuwerte niya para kay Rodel. Sana ay masaya ang pagsasama nilang dalawa kung sino man siya.

"Sino siya?" tanong ko na may pagpapangap na masaya. Pinipilit kong itago ang dismaya.

Tawa lang ang isinagot niya. "Ikaw... Carl..."

Nahinto ako at muling inalala ang sinagot.

"Ikaw... Carl..."

Nabigla ako sa sinabi niya. Kumbaga sa tubig na napuno sa balde, pinigilan ko ring madala sa bugso ng aking nararamdaman para sa kanya. Pero hindi ako nagtagumpay sa pagsalo ng umaapaw kong damdamin.

"S-sigurado ka?"

"Oo, ikaw Carl! Ikaw pa lang ang una kong dinala rito!" saka siya tumawa. At dahil sa tuwa, napagtanto kong may gusto rin siya sa akin dahil dinala niya ako sa isang mala-paraisong lugar tulad nito. Sobra akong natuwa sa ginawa niya!

Tumatawa siya nang bigla akong gumapang sa kanyang harapan saka ko siya binigyan ng halik sa labi. Biglaan ang lahat na hindi ko inaaasahan. Hinalikan ko si Rodel ng buong puso at sobrang pusok.

Humiwalay ako sa pagkakahalik sa kanyang labi saka kami nag-ngitian. Alam kong nabigla ko siya sa ginawa ko noong una kaya naman, bigla din niya akong itinulak para mapahiga saka niya ako muling sinuguran ng mainit na halik sa labi.

Dahil sa bilis ng mga pangyayari, hindi ko na namalayan pa ang paghubad ni Rodel ng kanyang t-shirt at pantalon saka isinunod ang sa akin.

Naglaban muli ang aming mga labi at dila. Gumapang ang mga kamay ni Rodel sa iba't ibang bahagi ng aking katawan dahilan para makaramdam ako ng kakaibang kiliti hanggang sa ako'y kanyang mahubaran. Halos matulala ako nang masilayan naman ang buong ganda ng kanyang katawan nang makitang pantakip na lang sa pag-aari niya ang natirang suot habang nakabukol, na siya pa lalong nagpasabik sa akin na maangkin ang kanyang katawan.

Pumatong na si Rodel sa akin. Nadama ko ang pagdikit ng nagbubukol naming pag-aari nang ito'y pagtapatin niya saka idiniin. Pareho kaming nagkahipuan at nagkakapaan. At sa mga sandali ring iyon ay tuluyan na ngang pinakawalan ni Rodel ang pagkalalake nitong naghuhumindig sa laki at taba na halos hindi ko masukat, namumula ang makinis nitong ulo, naglalaway sa kasabikan, at talaga nga namang kasabik-sabik na halos hindi ko na mahintay. Handa na upang sakupin at pasukin ang aking puri.


(itutuloy...)

Sunday, June 14, 2015

Nalilito Chapter 04

"GUSTO KONG MAMANGKA!" may tuwa at pananabik kong sinabi sa kanya.

Sumakay kami sa isang maliit na bangka na sadya talaga para sa dalawa. Pag-upo ni Rodel ay pumwesto siya paharap sa akin at hindi kumibo.

"Hindi ako marunong mamangka," nahihiya kong sinabi.

Bahagya siyang natawa. "Akala ko ba, marunong ka."

Hawak ko na noon ang dalawang balsa nang bigla ko itong binitiwan sa paghawak niya sa kamay ko para turuan.

"H-huwag kang matakot," sabi niya. "Tuturuan kita."

"Malamig yang kamay mo."

Pagpapacute na tingin at ngiti lang ang isinagot niya sa akin. Ewan ko ba kung bakit niya ginagawa iyon sa akin pero hindi ko na pinansin pa.

Muli niyang hinawakan ang dalawa kong kamay na nakahawak na sa dalawang balsa. Muli kong naramdaman ang lamig ng kanyang kamay na siyang nagpakalma sa kinakabahan kong dibdib. Nakakapit ito ng mahigpit sa akin na parang nagsasabi sa akin na nakasisiguro akong ligtas sa malambot niyang kamay.

"Huwag kang matakot. Aalalayan kita."

Kinabahan na ako ng kaunti. Nagduyan na ang aming mga kamay at nagsimulang magbalsa. Paulit-ulit naming ginawa iyon hanggang makarating kami sa pinakagitna ng lawa. Pareho kaming medyo hiningal kaya naman naisipan naming magpahinga sa gitna.

Habang nakahinto ang bangka ay isinawsaw ko ang kamay sa tubig at dinama ang mala-yelo nitong lamig na lalo pang nagpagising sa inaantok ko pang diwa. Sobrang lamig!

Umihip ang malamig na hangin dahilan para ginawin ako. Nakita ni Rodel kung paano ako magtakip ng katawan kaya naman, ibinigay niya sa akin ang hinubad niyang coat.

"Isuot mo, para di ka ginawin," pag-aalok niya. "Hindi ko maisusuot yan sa'yo," dugtong niya.

Ngiti lang ang naisukli ko sa kanya. "Salamat!" sabi ko. Di ko tuloy maiwasang pagmasdan ang malaki nitong katawan na bumakat sa panloob nitong t-shirt. Nakakahulog, ang ganda ng katawan niya!

Sabay kaming napatingala sa makulimlim na kalangitan nang muling umihip ang malamig na hangin. Hinayaan lang namin na iduyan kami ng hangin sa sinasakyang bangka na para talagang nakasakay sa isang duyan. Ang nakakarelax na ganitong pakiramdam ang siyang nagpasandal sa akin sa inuupuan ko saka napapikit. Napakapayapa ng lahat kaya naman, ninamnam namin ang mga sandaling ito nang kaming dalawa lang...

Sa pagpikit ko ay muli kong naalalang may 'Rodel' pala akong kasama na malamang ay nakatingin sa akin habang nakapikit ako. Agad kong inimulat ang mga mata saka tinignan si Rodel na noon pala ay nakatingin na nga sa akin na hindi ko namamalayan, at kanina pa pala pinagmamasdan ang mag-relax ng ganoon sa kanyang harap.

Nagbanggaan kami ng tingin. At sa mga sandaling iyon ay bigla akong napaisip: kailangan ko na munang isantabi ang ano mang sumasalungat sa aming dalawa. Kalilimutan ko muna na isa akong lalake habang nakaharap sa isang kaibig-ibig at napakagandang lalake na tulad ni Rodel. Nangungusap ang mga mata niya na nakatingin sa akin at parang ang dami niyang gustong sabihin mula sa kaibuturan ng kanyang puso.

Ngumiti lang siya... saka lumapit sa akin nang bahagya...


(itutuloy...)

Friday, June 12, 2015

Nalilito Chapter 03

Note: Bago ang lahat, Happy Independence Day po sa lahat ng pagmumukha natin! Salamat sa mga bayaning nagbigay laya sa ating bansa sa kamay ng mga Kastila. Ang 'Kastila' na nagsilbing ex mo na nagbigay laya na sa iyo kaya single ka ngayon. Hayaan mo na, happy independence day talaga ito para sa atin kahit na hindi mo matanggap na ipinagpalit ka niya sa taong may ulong mukhang paa!

- - - - -

NAGBIYAHE KAMI NG DALAWANG ORAS HANGGANG MAKARATING SA ISANG MAGANDANG LIBLIB-POOK. Nakarating kami sa isang lumang aristocratic British-style mansion na hindi ko akalaing mayroong ganito sa Pilipinas. Halos makuha na nito ang hininga ko sa pagkamangha hanggang sa bumaba kami sa kotse niya. Marunong ding makisama ang lamig at kaunting ambon ng umaga.

"Maligayang pagdating sa bahay ko!"

"B-bahay???" inilibot ko ang paningin ko. "Bahay mo ito?"

Ngiti lang ang isinagot niya sa akin bilang oo, saka niya ako kinindatan. Oo, aaminin kong ang cute niya nang ginawa niya iyon. Kailangan kong magpigil ng nararamdaman dahil gusto kong sumigaw sa saya, kahit na mali ang nararamdaman ko ngayon. Ang ginawa ko ay nanahimik na lang.

"Anong masasabi mo?"

Hindi ako kaagad nakapagsalita. "S-sobrang ganda!" sagot ko. "Ang ganda dito Rodel! Nagustuhan ko dito!"

Tumawa siya.

"Halika, ililibot kita," nakangiting pag-anyaya niya sa akin.

Sumama ako sa kanya.

Inilibot niya ako sa buong paligid ng kanilang mansyon. Ayos naman ang paligid, maganda ang lahat at mukhang alagang-alaga. Mula sa malaking mansyon, malawak na gulayan, hardin ng mga namumulaklak, malawak na damuhan, at may sariling gubat malapit sa bakuran. Sa sobrang mangha sa lahat ng nakikita ay hindi ko namamalayang nakikisabay na pala ako sa kanyang mga tawa, lalo na ang pag-akbay niya sa akin na siyang nagpa-chill sa akin.

Habang naglalakad ay biglang pumasok sa isip ang isang magandang love song para sa aming dalawa na naglalakad sa isang mala-paraisong lugar tulad nito. Lahat ng maaaring makita ay puro luntian kasama ang mga namumulaklak na halamang sadyang nakatanim sa gilid ng daan na tila'y umaayon sa aming damdamin... at sa damdamin ko para kay Rodel.

Sa gitna ng katahimikan ng buong paligid, tawanan lang namin ni Rodel ang maririnig, kasabay ng mga humuhuning ibon. Patuloy lang kami sa paglalakad habang pinagmamasdan ang grupo ng mga malalagong bulaklak ng Narra, Caballero, Golden Shower, Palawan Cherry Blossoms na doon ko lang nakita, at mga mababangong puno ng Ylang-ylang, hanggang makarating sa isang malawak na lawa.

Sa gilid ng lawa ay mayroong plank papunta sa nakaparadang bangka. Tinignan ko si Rodel dahil may gusto akong sabihin sa kanya na gusto kong gawin. Napatingin din siya sa akin, na parang agad niyang nabasa ang ibig kong sabihin...


(itutuloy...)

Thursday, June 11, 2015

Nalilito Chapter 02

WALANG INGAY ANG NAMAGITAN SA AMIN NI RODEL. Pareho kaming magkaharap pero hirap akong gumawa ng paksa para kami'y magkausap. Ninanakawan ko siya ng tingin na siya ko ring nahuhuli sa kanya. Idinadaan na lang namin ito sa pag-inom ng alak.

Katahimikan.

Muling nagbanggaan ang aming paningin pero hindi siya umiwas ng tingin tulad ng ginawa ko.

"May syota ka na?" tanong niya sa akin.

Nangapa ako ng sagot, "W-wala pa... kahit kailan," sabay tikim sa alak saka siya tumango.

Tumingin lang ako sa kanya... na siya naman nitong sinalubong ng tingin.

"Kung magiging babae lang ako, liligawan kita," saka siya tumawa.

Natawa ako, "Tama ba ang narinig ko?"

"Oo."

"Bakit?"

"Sa ganda mong lalake, wala kang naging syota?" uminom siya ng alak saka natawa. "Imposible."

Balik sa katahimikan. Noon ko lang napansin ang ingay ng mga kulisap at kuliglig sa paligid.

"E ikaw?" ibinalik ko sa kanya ang tanong.

"Isang linggo na kaming wala. Iniwan niya ako para sa isang sundalo," napangiti siya ng hilaw. "Iyon ang pangarap niya sa akin pero hindi ko sinunod. Gusto niya kaming ikasal pero hindi naman daw ako sundalo. Palibhasa kasi, sundalo ang tatay niya."

Ngumiti lang siya ng may bahid ng sentimental. Uminom siya ng alak saka yumuko ng bahagya.

Lumipas pa ang ilang minutong hindi kami nagtatagal sa iisang paksa. Mabuti na lang at marunong makisama sa amin ang alak, at hindi kaagad ito nauubos upang ipangpawi sa nanunuyo kong lalamunan. Unti-unti na ring nawawala ang pagkailang ko kaya lagay-loob na ako sa kanya kahit kanina lang kami nagkakilala.

"Kung babae lang din ako, liligawan kita!"

Napahinto siya sa muling pag-inom ng alak saka napatingin sa akin. Napakunot siya ng noo, lagot! Nabigla ako sa nasabi ko dahil kahit pabiro kong sinabi iyon sa kanya ay may halo itong katotohanan. Oo, gusto ko siya at ayokong malaman niya ang bagay na iyon dahil lang sa iniwan siya ng kanyang minamahal at kailangan niya ng aking kalinga upang punan ang nawalang pag-ibig. At ayokong magkaroon ng lugar sa kanyang puso, kung kailan sariwa pa ang sakit ng kanyang buhay pag-ibig. Ang tingin ko tuloy sa sarili ay oportunista dahil umaasa nga akong mapasakanya kahit hindi naman talaga iyon mangyayari sa tunay na buhay.

"Ay, hindi! Ang ibig kong sabihin ay--"

"Carl..." sabi niya habang nakayuko. Sandali akong natigil saka siya tumingin sa akin. "May gusto akong ipakita sa iyo. Gusto mo bang sumama sa akin?" tanong niya. Kita ko sa kanyang mga mata ang pag-anyayang hindi ko kayang tanggihan.

Napatingin ako sa suot kong relo, malapit na palang mag-alas kuwatro ng umaga na noon ko na lang namalayan.

Tumango ako bilang tugon. Binalewala ang nasabi ko na narinig niya at agad na sumakay sa kotse ni Rodel saka umalis.


(itutuloy...)

Tuesday, June 9, 2015

Nalilito Chapter 01

HATINGGABI, makalipas ang sampung sandali.

Wala nang tao nang madatnan ko ang mini-garden na ginawang reception place ng kasal ni kuya. Kahit medyo madilim, buhay pa rin ang ganda ng garden sa nakasinding ilaw na nagkalat sa paligid, mga bote ng alak, at ang maliit na aquarium na may iba't ibang kulay ng ilaw. Payapa na muli ang buong paligid maliban sa puso kong tumitibok ng napakabayolente.

Oo, bayolente, dahil sa isang lamesa na kanina'y inuupuan ko. Sa may gitna nito sa bandang kaliwa ay nakatabi ko rito ang best man ni kuya na si Rodel. Kanina ko lang siyang nakilala na siyang dahilan nang biglaang pagbago ng takbo ng aking puso, isip, at pananaw sa sarili.

Oo, mahal ko na siya.

Papasok na sana ako sa rest house ni kuya nang makita ko silang dalawa na masayang nag-uusap. Dito na niya ako tinawag saka ipinakilala kay Rodel nang pormal na siya pang nagbigay sa akin ng alak.

"Para sa pagkakaibigan!" sabi ni Rodel.

Hindi ko na binitiwan pa ang pagtingin ko sa kanya. Hindi niya ako pinapansin kahit nakapaikot kami sa iisang lamesa. At sa likod nito, natutuwa ako nang muli ko siyang makaharap nang malapitan. Sa ngayon ay malapit na talaga. Ang ganda niyang panoorin na tumatawa habang nakalitaw ang dalawa nitong dimples, ang ganda ng kanyang mga mata, tangos ng ilong, medyo pa-square shape na hugis ng mukha pababa sa baba, at labing mapula na parang hindi pa yata nakakatikim ng isang halik.

Suot niya ang dark blue coat, at mayroong tie na kulay dilaw na mas lalo pang bumabagay para sa malaki niyang katawan. At ang kamay niyang parang kandila sa puti ay bumabagay sa paghawak niya ng baso--lalakeng lalake!

Bahagyang umihip ang malamig na hangin dahilan para mailugay ang nakataas nitong buhok na tumakip sa kanyang noo. Mas bumagay iyon sa kanya dahil nagmumukha siyang inosenteng binata: maamo, at walang kasabit-sabit. Napakamaamo at nakakahulog ng damdamin. Gusto ko na siya pero hanggang pangarap ko lang ang damdamin kong ito dahil pareho kaming lalake.

Oo, hindi talaga maaaring magmahalan ang dalawang lalake. Mas nangingibabaw ang damdamin kong magmahal ng isang tulad niya pero hindi ito maaaring mangyari.

"Honey, halika na. Tulog na tayo!" tawag ng asawa ni kuya.

"Enjoy pare! Pasukin nang dahan-dahan hanggang sa maabot ang rurok," pagbibiro pa ni Rodel.

"Gago!" sabi ni kuya na patawa.

"Saka iputok sa loob... para sa akin! Nakatuwad ha!" sabay tawa ni Rodel nang malakas.

"Sige!" ibinaba ni kuya ang baso saka naglakad papalayo sa amin. "Thanks pare! Para sa iyo!" sagot ni kuya.


(itutuloy...)

Monday, June 8, 2015

Pangatlo

Dear blog,

Hello sa pagmumukha mo! Happy 3rd year anniversary/birthday (o kung ano pa man yan) sa'yo! Ang saya-saya naman kasi tatlong taon ka nang nasa bakuran ng internet! Hindi ko namalayan iyon sa dami ng nangyari but anyway, good day pala!

Salamat pala dahil sa iyo ko na-discover na hindi ko na pala kailangang mag-aral pa ng pagsusulat para maging magaling na writer. Dapat ko ring palasamatan ang mga taong nagpadama sa akin ng stess at depression dahil sa kanila ko rin natutunang kausapin ang sarili gamit ang panulat at papel. Salamat dahil ikaw ang naging takbuhan ko sa tuwing nalulungkot ako o masaya sa lahat ng oras. Salamat dahil, nagkaroon ako ng ilang mga kaibigang mga kapwa ka-co-blogger. Dito ko natutunang pakawalan ang isip sa napakaraming opurtunidad na maaari kong matutunan at malaman. Meron pa! Salamat dahil natuto akong mangarap ng maliit na bagay na sa pagsusulat ko lang natutupad. Alam kong balang araw ay maisasakatuparan ko rin ang mga iyon kahit napakaimposible yata, at oo nga pala! Salamat dahil sa iyo ako unang nagkaroon ng kauna-unahang award sa pagsusulat! Maituturing ko itong once in a lifetime success sa pagsusulat para sa akin, at masaya ako para doon!

Sa ngayon, gusto ko namang humingi ng paumanhin dahil... unang-una ay hindi ako naging matured enough pagdating sa pagsusulat. Hindi ako nagpakaprofessional sa pagsusulat at para sa iyo. Napakatanga ko talaga sa mga nagawa ko sa iyo kaya nagmumukha kang piso-piso sa audience dahil sa akin. Pasensya na talaga, lalo na sa tatlong nobelang pansamantala kong itinago. Itinago ko iyon sa dala ng takot sa pagpupuna ng mambabasa, sa sariling kakayahan, at sa personal kong kabobohan. Kung pagbibigyan man ulit ako ng pagkakataon ay muli ko itong ipapaskil sa iyo kapag nagkaroon na ako ng oras at tapang. At pasensya ka na rin pala kung nagiging malanding lalake ako sa iyo na kung makaasta sa mga sinasabi e parang babae o binabae... pero tanggap naman yata yan dito sa blogging industry. Pasensya na kung gipit-gipit din ako sa ideya, inspirasyon, at gana sa pagsusulat. Ito kasi ang mga posibleng panahon na magulo ang buhay at pag-iisip ko. Hindi rin naman kasi ako ganoon kagaling magsulat dahil part-time lang ang pagsusulat sa mga tulad kong estudyante ng kolehiyo, at aminado ako dito na nahihirapan din ako. Pero gagawin ko pa rin ang the best para masaya!

At sa huli, sana ay mas marami pa akong maisulat ng kung anu-ano, makapagsulat pa ng mga nobela, dumami ang award sa pagsusulat tulad noong una (kung meron pa man, sana!), at magtagal pa ng maraming taon kahit na kaunti o walang masyadong mambabasa. Ang importante kasi e yung mai-express ko ang ano mang nararamdaman ko sa pamamagitan mo, at sa pamamagitan ng pagsusulat.

Again, happy anniversary/birthday sa iyo, JQW! Mabuhay ka, humayo't magpakabongga, at magpaka-wild to the highest at maximum levelatious!

To you, with love,
Jay Calicdan.