Tuesday, June 9, 2015

Nalilito Chapter 01

HATINGGABI, makalipas ang sampung sandali.

Wala nang tao nang madatnan ko ang mini-garden na ginawang reception place ng kasal ni kuya. Kahit medyo madilim, buhay pa rin ang ganda ng garden sa nakasinding ilaw na nagkalat sa paligid, mga bote ng alak, at ang maliit na aquarium na may iba't ibang kulay ng ilaw. Payapa na muli ang buong paligid maliban sa puso kong tumitibok ng napakabayolente.

Oo, bayolente, dahil sa isang lamesa na kanina'y inuupuan ko. Sa may gitna nito sa bandang kaliwa ay nakatabi ko rito ang best man ni kuya na si Rodel. Kanina ko lang siyang nakilala na siyang dahilan nang biglaang pagbago ng takbo ng aking puso, isip, at pananaw sa sarili.

Oo, mahal ko na siya.

Papasok na sana ako sa rest house ni kuya nang makita ko silang dalawa na masayang nag-uusap. Dito na niya ako tinawag saka ipinakilala kay Rodel nang pormal na siya pang nagbigay sa akin ng alak.

"Para sa pagkakaibigan!" sabi ni Rodel.

Hindi ko na binitiwan pa ang pagtingin ko sa kanya. Hindi niya ako pinapansin kahit nakapaikot kami sa iisang lamesa. At sa likod nito, natutuwa ako nang muli ko siyang makaharap nang malapitan. Sa ngayon ay malapit na talaga. Ang ganda niyang panoorin na tumatawa habang nakalitaw ang dalawa nitong dimples, ang ganda ng kanyang mga mata, tangos ng ilong, medyo pa-square shape na hugis ng mukha pababa sa baba, at labing mapula na parang hindi pa yata nakakatikim ng isang halik.

Suot niya ang dark blue coat, at mayroong tie na kulay dilaw na mas lalo pang bumabagay para sa malaki niyang katawan. At ang kamay niyang parang kandila sa puti ay bumabagay sa paghawak niya ng baso--lalakeng lalake!

Bahagyang umihip ang malamig na hangin dahilan para mailugay ang nakataas nitong buhok na tumakip sa kanyang noo. Mas bumagay iyon sa kanya dahil nagmumukha siyang inosenteng binata: maamo, at walang kasabit-sabit. Napakamaamo at nakakahulog ng damdamin. Gusto ko na siya pero hanggang pangarap ko lang ang damdamin kong ito dahil pareho kaming lalake.

Oo, hindi talaga maaaring magmahalan ang dalawang lalake. Mas nangingibabaw ang damdamin kong magmahal ng isang tulad niya pero hindi ito maaaring mangyari.

"Honey, halika na. Tulog na tayo!" tawag ng asawa ni kuya.

"Enjoy pare! Pasukin nang dahan-dahan hanggang sa maabot ang rurok," pagbibiro pa ni Rodel.

"Gago!" sabi ni kuya na patawa.

"Saka iputok sa loob... para sa akin! Nakatuwad ha!" sabay tawa ni Rodel nang malakas.

"Sige!" ibinaba ni kuya ang baso saka naglakad papalayo sa amin. "Thanks pare! Para sa iyo!" sagot ni kuya.


(itutuloy...)

No comments:

Post a Comment

Thank you for reading!
Hope to hear from you. Don't forget to share!
Follow us on FeedBurner
Like Jay's Quirky World on Facebook! Thank you! ^_^