Friday, July 10, 2015

Babala

Friday, July 10, 2015
09:20 a.m.
Pumasok ako ng maaga. Kailangan kong magmadali dahil mahuhuli na ako sa klase. Ang problema ko nga lang ay malakas ang ulan.

Inisip ko na lang na papasok ako kahit rain or shine.

Ngunit... hindi pa ako nakakapasok ng gate ng unibersidad, agad akong hinarang ng guwardya. Hero na naman kaming dalawa. Ako kasi ang suki ng sitahan pagdating sa pagsusuot ng I.D. Lagi kasing wala sa akin eh.

"Kuya Guard. May I.D. naman po ako ah. Papasukin niyo na po ako. Mahuhuli na po ako sa klase," nagmamadali kong pakiusap.

Nagtatakang tumingin sa akin ang ibang estudyanteng nakatayo sa labas ng gate. Tinatawanan yata ako.

"Brad," sabi sa akin ni kuya Guard. "Hindi mo ba alam ang balita? Wala po tayong pasok!"

Hanggang sa may nag-text sa cellphone ko, unedited:

DON_BOSCO ATTENTION: FROM THE OFFICE OF THE MAYOR: Classes are suspended in ALL levels today, July 10, 2015. Stay safe. God bless.

Naku, nahuli ang babala. Sayang ang pamasahe. Sayang ang oras. Sayang na ang lahat ngayong araw.

No comments:

Post a Comment

Thank you for reading!
Hope to hear from you. Don't forget to share!
Follow us on FeedBurner
Like Jay's Quirky World on Facebook! Thank you! ^_^