Wednesday, July 1, 2015

Isang Linya

Mag-asawa na kami ni Kurt at masaya na kaming nagsasama. Nagpapasalamat nga kaming dalawa dahil nabasbasan na rin sa wakas ng aming mga magulang ang pag-ibig naming dalawa. Ang ganda ngang pagmasdan dahil parang isang kathang-isip na kuwento lang ang ganda ng pagmamahalan namin. Nagbiro pa nga ang papa na agad nang humihiling ng apo pero masayang tawanan lang yata ang aming isinagot. Paano ba naman kasi, hindi pa kami handang magka-anak. Balak muna naming mag-ipon bago ibigay ang hinihiling ng papa.

- - - - -

Lumipas ang tatlong taon, ang pinakahihintay namin--lalo na ni papa at ng aming mga magulang--ang magkaanak na kami ni Kurt.

Halos hindi ko malaman kung ano ang gagawin. Ipinaubaya ko na kay Kurt ang ibigay sa kanya ang lahat at sa kanya ay magtiwala. Unang gabi iyon na hindi ko malilimutan: ang ibigay namin ang mga uhaw at nag-iinit naming mga katawan sa isa't isa.

Nag-isa ang aming katawan sa pag-uugnayan namin. Damang-dama ko ang ubod ng laki ng sa kanya, at ang sobrang sakit at hapdi ng aking kalamnan pagpasok niya rito, habang siya'y naglalabas-pasok sa aking puri. Ang makipot kong puri na pilit niyang pinapasok gamit ang kanyang sandatang panglalake na nagbibigay sa amin ng makamundong kaligayahan.

Sunod-sunod na ungol ang nangibabaw sa aming dalawa. Bawat kamay ay patuloy na lumilibot sa saan mang sulok ng aming katawan. Maiinit na halik din ang aming pinakawalan habang kami'y sabik sa isa't isa. Nagbabaga ang aming mga sandali't ligaya na halos ayaw nang magpaawat, hanggang sa magsabog ang kanyang pagkalalake ng punla ng buhay sa loob ng aking puri. Hindi sapat ang malamig na hanging pumapasok sa nakabukas na bintana upang ipangpawi sa nagbabaga naming katawan.

- - - - -

"Isang linya ang lumabas..." malungkot kong sinabi.

Katahimikan. Nakatingin lang si Kurt sa akin pagpasok ng bahay, galing sa trabaho.

"Bakit may pregnancy test ka? Sinong buntis?"

"Ako Kurt. Binuntis mo ako!" pagdidiin ko. Dama ko sa mga salita niya na parang ayaw niya kaming magka-anak.

Tumawa lang ito nang masaya at nakakaloko na may lamang maka-demonyong pangkukutya. Mapang-alaska ang tawang iyon na dapat lang yata talaga sa akin.

"Sira ulo ka!" nasaktan ako sa sinabing ito ni Kurt, ramdam ko ang panlalamig niya sa akin. "Hindi ka talaga mabubuntis kasi lalake kang walang matris! Bakla ka talaga mahal ko!" saka ito tumawa na nakakainis.

No comments:

Post a Comment

Thank you for reading!
Hope to hear from you. Don't forget to share!
Follow us on FeedBurner
Like Jay's Quirky World on Facebook! Thank you! ^_^