Monday, August 10, 2015

Utang na Loob

Taong 2011, tag-init.

Sa kauna-unahang pagkakataon, nagkita rin kami sa wakas ng tita kong halos sampung taon ko nang hindi nakita. Siya ang tita kong mayroong mahabang pasensya sa kabila ng matindi kong kapasawayan noong kabataan sa tuwing ako ay kanyang inaalagaan. Pareho kaming natuwa dahil na-miss talaga namin ang isa't isa.

Siya si tita M.

Bumaha ng kumustahan at balitaan hanggang umuwi kami sa bahay ni Mr. C--ang kanyang mabuting asawa na isang British--doon sa Eastwood Residences.

Doon ko nakita ang pinsan kong lalake, si P. Nadatnan ko siyang nagbababad sa harap ng computer para mag-internet. Niyaya niya akong kausapin ang isa naming tito sa Australia na si tito B.

Nagkataong dumating naman si tita J, ang all-time favorite kong kabalitaan at ka-chismisan sa tuwing uuwi ako sa kanila noong kabataan hanggang ngayon. Niyaya siya ni pinsan kong si P na kausapin ito upang mangumusta.

"Hay nako! Huwag na!" Nabigla ako sa sinabi ni tita J saka siya humiga sa malambot na kama. "Hindi na kailangan!" dagdag pa niya.

Nagtaka ako.

"Hay, Diyos ko! Utang na loob!"

At doon ko nalaman ang ibig niyang sabihin--wala daw utang na loob si tito B matapos siyang suportahan ni tita J papunta sa Australia!

"Hay! Utang na loob!"

- - - - -

DISCLAIMER: I didn't mentioned any names so stop being paranoid, please.

No comments:

Post a Comment

Thank you for reading!
Hope to hear from you. Don't forget to share!
Follow us on FeedBurner
Like Jay's Quirky World on Facebook! Thank you! ^_^