Wednesday, September 16, 2015

Autism

Nadatnan ko siyang tahimik sa isang sulok. Hindi siya makausap ng matino dahil tutok na tutok siya sa kanyang laptop.

Sinubukan ko siyang kausapin subalit hindi niya ako kinausap. Halata sa itsura niyang wala siyang pakialam sa ano man ang nangyayari sa kanyang paligid. Parang wala siyang naririnig, kahit isang ingay. Balewala sa kanya ang matitinding ingay sa kanyang paligid na maaaring gumambala sa kanya.

Pinagmasdan ko siya sa pagmamaneobra niya ng kanyang laptop. Nainggit ako dahil napakagaling niyang gumamit nito. Mabilis siyang mag-type, ang galing niyang gumamit ng feather-touch na mouse, at ang ganda ng kanyang pustura sa paghawak nito.

Muli ko siyang kinausap, "Puwedeng patingin?"

Nakita niya ako at dali-daling itinago ang screen ng kanyang laptop.

Napabuntong hininga na lang ako.

Pero... may nakita akong lumapit sa kanya. Sinabihan ko itong huwag lumapit rito ngunit sa pagkakataong iyon, hindi siya nakinig sa akin.

Nasa malayo na ako nang muli ko itong tinignan. Nakita kong inaasar siya ng taong lumapit sa kanya ngunit wala pa rin itong pakialam, hanggang sa hinawakan ng lumapit ang dulo ng laptop nito saka ito naglikha ng isang malakas na sigaw.

Nagwala siya. Galit na galit.

Sa sobrang galit, itinupi nito ang kanyang laptop saka hinampas sa mukha ng taong nanggulo sa kanya. Tumama ito sa mukha saka nagkapira-piraso itong nalaglag sa lupa.

Tulad ng una kong inakala, mayroon nga siyang Autism.

2 comments:

  1. Replies
    1. Ay, wala tayong magagawa sa mga client na may ganyan Ms Beki. The only thing that we should do is to understand their situation and care sa mga mayroong ganyang uri ng mental illness. Yes, they are uncontrollable sometimes pero maaari natin silang ma-therapy :D

      Delete

Thank you for reading!
Hope to hear from you. Don't forget to share!
Follow us on FeedBurner
Like Jay's Quirky World on Facebook! Thank you! ^_^