Thursday, September 24, 2015

Bulabog

Gabi.

Kasalukuyan akong naglalakad pauwi ng bahay nang makita ko ang oras. Malapit nang sumapit ang oras ng ika-sampu ng gabi kaya nama'y agad akong nagmadali sa paglalakad sa madilim at malubak na daan.

Wala akong ibang naririnig maliban sa yabag ng aking sapatos, at sa ingay ng mga kulisap na nasa mga talahib at puno na nadaraanan. At maliban dito, tanging kumukuti-kutitap na mga bituin sa langit lamang ang nakikita sa kabila ng walang hanggang kadiliman ng buong paligid.

Hindi ko naiwasang mag-isip ng kung anu-anong mga bagay na maaaring magpatibag ng tapang at lakas ng loob ko. Nariyan kasi ang maglalakad ako nang dahan-dahan sa tuwing naiisip ko ang isang babaeng nakatingin at sumusunod sa aking likuran habang nakalutang sa ere na may duguang katawan. Ang babaeng iyon na mayroong duguang bunganga na ipapakita niya sa akin at saka manghahabol sa kadiliman.

Saglit akong huminto. Pinakiramdaman ang sarili.

Sandaling umihip ang napakalamig na hangin sa maalinsangang gabi. Agad akong tinayuan ng balahibo hanggang anit nang dahan-dahan akong lumingon sa likod. Ito ang magandang paraan upang siguraduhing may sumusunod nga sa akin... pero wala.

Mabuti naman. Napabuntong-hininga ako at nakahinga nang maluwag.

Hindi nahinto ang isip ko sa pag-iisip pa ng ibang mga lamang-lupa na maaari kong masalubong ano mang oras. Oo, natatakot ako pero kinakaya kong umuwi ng bahay nang matiwasay... na walang takot sa isip at dibdib hangga't maaari.

Muli akong napahinto sa mas madilim na parte na daanan. Sandali akong nakiramdam at nagmanman sa paligid bago mapansin ang isang munting liwanag na nasa likuran ng malaking puno na siyang kumuha ng aking pansin.

May matinding takot at kaba man ay lakas-loob kong sinuong ang mumunting talahiban bago ko marating ang malaking puno. Isang misteryo't palaisipan ito para sa akin kung ano man ang isang bagay na nasa likuran nito na gusto kong malaman.

Isang lamang lupa? Hindi ko alam.

Isang matandang kuba na may lampara? Hindi ko rin alam.

O isang mahiwagang nimpa na sa libro ko lang nasilayan? Mukhang imposible na iyon.

Hindi ko pa nararating ang malaking puno nang mayroon akong narinig na isang ungol na nanggaling sa hindi malamang lugar. Isang nakakatakot na ungol na siyang nagpagimbal sa akin. Nagpigil akong sumigaw sa hindi malamang dahilan samantalang ako lang naman ang mag-isa roon. Kailangan kong mag-pigil.

Nagpatuloy ako. Dahan-dahan akong sumilip. Hanggang sa malantad sa paningin ko ang isang lalake at babae na marahas na nag-tatalik sa likod ng matataas na talahiban.

Huli!

Napaatras ako sa pagkabigla dahilan para matapakan ko ang malutong at tuyong sanga ng puno. Naglikha ito ng isang malakas na ingay na kanilang narinig.

Agad akong inilawan ng flashlight ng lalake habang abala sila sa paglalagay ng saplot sa kanilang katawan. Nahuli nila ako at napasigaw ang babae pagkakita sa akin. Gusto ko sanang humingi ng paumanhin dahil nabulabog ko sila pero napatakbo ako papalayo sa kanila.

2 comments:

  1. Kinabahan ako sa umpisa, akala ko horror. Ngunit nang mabasa ko yung word na 'ungol', napaisip ako ng kaunti at nagkaroon ako ng konting ideya. Nung nabasa ko yung word na 'naghahalikan', tama nga ang naisip ko. lol

    P.S. Nais ko po sanang makatanggap ng email sa tuwing may bago kang post, notification ba. Magagawa po ito sa pamamagitan nito:
    •Pumunta ka po sa Blogger.com.
    I-click niyo po yung Settings > Mobile and Email. And then isulat mo po sa box (na may label na Email posts to) ang aking email ad na anonymousbeki@gmail.com

    Maraming salamat po.

    ReplyDelete
    Replies
    1. May twist? Ahahaha!!! 'Yan din ang sinabi ng frined ko here.

      Yeah. Sure :D I will!

      Delete

Thank you for reading!
Hope to hear from you. Don't forget to share!
Follow us on FeedBurner
Like Jay's Quirky World on Facebook! Thank you! ^_^