Tuesday, September 8, 2015

Huling Liham

Dear papa,

Hindi ko na po kayo makilala.

Kumusta na po kayo? Sana, masaya po kayo kung nasaan man kayo ngayon.

Sa ngayon, gusto ko po sanang humingi sa inyo ng kapatawaran. Alam kong hindi ako karapat-dapat na patawarin sa kabila ng lahat ng kasalanan ko. Kung naririnig niyo lang po ako ngayon papa, patawad po.

Sa tagal ng panahong nagdaan, ngayon lang po ako naglakas-loob na sumulat sa inyo upang mangumusta at makipagkuwentuhan sa takbo ng naging buhay ko.

Papa, pasensya na pero sana ay maintindihan mong hindi ko na maalala ang itsura mo bago ka nawala sa amin. Ang sabi ni mama, guwapo daw po kayo at matipunong lalake na halos maraming babae ang umaaligid sa tuwing mamamasyal kayong dalawa. Natuwa naman po ako doon at sayang nga lang dahil hindi ko na po kayo nakita noon. Malaki din po ang panghihinayang ni mama noon dahil binagyo ang bahay na ito na inyo pong naipundar, dahilan upang mabaha ang lahat ng litrato mo at ninyo nila mama. Tanging ang bahay na ito na lang ang natitirang alaala namin sa iyo.

Lumaki po akong mabuti bilang magandang anak. Hindi po ako naging sakit ng ulo kay mama dahil iyon lamang po ang tanging maisusukli ko sa kabila ng pag-aaruga niya sa akin. Masaya naman po kaming nagsasama ni mama habang magkasama sa bahay na ito.

Pero nang matapos ako ng elementarya, nag-asawa muli si mama. Nakilala niya po ang bago niyang asawa sa pabrikang pinagtatrabahuan niyo noon, kung saan po kayo unang nagkakilala ni mama. Hindi ko po ito matanggap noon pero wala na rin po akong nagawa. Alam kong karapatan ni mama na lumigaya muli kaya tinaggap ko na rin po siya.

Masaya naman silang nagsasama nila mama at ng bago niyang asawa. Kinasal sila sa simbahan at nagpatuloy na nanirahan sa bahay na ito. Mabait naman po ang amahin ko at gustong-gusto niyang tawagin ko siya bilang 'papa'. At sa kabila nito, nagagawa niya pong ibigay ang lahat ng gusto ko sa isang salita lang. Masaya po ako dahil naranasan ko po sa kanya ang magkaroon muli ng tatay, at ng isa pang kapatid na babae. Nagpapasalamat po ako dahil nagkaroon ng kahulugan ang buhay ko na maging 'ate' sa bago kong kapatid.

Pero... hindi rin po ito nagtagal, papa. Ito po ay dahil matapos po akong magtapos ng high school ay hindi sinasadyang natagpuan ko po ang amahin ko sa may kama na may iba siyang kasiping na babae sa dating kuwarto ninyo ni mama. Dahil sa bigla, agad po akong tumakas noon sa bahay na ito dahil sa takot. Takot na baka saktan ako ng amahin ko sakaling magsumbong ako pero hindi ko nagawang magsumbong kahit kailan. Nanatili ang takot kong iyon hanggang sa pauwiin nila ako sa bahay na ito sa humingi sa amin ng kapatawaran.

Pero, hinding-hindi ko po siya mapapatawad... kahit kailan...

Naging sunud-sunuran kami ni mama sa lahat ng gusto niya. Hindi na nagtrabaho si mama sa pabrika sa kagustuhan ng amahin ko dahil baka daw makakita muli ng ibang lalake si mama, at huminto na rin ako sa kolehiyo sa takot na baka mabuntis ako ng maaga. Lagi nang mayroong matitinding away ang nagaganap sa bahay na ito. Lagi na lang po ako sinisigawan ng amahin ko kahit sa maliit na pagkakamali lang na nagawa. Napagbubuhatan na niya kami ng kamay kaya hindi maiiwasan na halos ikamatay na namin ang mga pasakit na iyon. Hindi namin siya pinaglilihiman ng kung ano mang bagay sa kanya na nauuwi naman sa kung ano na lang ang madampot ng kanyang kamay upang makapanakit sa amin. Lagi siyang galit bunga ng maling paniniwala na mayroong ibang lalake si mama maliban sa amahin ko. Masyado na siyang abusado.

Isa pa sa mga malalang sitwasyon ay pinagbintangan ng amahin ko na hindi niya anak ang dinadala ni mama sa kanyang sinapupunan. Nagkakamali siya ng kanyang iniisip dahil kaming pamilya lang niya ang magkakasama at ikinukulong niya sa bahay na ito, at hindi niya pinapayagang lumalabas kahit hanggang sa bakuran lang. Wala siyang pinakinggang paliwanag ni mama hanggang sa pinapili niya si mama na iiwanan siya nito o ipalalaglag ang bata. Sa amahin lang namin kami nabubuhay dahil nasa kanya ang lahat ng pera. At mamamatay kami sakaling iwanan niya kami kaya walang nagawa si mama kundi ang ipalaglag ang bata sa kanyang sinapupunan.

Sobrang sakit ng nagyari sa amin, papa. Mas tumindi pa ang sama ng ugali ng aming amahin dahil lagi na siyang lasing kung umuuwi sa bahay ng gabi. Tulad ng lagi, lagi niya kaming sinasaktan sa maliit na pagkakamali, lagi na kaming gutom, walang pera, at nanghihina. Patuloy pa rin siya sa kanyang mga bisyo tulad ng alak, ipinagbabawal na gamot, at babae. Hindi ko alam kung gaano na kataas ang tindi ng kanyang ka-demonyohan.

Naaalala ko pa noon papa, na nadatnan ko si mama na umiiyak sa kusina paggising ko ng umaga. Dito sinabi sa akin ni mama na dumating ang babaeng anim na buwan nang nabuntis ng amahin ko. Sobrang sakit iyon para sa kalagayan ni mama pero mas nasasaktan ako dahil nakikita kong nasasaktan si mama ng ganoon dahil sa kahayupan ng amahin ko. Pero wala na kaming magagawa, inilunok na lang namin ang lahat alang-alang sa pera na ibinibigay niya upang mabuhay kami.

Isa pa sa pinakamatinding pangyayari ang naganap sa akin noon, papa ang pinakamapait kog sinapit mula sa aking amahin. Isang bangungot na dadalihin ko hanggang sa mga huling hininga ng buhay ko na nagbunga pa ng isa pa.

Opo papa, hinalay po ako ng sarili kong amahin. Lasing siyang dumating ng gabi saka niya ako ginising sa pamamagitan ng pagtatadyak sa aking likuran at sikmura. Dahil sa sobrang bigla, napayakap sa akin ng mahigpit ang kapatid kong nagising at umiiyak. Hinihila ng hayop kong amahin ang buhok ko papunta sa sala saka niya ako tinutukan ng matalim na kutsilyo. Natatandaan ko pa rin hanggang ngayon, na ang kutsilyong itinutok sa akin ng amahin ko ang kumitil sa buhay ng kanyang kaibigan kaya takot na takot ako ng mga sandaling iyon.

Gamit ang matalim na kutsilyo na iyon ay pinunit niya ang lahat ng saplot ko sa buong katawan. Nakita ito ng kapatid ko gayon din ang paghubad ng lahat ng saplot ng amahin ko. Dito ako natakot at nataranta nang makita ko ang malaki nitong kargadang hindi ko dapat makita. Nagpupumiglas po ako papa ng mga sandaling iyon pero sadyang napakalakas ng kanyang katawan na ikulong ako sa kanyang mga bisig.

At doon niya po ako nilabas-masok ng hayop kong amahin. Lahat ng sakit ay ramdam sa bawat paglabas ng malalakas na sigaw na ginawa ko. Hindi ako makatakas, hindi ako makapalag. Halos ikamatay ko ang kanyang pag-aaring maaari kong ikamatay sa sakit hanggang sa ipinasabog niya ang kanyang sukdulan sa aking sinapupunan.

Pagkatapos noon, binalaan niya kami ng kapatid ko na huwag magsumbong kahit kanino. Alam ko na ang linyang ito dahil naririnig ko na ang mga ganitong uri ng pangyayari na hindi ko akalaing mangyayari din pala sa tunay na buhay, lalo na sa akin.

Simula noon, naging pariwara na ang buhay ko sa kababuyang ginagawa sa akin ng aking amahin. Ako ang pangatlo niyang parausan maliban kay mama, sa kabit ng amahin ko, at ako. Gusto kong maghiganti sa kanya, gusto ko siyang masaktan, gusto ko siyang patayin sa tuwing nakikita ko siya sa bahay na ito... pero wala akong magagawa. Hindi ako nakagawa ng isang hakbang upang bigyan ng hustisya ang pambababoy sa akin ng amahin ko.

Akala ko, hanggang doon na lang ang lahat.

Noong lumayas na ang amahin ko sa bahay, huli ko nang nalaman na apat na buwan na akong nagdadalantao. At ang amahin ko ang ama.

Pinalayas ako ni mama nang malaman niya ang bagay na ito. Wala akong nagawa. Kada-buwan akong nagpalipat-lipat sa mga kaibigan ko hanggang sa ipanganak ko ang una kong anak--ang anak ng amahin ko--na kinupkop ng kaibigan kong lalake na di nagtagal ay tinanggap ko na bilang asawa ko.

Sa gulang kong labing pito ay nagkaroon ako ng isang asawa na limang taon ang tanda sa akin. Ang problema nga lang sa asawa ko ay wala siyang matinong trabaho maliban sa pagiging kargador sa palengke na aming ikinabubuhay. Hindi man kami nakakakain ng isa o pitong araw sa isang buwan ay masasabi kong masaya ang pagsasama namin ng asawa ko sa bahay na ito.

Opo, sa bahay na ito. Naghiwalay na rin po noon si mama at ng amahin ko makalipas ang tatlong taon mula nang pinalayas ako ni mama sa bahay na ito. Nagkapatawaran na kami ni mama sa lahat ng bagay at muling bumuo ng panibagong simula sa bahay na ito na magkakasama. At kung kailan naman magkakasama na kaming lahat ay sumakabilang buhay din si mama pagkalipas ng limang taon.

Hindi ko rin aakalain, maging ang asawa ko at kaming mga anak niya ay iniwan na rin niya, pitong buwan matapos mawala si mama sa amin. Mas lalo tuloy tumindi ang hirap ng buhay namin ng dalawa kong anak sa bahay na ito nang mawala siya. Pero ayos lang iyan, papa. Lumalaban naman ako sa ano mang hamon ng buhay ko ngayon. Hindi ko na rin tinanong ang Diyos kung bakit naging ganito ang buhay ko gayong wala naman akong tinatapakang ibang tao. At masasabi kong ito na ang patunay na napakamaramot ng pagkakataon at ng buhay. Wala rin naman akong magagawa kundi magpatuloy sa buhay. Ako na lang po kasi ang inaasahan ng aking mga anak.

Sa ngayon, gusto kong humingi ng patawad sa lahat--kay mama, sa asawa ko, at lalo na sa aking mga anak--na pinaglihiman kong mayroon akong nakamamatay na sakit. Ayoko sanang sabihin ito pero sabi nga nila, walang lihim ang hindi naibubunyag. Humingi ng tulong ang mga anak ko sa mga kapit-bahay hanggang sa dalhin ako sa isang doktor. Ang sabi, buwan na lang ang itatagal ng buhay ko.

Natatakot po ako, papa. Paano na ang mga anak ko kung nawala ako sa tabi nila? Paano na ang kinabukasan nila? Paano na ang pangarap ko para sa kanila? Natatakot ako ngayon dahil ayokong mawalan sila ng ina na siyang nag-iisa nilang magulang. Pero wala na akong magagawa...

Ito na po ang huling liham ko bago man lang ako mawala sa mundong ito. Sa tingin ko, hindi na ako magtatagal pa. Pagod na pagod na rin naman ako kaya bibitaw na ako.

Papa, patawad sa lahat. Hanggang sa muli!

No comments:

Post a Comment

Thank you for reading!
Hope to hear from you. Don't forget to share!
Follow us on FeedBurner
Like Jay's Quirky World on Facebook! Thank you! ^_^