Monday, September 28, 2015

Munchausen

"Hon, I have a good and bad news!"

"Talaga?"

Ibinaba ni Marco ang dala nitong bag saka tumabi sa asawa na nakaupo sa sofa.

"Na-promote ako!"

"Wow! That's great!"

Niyakap ni Marco ang asawang si Martha.

"Buboy anak. Nandito na si daddy mo. Halika!"

Mula sa kuwarto ay lumabas ang pitong taong gulang na anak.

"Daddy!!!" galak na galak ang anak na yumakap sa ama.

"Hello my boy! I miss you!" pagbati ng ama saka ito binigyan ng isang halik.

"Teka, ano nga pala ang bad news?" pagputol ni Martha.

Natahimik si Marco at nagbuntong-hininga. "Iyon... madedestino ako sa malayo. Doon sa Cebu."

Natahimik si Martha. Kitang-kita sa kanyang pagmumukha ang pagkabigla. "No, Marco. No..."

"I just signed the company contract already--"

"Without telling me? Hey, Marco. How dare you do this to me?"

"Waiiit!!!" pagsenyas ni Marco saka bumulong, "Huwag tayong magtalo sa harap ni Buboy."

Katahimikan.

"Anak, go to your bed room now. Matulog ka na," sabi ni Marco sa anak.

"Yes, daddy!"

"Good night my baby! I love you!"

"I love you too mom and dad. Good night!"

Muling katahimikan.

"Kailan ka aalis?" itinutok ni Martha ang mga mata nito sa TV.

"Sa Linggo ng madaling araw."

"T-teka, ganoon kabilis? Marco, bukas na iyon!" isinara ni Martha ang TV gamit ng remote control. "Sana, noon mo pa ito sinabi! Alam mo namang hindi ako sanay sa biglaan diba?!"

"Hindi ko kagustuhan iyon! Kaya nga sinasabi ko sa iyo ngayon diba? Sorry na."

"Ilang buwan ka doon?"

"Mabilis lang naman ang anim na buwan diba?"

Tumingin si Martha kay Marco ng ubod ng talim, "Anim na buwan?" tumango-tango ito. "Anim na buwan... sige, anim na buwan..."

"Magtatawagan naman tayo sa telepono eh."

"Okay, fine. Stop it," tumayo ito at nag-ayos ng sarili. "Inaantok na ako, matulog na tayo."

- - - - -

Makalipas ang isang buwan...

"Hindi na naman tumawag 'yung daddy mo! Buwisit!"

Nang dahil sa galit, tumayo si Martha at ibinagsak ang remote control ng TV saka nagpira-piraso sa sahig. Sa mga sandali rin iyon ay napahinto siya sa pagsasalita nang mapansin ang nagsusulat na anak sa may center table.

"Walanghiya kang bata ka! Nagdo-drawing ka lang?"

"N-nagsusulat po ako ng homework ko mommy--"

"Anong nagsusulat?" pinagdilatan nito ng mata ang anak. "Ito lang ba ang aatupagin mong hinayupak ka?! MAG-REVIEW KA!!!" bulyaw nito na ikinagulat ng anak. At dahil sa takot ng anak ay idinaan na lang nito sa pag-iyak habang binabato ito ng limpak-limpak na libro.

Hinawakan ni Martha ang buhok ng anak saka hinila papalapit sa pader. Pumapalag na sa ngayon ang anak nito na si Buboy ngunit sadyang malakas ang kamay ng mommy nito para hawakan ang kanyang ulo, at paulit-ulit na ibinubugbog sa pader hanggang magdugo. Nakikiusap ito at nagmamakaawa.

"D-daddy!!! H-help meee!!!" damang-dama sa bawat hiyaw nito ang sakit na ginagawa sa kanya ng kanyang mommy.

Saglit na tumigil si Martha sa narinig sa anak, "Daddy? Wala kang daddy! Iniwan na tayo ng daddy mo ng dahil sa'yo!" sinampal nito ang pisngi ng anak. Malakas at ubod ng lutong. Damang-dama pa ang matinding panggigigil sa sariling anak. Wala siyang paki kahit nagkalat na sa palad nito ang dugo ng anak sa ulo.

Dahil malapit lang sila sa telephone booth ay dinampot ni Martha ang nakasinding sigarilyo saka paulit-ulit na pinaso ang labi ng anak. At nang mapudpod at maubos ang siga nito ay dahan-dahan siyang bumulong sa anak.

"Kapag nagsumbong ka sa daddy mo, hindi lang iyan ang matitikman mo!"

Muli siyang natigilan nang marinig ang pagkulo ng sikmura ng anak dahil sa gutom.

"Nagugutom ka? Puwes, hindi ka kakain!"

Walang anu-ano'y tumayo si Martha at hinila ang kaliwang paa ng anak paakyat sa ikalawang palapag, papunta sa kuwarto ni Buboy, at dito isinara ang pinto na parang walang nangyaring karahasan.

Maalagang ina si Martha. Pero nagbago siya simula nang madestino ang asawa nitong si Marco sa Cebu dahil sa trabaho. Para kay Martha, ito ang paraan niya upang pauwiin ulit ang asawa nitong malayo sa kanya. At kung kailan natapos na ang lahat ay doon na siya nakatanggap ng tawag na agad niyang sinagot.

"Rodriguez residence," maayos niyang sagot kahit na ubod ng gulo ang buong bahay.

"Hon, its me. Kumusta kayo ni Buboy?" si Marco, sa wakas.

"M-marco..." naging maamo ang pakikitungo nito sa telepono, "May sakit si Buboy! Hindi ko alam kung ano na ang gagawin," napahagulgol pa ito ng iyak! "Natatakot ako..."

"Ano? Teka, dalhin mo na siya sa ospital! Huwag mo nang hayaang lumala!"

"O sige, sige, gagawin ko."

"Hayaan mo, makikiusap ako sa boss ko para umuwi sa inyo. Huwag kang matakot, nandito lang ako."

Natigilan si Martha at palihim na ngumiti sa tuwa.

"S-sige..." balik na naman siya sa pag-arte. "Hihintayin kita."

"Magkita tayo bukas, bye."

"Teka, sandali!"

"What?"

"Honey ko, bilisan mong umuwi ha. I miss you so much."

"I miss you, too. Kayo ng anak natin."

"Hayaan mo, basta umuwi ka na, ha." May pang-aakit ang bawat boses nito na nakakatukso. "Inayos ko na ang kama natin. Bilisan mong umuwi para guluhin natin ulit."

3 comments:

  1. Ka-imbyerna ng nanay. Ang landi pa ng huling sinabi.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ms. Beki, ganoon talaga kapag may Munchausen by Proxy Syndrome, at ang hirap nilang i-cure. Makikita ang sakit na ito, kadalasan sa mga nanay, na napalayo sa kanila ang asawa. Ang ginagawa nila is sinasaktan nila ang kanilang anak para maging dahilan ng pag-uwi ng kanilang asawa. Itong kuwento na nabasa mo ay isang halimbawa lamang pero posibleng mangyari sa totoong buhay.

      Delete
    2. Thanks for the information. Didn't know na may ganyan palang sakit. Mas naintindihan ko na ngayon ang title.

      Delete

Thank you for reading!
Hope to hear from you. Don't forget to share!
Follow us on FeedBurner
Like Jay's Quirky World on Facebook! Thank you! ^_^