Friday, October 9, 2015

Psychoticus

"Si Psychoticus!" sigaw ng isang sira ulo sa kanto saka nagsabog ang tawanan.

Sandali akong napahinto.

Maganda sanang pumalag pero Miyerkules ngayon. Kagalang-galang na organization shirt ng COESSE (hiniram mula sa 'esse est co esse') ang suot tuwing Miyerkules sa eskuwelahan. Nakakahiya naman para sa imahe ng organisasyong ito kung papalag ako habang suot ito.

"Psycho-major ka diba? I-psycho mo nga akong hinayupak ka!" eksena ng isa.

Napangisi ako. Hindi lang pala sila kayabangan kundi mentally retarded din pati utak. Ayoko sanang patulan pa ang kanilang mga pakulo na agad nagpakulo ng dugo ko sa galit. Iba na talaga ang mga tarantado ngayon pero alang-alang sa organisasyong aking kinabibilangan, mas pinili ko ang manahimik.

"E wala pala ito eh!" bulyaw sa akin ng gago. "Kumbaga sa sex, wala itong maibubuga! Hindi pa tuli! Hindi pumuputok! Hindi tumatamod! SUPOT!!!"

Sabog muli ng tawanan. Tawanan, na puno ng pangkukutya't pang-aalaska.

Buong puso kong inaamin na nagpigil ako kahit masakit pakinggan pero hindi ko na makalkyula pa ang iba pang sinabi ng mga putangina.

Nanatili akong nakatayo. Tahimik, habang tinitignan sila nang diretso, isa-isa, at mata sa mata. Bakit ako matatakot sa mga kumag na 'to kung wala naman akong masamang ginagawa? Kaya sino sila para sindakin ako't magpakita ng takot sa kanila? Yung totoo, gago ba talaga sila o nagtatarantaduhan lang.

Hindi ako nagpadaig sa mga titig nila sa akin. Ang hindi nila alam ay isa-isa ko na silang pinaliliguan sa sarili nilang dugo na napakagandang ilampaso sa maputi at makinis na sahig. Nilalagari ang leeg gamit ang alambre, tinatahi ang ibiniyak na katawan, o tinatadtad ng sandaang krayom na ubod ng nipis sa kanilang mga mata. At dahil kaya ko silang sabayan, ibinuhos ko ang lahat ng sama ng loob at matinding galit na sa pagtitig ko lamang nailalabas.

Pinapapili ko sila sa isip ko habang nakikipagtitigan: distansya, disgrasya, o ambulansya.

"Tara na nga!" mukhang naintindihan nila ang ibig kong ipakahulugan kahit na wala pa akong sinasabi kaya sumunod naman ang iba. Malamang, umabot sa mga utak nila ang maaari kong gawin na naiisip ko.

Naiwan akong mag-isa. Nakatanga.

Ang masasabi ko sa aking nagawa ay mas nananaig pa rin ang kapangyarihan ng ipinagsamang puwersa ng isip, espiritu, at ng katawan. Sa pamamagitan ng mga ito ay iniisip ko ang isang sitwasyong ibig kong mangyari sa aking paligid. Ayon nga sa kasabihan, We became what we think we are.

Ganyan ang kakayahan at kapangyarihan ng utak ng isang nilalang.

3 comments:

Thank you for reading!
Hope to hear from you. Don't forget to share!
Follow us on FeedBurner
Like Jay's Quirky World on Facebook! Thank you! ^_^