Tuesday, December 1, 2015

Ang Hotdog ni Crush

Hindi na namin kinain ang mga baon naming lunch. Ang sabi kasi ni Bryan, my crush, e birthday niya ngayon. Darating daw ang mommy nito dala ang mga handa ni crush para pag-isahin na rin daw ang lunch at party... kahit isang oras lang.

Dumating ang mommy ni crush matapos ang ilang sandali. Engrande ang party ni crush. Merong malaking cake, spaghetti, salads, at iba pa. Dali-dali itong inihain sa amin at sabay-sabay na kumain. Nakisama na rin pala ang ibang section at mga guro kaya masayang masaya siya.

"Pasensya na kayo ha. Ito lang ang maibibigay ko sa inyo. Ito kasing anak kong si Bryan, gusto kayong kasamang maghappy-happy sa birthday niya dito sa school at hindi sa bahay."

At napakalambing ni mommy! May pinagmanahan si crush.

Nawala sa paningin ko ang mommy ni crush, gayon din si crush. At ilang saglit pa, dumating siya galing sa labas ng classroom dala ang bagong ihaw na hotdogs in stick.

Pinaupo niya kaming lahat at isa-isang binigyan. At pagdating niya sa akin, doon sa may dulo at sulok, e tinawag niya ang pangalan ko.

"Hotdogs. Mainit-init pa, bagong ihaw," alok ni crush.

Nakita ko ang hotdog niyang inaalok sa akin. Napakahaba, napakamataba, at mamula-mula! Sigurado, tender ito... at juicy!

Kinuha ko ang hotdog niya. Pareho kaming napangiti nang pagkatamis-tamis matapos niyang lagyan ito ng makremang cheese.

"Thank you Bryan, happy birthday!"

"Salamat."

Napakasarap pala ng hotdog, lalo na kung galing kay crush!

2 comments:

  1. Anything basta galing kay crush, masarap 'yan. Sana patikimin din ako ni crush ng hotdog niya. haha

    P.S.
    Thank you sa pag-add ng email kemerut ko.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ay, aba syempre naman Ms. Beki. Pak na pak iyan sa panlasa mo. Ang sa akin naman, sana, patikimin naman ako ni crush ng mainit niyang peanut butter., haha!! :D

      Delete

Thank you for reading!
Hope to hear from you. Don't forget to share!
Follow us on FeedBurner
Like Jay's Quirky World on Facebook! Thank you! ^_^