Tuesday, November 3, 2015

Roller Coaster

Pangarap ko talagang sumakay sa isang roller coaster. Isang roller coaster na may loops na sing dami ng isla ng Indonesia at sing taas ng Eiffel Tower ng France.

Parang ako, marami akong pinapangarap sa buhay na ubod ng taas, halos hindi maabot. Pero kinakaya ko ang lahat para maabot ang mga iyon. Trying hard, ika nga ng mga talangkang may dalawang paa.

Sa pagsakay sa pinapangarap na roller coaster, mas pipiliin kong pumwesto sa pinakaharap kumpara sa likod. Kapag nasa harap, mas masaya. Oo, nakakatakot pero isipin mo na lang na parang buhay lang 'yan. Mas magandang hinaharap ang ating mga takot sa buhay, maliit man ito o malaki, dahil dito tayo nahuhubog bilang isang tao.

Isang tao na handang harapin ang hamon ng buhay, magbibigay man ito ng kasiyahan o kalungkutan.

Kasama ko sa likuran ang ibang pasahero. Sila ay sumisimbolo ng mga taong gusto akong pabagsakin sa aking pamamayagpag at pilit na hinihimasok ang aking buhay.

Gusto ko, sing bilis ng isang bulalakaw sa kalawakan ang pagtakbo ng roller coaster na ito. Ito kasi ang magpapakabog sa puso ko na nagpapaalalang ganyan kabilis ang buhay. Madali lang lumipas ang mga magagandang panahon kung kailan, mga mumunting musmos lamang tayo kahapon. At pagdating nito sa pinakatuktok, ito ay biglaang hihinto habang kaming lahat ay nakapatiwarik.

Oo, nakapatiwarik. Gusto ko ng ganitong porma upang makita nila kung paano bumaligtad ang napakaganda kong mundo habang kasama sila at pilit nitong sinisira. Pero sa huli, hindi naman nila makayanang magtagal. Sa mga sandaling iyon ay maaari nilang sabihing gusto na nilang bumaba, gusto nang kumalas. Sa madaling salita, suko na.

At sa kanilang pagbaba ay kanilang maipagtatantong hindi nila dapat sinubukang sakyan ang kasumpa-sumpang roller coaster na iyon na naglagay sa kanila sa kapahamakan.

Ay! Parang buhay ko lang pala, oo. Dapat, hindi na lang nila sinira para hindi sila nagnanamnam sa nag-uumapaw na ganti ng matinding karma. Di bale, masarap naman sa pakiramdam ang karma. Parang nakasakay sa nabanggit at pangarap na roller coaster lang 'yan... lilipas din!

4 comments:

  1. I like the way you compared roller coaster sa life. *clap clap*

    Pwede po bang magbigay din ako ng sarili kong interpretation? (wala lang. bet ko lang mag-share.)

    Para sa akin, ang pag-upo sa unahan symbolizes my courage to face life. At yung mga taong nakaupo sa likod ko, those are the people who always got my back. They are the ones who are always there for me na gusto akong samahan sa journey called life no matter how hard it is. Yung mga tao namang gustong bumaba, sila yung mga hindi loyal. Sila yung mga nang-iiwan sa tuwing dumarating na ang mahirap na part ng buhay at nandiyan lang kapag oras ng kaginhawaan.

    ---
    Eiffel Tower, di ba nasa Paris France yun?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Naku! Oo nga. Epical! Pasensya na, gutom na gutom ako nang sinulat ko 'to na medyo nahihilo, na kaunti lang ang tulog. Thank you dahil na-notify mo agad. Haha, sensya na.

      Well, mas maganda yung sa iyo. Naramdaman kong mas optimistic ka kumpara sa akin na medyo pessimism. Isinulat ko kasi ito sa mga panahong matindi ang depress and stress ko pero dahil sa sinabi mo, masasabi kong may kanya-kanya lang tayong timpla pagdating sa pagsasabuhay ng isang bagay.

      Sensya na, hindi na mauulit. Last ko na 'to :D haha,

      Delete
    2. I agree. Everyone of us see things differently, and our differences makes the world full of fun.

      Ok lang 'yan. Ako mismo ilang beses na ding nagkamali sa post ko hehe. Ang latest ay yung tungkol sa guidance counselor, yung ispeling ko naging 'councilor'. Konsehal? haha
      7 beses ko pa naman nabanggit ang word na yun sa post (na mali yung spelling huh) and after 2 days ko lang napansin at napalitan. hahaha

      Delete
    3. Iyan ang magpapatunay na isa lamang tayong tao:nagkakamali, at hindi perpekto. PAK!

      Delete

Thank you for reading!
Hope to hear from you. Don't forget to share!
Follow us on FeedBurner
Like Jay's Quirky World on Facebook! Thank you! ^_^