Tuesday, December 8, 2015

Makisig

Nakaupo ako sa harapan ng lamesa sa aking silid habang pinagmamasdan ang napakagandang tanawin mula sa bintana. Tanaw mula sa aking kinauupuan ang ganda ng bulubundukin, magandang lawa, mga luntiang puno't halamang namumulaklak, at ang maaliwalas na panahon. Napakaganda ng lahat. Napakapayapa.

"Magandang umaga po, senyorito!"

"Magandang umaga rin!" pagbati ko.

Maliban dito, nasa likuran ko ang aking mga masusugid na taga-bantay at alalay na bumati sa akin. Tahimik silang nakabantay sa akin at wala ni isa sa kanila ang nag-uusap.

"Mukhang mayroon kayong iniisip, senyorito."

"Ganoon na nga," aking tugon.

Kahit maganda at payapa ang buong tanawin ay hindi matahimik ang aking isip sa isang bagay. At dahil gulong-gulo na ang aking isip tungkol dito, basta na lang akong napayuko ng bahagya at nagbuntong hininga. Alam kong napansin nila akong ganito.

"Ano po ba ang gumugulo sa inyong isip, senyorito?" tanong ng isang tagabantay.

Muli akong napabuntong hininga. "Masyado na yata akong makisig..."

Nagulantang silang lahat at nataranta sa narinig mula sa akin.

6 comments:

  1. ang laking bagay ng kanyang iniisip hahaha :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ganoon daw talaga kapag sobrang kisig! Haha.,

      Delete
  2. Ang bigat ng problema niya huh. haha

    ReplyDelete
  3. Sa paano paraan? Alam ko na! Pagagaanin ko na lang ang kanyang kalooban sa pamamagitan ng pagsasabi ng “Senyorito, wag niyo na pong problemahin kung makisig kayo. Ang ganyan pong katawan ang mga tipo ko”, sabay himas sa mga masel nito habang binibigyan ng makahulugang tingin. haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hala! Si Ms. Beki talaga, sige, push mo 'yan! Ahahaha!!!

      Delete

Thank you for reading!
Hope to hear from you. Don't forget to share!
Follow us on FeedBurner
Like Jay's Quirky World on Facebook! Thank you! ^_^