Thursday, January 29, 2015

【特報】ピザキャット!店 GRAND OPEN

O ha, meron ba sila niyan?

Pizza Cat. Isang fictional pizza cat store na inakala kong totoo pero hindi naman pala. This featuring the four beautiful and cute cats na pinapangarap ko, hehehe... 

Narito sina テンチョ一 (Tencho), ヒメ (Hime), ドラ(Dora), and デッチ(Detch)

And, here is their short advertisement. Enjoy!


【特報】ピザキャット!店GRAND OPEN


【第1話】

「野郎ども、出勤だぜ!」


【第2話】

「お着替え完了だぜ!」


【第3話】

「作戦会議だ!気合が入るぜぇ!」


【第4話】

「黙って電話はアタイに回しな!」


【第5話】

「表計算の鬼!」


【第6話】

「徹底管理!ピザの”おいしさ”はオレが守る!」


【第7話】

「汚れひとつ許さないタチでね」


【第8話】

「お届け先確認!安全運転で伺いますので!」


【第9話】

「笑っちまうだろ?ハンドルを見るとついつい運転したくなっちまってよ」


【第10話】

「坊や、おつりはいらないのかい?」


【第11話】

「なめるなよ・・・オレたちは、給料のために働いているんじゃねぇ!」


Pero... bakit may closure?

:'( Aabangan ko yan!

【最終話】

ピザキャット!店 緊急閉店!!!



Oo, aaminin ko na nabitin ako sa short advertisement ng Pizza Cat. Kainis! Pero pasalamat sila dahil mahilig ako sa pusang magaganda tulad nila! ^_^ :D

Wednesday, January 28, 2015

Black goblin boy

Mid-term examination na naman. Kailangan na naman niyang rumaket. Hindi siya nagdalawang-isip na patulan ang offer ng isang kaibigan. Sa ngayon, medyo nakakatakot, delikado, at buwis-buhay na, kumpara sa pagbebenta ng katawan sa malapit na eskinita sa nirerentahan nitong apartment.

Natapos ang trabaho kinagabihan saka bumalik sa kinikilala nitong 'boss'.

"Nagawa mo ba yung pinapagawa ko sa'yo?"

"Opo. Wala na po yung Black Goblin Boy."

Kinuha ang bag, may dinampot sa loob. "Walang labis, walang kulang. Makakaalis ka na."

"S-salamat po!" agad niyang inabot ang isang daang libong piso saka nagmadaling tinungo ang madilim na damuhan para umuwi.

Pag-uwi sa bahay, ibinaba niya ang sandata ng kamatayan. Katabi nito sa ibabaw ng munting lamesa ang isang daang libong piso saka humiga sa kama at natulog.

"Tama na muna..."

Nagsalita siyang tulog nang sumapit ang kinagabihan habang itinataboy ang mga kamay na lumilibot sa kanyang katawan. Dahil dito, nagtalakbong siya sa makapal na kumot kasunod ng pagsindi ng ilaw.

"Kuya Nato..." malinaw pero garagal at pabulong niyang narinig pero hindi nito pinansin.

"Dindo? Ikaw ba yan?" sagot nito habang nasa loob ng kumot. "Kailangan ko nang magpahinga... isara mo na yung ilaw..."

Patuloy na kinulit ng mga kamay ni Dindo ang katawan ni Nato na para bang may kailangan ito hanggang sa maramdaman niyang tumayo ito at tumapat sa tabi ng higaan ni Nato.

Dahil sa liwanag ng ilaw, bahagya niyang inimulat ang mga mata saka naaninag mula sa labas ng kumot ang malaking katawan ni Dindo. Lumalayo ito sa kanya mula sa kanyang ibabaw, kasama ang kumot na hinihila nito pababa sa kanyang katawan upang makita ang kabuuan nito. At dahil wala na ring lakas, hindi na niya nagawang pigilan pa ang paglayo sa kanyang katawan ang kumot na nakabalot sa kanya.

"Ano ba?!" sigaw nito nang malaglag sa sahig ng paanan ng kama ang kumot nito pero wala si Dindo. Bigla siyang nagtaka.

Nakaupo na siya sa ibabaw ng kama nang biglang tinakpan ang kanyang ilong at bibig gamit ang kamay na nagmumula sa kanyang likuran hanggang sa mapahiga ito at nakita ang isang malaking lalake na nakasuot ng itim na bonet--ang Black Goblin Boy!

Nang mapahiga sa kama, nawala ito ng isang kisap mata at hindi na nahanap kung saan na napunta pero...

Nagising siya at nagulat sa tunog ng telepono: may tumatawag.

"Si Nato 'to--"

"Nato, anak. Si kuya Dindo mo--"

Natigilan ito. Nakita niya si Dindo na nandoon sa isang sulok, sa madilim na bahagi ng kuwarto nito, limang hakbang lang ang layo mula sa kanyang higaan. Masama ang tingin ng kanyang mga matang nanlilisik at namumula na parang may matinding galit, hindi ito nagsasalita at may gutay-gutay na suot na tila kinaladkad ang katawang duguan, gayon din ang patay na kulay ng balat nito tila bagong embalsamo. Halos hindi niya maintindihan kung bakit.

"S-si kuya Dindo mo, binaril kanina ng isang estudyante. Patay na siya!"

Nabigla ito, kinabahan, at sa isang higlap, ginapangan ang buo niyang katawan ng pagtayo ng balahibo sa sobrang takot at kilabot.

Sunday, January 25, 2015

Narra

Unang araw ng klase, kinakabahan ako.

Basta na lang akong napahinto sa daan nang mabangga ako ng isang lalakeng tumatakbo.

Nainis ako pero hindi ko na siya pinansin. Kinuha ko na lang ang mga gamit ko na nangalaglag sa lupa pero yung isang libro na nabitawan ko, inaabot na sa akin.

"Pasensya ka na," sabi niya.

Kinuha ko ang libro saka ako napatingin sa kanya matapos iangat ang tingin. At sa mga sandaling iyon, napahinto ako. Tumingin sa kanyang mga matang pumantay sa paningin ko saka siya ngumiti. May isang bagay ang kumislap sa kanyang mga mata na nagpapintig ng puso ko at hindi ko alam kung bakit ako nagmistulang bato.

"M-may bulaklak ka ng Narra sa buhok mo."

Nabigla ako. Lumapit siya sa akin saka niya tinanggal ang bulaklak ng Narra sa ulo ko.

"Ikaw din," ibinigay ko rin sa kanya ang nahulog na bulaklak mula sa itaas ng punong naglililim sa akin.

Nagpalitan kami ng bulaklak saka gumuhit sa mga labi ang matatamis na ngiti.

Friday, January 16, 2015

Dear diary

Dear diary,

Christmas party noon ng COESSE. Pauwi na kami noon na nakasabayan namin siya. Malay ko bang nasa likuran lang namin siya habang kami naman ay nakaupo sa may passenger's seat. Kasama ko noon ang isang kaibigan, habang humahalakhak nang malakas kasabay ng magulo kong buhok na pinapasabog ng malakas na hangin.

It was that moment na di sinasadyang napalingon ako sa likod. Doon ko siya nakita saka napatahimik sa katatawa. Nakiramdam yung katabi ko saka ako nakaramdam ng kaba at kilig. Naging conscious tuloy ako sa itsura ko kung maganda ba ako ng mga sandaling nakita niya ako, but of course! Maganda ako, at ang ganda ko ay bagay na bagay sa kaguwapuhan niya!

Halatang-halata niyang tumahimik kaming dalawa dahil sa kanya, lalo na ako. Nahalata ko ring natawa siya sa akin... na siyang lalo pang nagpakilig sa puso kong tumitibok lang sa kanya. And then I realized that... I  fell in love with him. Of course, hindi ko maaaring sabihin iyon sa kanya. Nakakahiya!

All of him was perfect. His beautiful lovely eyes, matangos na ilong, mala-rosas na labing ang sarap-sarap halikan, and his cute little dimples when he smile. Isabay mo pa ang hubog ng napaka-perfect shape of body na siyang kahinaan ko.

Oh my gosh! I''m sorry but I am dying of love to him that I couldn't stand. Gusto ko siya, I want him. But for now, I'll just kiss him na lang in my dreams. Hug him warmly, and love him.

I love you Jerome! I love you, pare!

Tuesday, January 13, 2015

Jeopardy

Nakulong ako sa isang pagbibintang na pinatay ko daw ang asawa ko. Mahal na mahal ko ang asawa ko at malinis ang kunsensya kong hindi ko siya pinatay. Tanging anak ko na lang ang natira sa akin na siyang dumadalaw sa akin sa kulungan pero hindi ko na siya nakita makalipas ang anim na taon. Wala na rin ang bahay kung saan siya nakatira hanggang sa mawalan na ako ng pag-asang makita pa siyang muli.

Nang tawagan ko ang isang kaibigan, ibinigay niya sa akin ang bago nitong tirahan at numero ng telepono. At nang tumawag ako, narinig ko ang boses ng isang batang lalake--ang anak ko!

"Anak! Ako ito, si mommy mo na nandito sa kulungan!" sabi ko sa kanya na may halong tuwa, sakaling makilala pa niya ako pero hindi siya sumagot.

Alam kong kilala pa niya ako dahil sinabi niya sa isang dumating na babae kung sino ang kausap nito.

"Anak, sinong kausap mo sa telepono? Nandito na kami ng daddy mo."

May ibang babae. Daddy ng anak ko? Buhay ang asawa ko?

Pansamantalang nagsalita ang anak ko na siyang nagpagimbal ng mundo ko dahil sa narinig, "Mommy, daddy! Kausap ko si mommy sa telepono!"

Sa mga sandaling iyon, nakarinig ako ng parang galit na yabag ng sapatos, saka nawala ang telepono. Wala na. Wala. Sinubukan kong tawagan ulit iyon pero wala na ito makalipas lang ng tatlong araw.

Nagmumukmok ako sa isang sulok ng kulungan araw-araw. Maayos ang buhay ng anak ko pero iba na ang kinikilala niyang nanay, pero may isa pa. Buhay ang asawa ko at hindi totoong patay! Napuno ako ng galit pero hindi ko alam kung paano ko ito kokontrolin dahil hindi ako makakaganti lang kasi... nakakulong ako.

Aksidente ko itong nasabi sa isang kakosa na isa palang ex-lawyer. Pinayuhan niya ako ng ilang mga bagay na siyang nagbigay pag-asa sa hustisya ko habang nakakulong ako. Kailangan ko lang daw magpakabait, aminin ang isang krimen na ikinaso sa akin kahit hindi ko naman talaga ginawa, upang mapunta sa sinasabi nilang 'purgatoryo' sa loob ng tatlong taon... na napagtagumpayan ko nang maayos. Nagpalakas ako ng katawan, at isip, saka hinanap ang magaling kong asawa.

Nahanap ko ang asawa ko na iba na ang pangalan. Makalipas ang maraming taon, marami din ang angbago sa kanya pero hindi ko na pinalagpas ang mga sandaling iyon para bawiin sa kanya ang anak ko... pero hindi siya tumupad sa usapan. Hinuli niya ako, dinala sa simenteryo, sinaktan nang sinaktan hanggang sa mawalan ako ng malay, saka isinilid sa isang kabaong at hindi na nakalabas pa.

Pero marunong ang Panginoon. Pinatay man ako ng asawa ko, nagawa ko pa ring mabuhay sa loob ng kulob na kabaong, ng apat na pung araw. Nakalabas ako sa tulong ng mga naglitas sa akin matapos ang pagbisita nila sa kaanak ng pinaglibingan ko, sa eksaktong araw ng mga patay. Doon nila ako mismong nakita: sa loob ng kabaong ng tunaw na katawan ng kanilang kaanak.

Muli kong hinanap ang asawa ko makalipas ang isang linggo. Di ako nawalan ng pag-asa. Sa ngayon, masasabi kong para akong pinatay, inilibing, at nabuhay makalipas ang apat na pung araw... na may matinding galit at paghihiganti, laban sa magaling kong asawa. Sa ngayon, masasabi ko ring nasa akin ang huling tagumpay na magpapabagsak sa kanya.

- - - - -

Sa tulong ng pulis na nag-alaga sa akin sa kulungan, hinanap namin ang asawa ko hanggang sa mapadpad kami sa opisina niya. Wala siya pero naghintay kami dahil ayon sa mga tao niya, babalik din siya agad.

Hindi kami nabigo. Dumating siya makalipas ang kalahating oras ng paghihintay. Sinorpresa namin siya at nasorpresa din siya lalo na sa akin. Kinausap niya ako noon na parang tunay na asawa, na parang walang nangyari sa loob ng mahabang panahon kong paghihirap sa kulungan.

"B-buhay ka..."

Ngumiti ako, "Nasaan ang anak ko?" itinutok ko sa kanya ang baril na ipinahiram sa akin ng kasama kong pulis. "Sabihin mo kung nasaan na ang anak ko."

"N-nasa West School," sagot niya.

At sa isang napakagandang pagkakataon, dumating din ang kabit ng asawa ko na siyang matalik ko pang kaibigan. Siya at ang asawa ko--magkasabwat sa lahat ng nangyari kaya naging ganito ang buhay ko na ngayon ko lang napagtagpi-tagpi at napagtanto. Mga walanghiya silang lahat!

"B-bakit, b-buhay ka pa? A-akala ko, patay ka na?" kitang-kita ko sa mga mata ng kabit ng asawa ko ang matinding takot at pag-aalala nang itutok ko sa kanya ang baril.

"Na nabuhay," dugtong ko, "Para bawiin ang lahat ng mga mahahalaga sa akin na winala mo, at inagaw mo!" sabi ko. Yung pulis, wala lang. Nandoon lang siya sa isang sulok ng sofa. Nakaupo, nakatanga, at nanonood sa amin na parang nagdudula-dulaan lang.

"Ngayon, hahayaan ko na kayong magsama sa isang kundisyon," itinutok ko ang baril sa magaling kong asawa. "Una, lalapit ka sa korte upang aminin na hindi kita pinatay o pangalawa, kapag hindi ka umamin e papatayin kita para mawalan ng bisa ang ikinaso sa akin ng kabit mo."

"Hindi ka magtatagumpay!" kinuha niya ang baril niya saka niya itinutok sa akin.

"Paano na yan? Wala na akong pagpipilian pa kundi ang patayin ka na nang totohanan. Makalipas ang sampung taon, magagawa na kitang patayin tulad ng ikinaso't ibinibintang niyo sa akin... na ako ang pumatay sa'yo!" matapang kong sinagot. "Pero bago yan, mabuti na lang may natitira pa akong alas sa ilalim ng jeopardy sa kaso ko," dagdag ko.

"Tama na!" ikinasa niya ang baril para iputok sa akin pero hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa nang itutok ko sa kanya ang baril saka ko ipinaputok ng isang beses, para sa anak ko, isang beses, para sa kabit niya, at isa pang beses, para sa akin, na ginulo niya, na sinira niya, saka siya bumagsak sa sahig.

Kumalat ang maraming dugo sa opisina, sa harapan ng kabit na nabigla at napasigaw sa pangyayari pero ako, wala lang. Natatawa, masaya, habang umiikot ang paningin na parang mababaliw.

- - - - -

Nabalewala ang kaso ko nang tinotohanan ko ang mga bintang sa akin na pinatay ko daw ang asawa ko. Sa tulong ng pulis, dinala niya ako sa eskuwelahan ng anak ko. Sa sobrang kaba, lungkot, saya, at pasasalamat, nagkita kami ng anak ko. Hindi na niya ako nakilala sa tagal ng panahon hanggang sa yakapin ko siya matapos magpakilala.

Humigpit ang yakap niya sa akin at napaluha dahil sa wakas, nakita na niya ako sa tagal ng panahon.

"Sabi nila, patay ka na mommy..." damang-dama ko sa mga boses na iyon, sa kanyang mga nagtatanong na mata, ang awa, lungkot, at pagkasabik sa tunay niyang mommy. Hindi ko halos maipinta kung gaano ako kasaya ng mga sandaling iyon.

"Hindi, honey. Buhay ako..." sabi ko saka ko siya niyakap nang buong higpit, at may-init ng pagmamahal..

Dinemanda ko ang kabit ng asawa ko saka nakulong. Sa ngayon, tahimik naman ang buhay naming mag-ina kasama ang mga magulang ko sa probinsya. At kahit ilang beses man akong patayin ng asawa ko, nabubuhay pa rin ako alang-alang sa hustisyang ipinaglalaban at gustong makamit. At ang aral ng buhay na natutunan ko? Simple lang: matutong lumaban alang-alang sa katuwiran dahil paminsan, hindi lahat ng pagpatay ay krimen kung naaakusahan ka ng maling paratang. Dahil naniniwala ako sa huli, tulad ng nangyari sa akin, lahat ng mga baluktot ay magkakalaglagan din!

Round Table Challenge

Monday, January 12, 2015

Hunter

Dahil katatapos lang ng final exam, agad akong umuwi. Sinabi ko kasi kay mama na uuwi ako pagkatapos ng isang oras, ang tagal ng eksaktong examination, at asahan na nasa bahay na ako ng alas dose ng tanghali.

Pagsakay ng jeepney na rumuruta ng Bamban, Capas, sa crossing ng TSU, bumiyahe ang jeepney paikot malapit sa may papuntang Matatalaib, saka nagbiyahe pa-timog, papuntang Metro Town Mall, kung saan umilaw ang pulang traffic light na naglikha ng mahabang traffic. Mainit ang tanghali kaya mainit din ang ulo ng mga motorista sa pagpula ng ilaw.

Nakaupo ako sa passenger's seat katabi ang tsuper nang makita kong mag-green light saka humarang ang isang sasakyan galing sa ruta ng Nueva Ecija. Nagtaka kami nang bigla silang nagpanic: ang tatlong pasahero, at ang babae na siyang driver. Sumisigaw sila, humihingi ng tulong, at yung babae na driver, basta na lang siyang nalaglag sa pinto ng sasakyan nila. Napagapang ng di oras, saka lumayo at napaupo sa sahig ng daanan.

Kitang-kita namin sa mukha ng babae ang tunay na takot na halos hindi namin maintindihan kung iiyak ito o hindi. Yung isa pang lalake, muntik pang mahagip at masagasaan ng isang malaking Five Star bus sa McArthur Highway dahil sa taranta. Sumisigaw sila, at humihingi ng tulong.

"M-may ano sa loob... ma-may a-ano..."

Ganito namin nadatnan ang babae kasabay ng paglapit ng pulis na nakabantay sa tabi.

"Ano? Anong meron?" tanong ng pulis. Lahat ng mga nakatambay na tricycle driver, pati yung mga naglalakad lang, saka yung mga driver na napahinto pansamantala ay nakatingin na sa pangyayari. Pero yung babae, wala siyang sagot. Ang ginagawa lang niya e tinuturo yung loob ng sasakyan at sabi niya, galing daw siya sa Nueva Ecija.

Paglapit ng pulis, agad niyang tinawagan ang kasama saka binalaan ang lahat na lumayo sa sasakyan. May isang bagay daw meron ang loob nito. Basta, delikado.

Pagdating ng ibang pulis, kinuha nila ang isang malaking bag habang hawak ang isang malaking net na parang meron silang huhuliin na napakabangis. Nang tapunan nila ng tear gas nang mabilisan ang loob nito at sa laki ng gulat ng lahat ng mga nanonood, tumambad sa lahat ang paglabas mula rito ang tatlongpung talampakang half Indian/black diamond rattle king cobra na sobrang lakas kung pumalag.

Napatakbo ang lahat ng taong nanonood nang itaas ng nasabing cobra ang ulo nito na lagpas-tao ang taas. Parang handa itong umatake sa isang pulis pero agad din itong nakailag nang harangan ng isang malaking stick na nabali sa matalim nitong pangil. Agad nawala ang mga sasakyan sa highway at pansamantalang isinara ang lahat ng mga establishmentong bukas na maaari nitong pasukin.

Ngunit, hindi pa man nakakalayo ang lahat, isang pulis ang inatake ng matalim nitong buntot paglapit sana nito para lambatin. Nakita ko, nagdugo yung pisngi nito saka gumapang ito papunta sa maliit na butas ng manhole. Delikado ang mangyayari sakaling pumasok ito sa manhole dahil maaaring pumasok ito sa iba't ibang establishments at bahay pero hindi basta nagpatalo ang mga pulis.

May iba pang dumating di nagtagal, saka nagkaroon ng sobrang ingay ng sigawan ng mga pulis. Hindi ko sila maintindihan kasi sobrang ingay pero maliwanag na lahat sila puro Ilokano at Kapampangan pero yung isa sa kanila, ang sabi, ay tumawag na ng cobra hunter at minuto lang ang lumipas, nahuli ng isang matandang cobra hunter ang cobra. Dala niya ito sa isang malaking net at nasa loob nito ang sobrang laking cobra, habang naka-tape ang bibig nito upang hindi umatake.

*From the Tarlac City Annals

Friday, January 9, 2015

TSU PsychClip 2015

Wala lang. May masabi lang. Good luck, good luck, good luck, para sa ating mga kapwa! I-push natin 'to to the highest level na! Nakakalurkey talaga! Spread love, love, love!!!



Tarlac State University
Psychology Clip 2015

Thursday, January 1, 2015

Happy new year!

Happy new year!

#PutukanNa!!!

Love, Jay.