Saturday, May 30, 2015

Letter to black diary

Letter to black diary (para sa Jay's black diary)

- - - - -

Hello nga pala! Ang tagal ko nang hindi nagpo-post dito ng mga entry ko. Oo, tumigil nga akong maglimbag ng mga journal dito pero hindi pa rin ako tumigil sa pagsusulat ng daily diary. Sa katunayan, dalawang espasyo (notebook at isang makapal na lumang handout para sulatan sa likuran nito) at isa pang notebook ngayon na dala ko ang daragdag kapag nagkaroon ako ng maraming oras na humarap dito. Disoriented ang pag-iisip ko ng mga sandaling ito pero pipilitin kong magpaliwanag nang maayos sa abot ng makakaya ko.

Masyado na akong abala sa pag-aaral... kung nag-aaral nga ako nang mabuti. But anyway, back to the story, uumpisahan ko munang problemahin ang blog na 'to.

Una, susubukan kong ayusin ang layout nito para naman madali akong makapagnavigate sa mobile ko via free data on blogger ng Globe Telecom! Yes, nadadalaw ko pa rin ang diary na ito pero wala naman akong maipost.

Pangalawa, aayusin ko na yung mga nakasulat dito pero unedited pa rin syempre. Ang babaguhin ko lang naman e yung font na napakalaki sa screen ng cellphone ko. Paano naman kasi, type, type, type, ang proseso ko rito, save sa MS Word, punta ng internet shop para mag-blog tapos copy sa mga entry saka paste. Hindi man lang inalayan ng effort pero kaya ko yan kasi kaunti pa lang ito. Kaya ko pang magmaneobra ng blogger.

Pangatlo, still, ang Jay's black diary ay nananatiling unpromoted at sinadya ko iyon. Bahala na ang mga mambabasa sa Jay's Quirky World kung paano nila ito mahahanap, kung paano nila makita yung mga kagaguhang pinaggagagawa ko sa tunay na buhay na labas sa nakagisnan sa Jay's Quirky World. At kahit hindi ito promoted na blog ng blogger, still, buhay pa rin naman ang rss nito para sa blog feed so there's nothing to worry about.

Pang-apat, dahil last January ng 2015, nagkaroon ng kaunting problema. Syempre, online ito at maraming makakakita sa mga isinulat ko, gumawa ako ng agreement na parang rules and regulations na ng Jay's black diary. Ongoing pa lang ang paga-analyze ko kung paano ko iyon bubuuhin pero meron na akong ideya. Halimbawa na lang (kung naguluhan ka), e "bawal magsabi ng kahit anong pangalan sa bawat entry maliban sa author ng mga ito na si Jay Calicdan." Ganyan ang gagawin ko.

Pang-lima, saka ko na babanggitin kasi wala na akong oras para dito. (Ha? Ano daw?) Ibig kong sabihin, saka ko na sasabihin yung iba pang gagawin dito sa Jay's black diary. Wala na kasi akong maisip pero kung meron na, sasabihin ko naman iyon sa diary ko.

- - - - -

Kapag nagkaroon na ng matinong computer sa bahay, una kong titirahin ang pagsulat ulit ng diary ko sa dalawang manuscript. Tapos, kapag napagod, isasabay ko naman ang mga nobela ko. Ie-edit ko na. May gusto akong gawin: itatapon ko na kasi walang magawa. (Ha? Ano?) Hindi... ang ibig kong sabihin, ie-edit ko na para masaya. Para ready to read, at babasahin na lang ng audience.

Pa'no yan, out muna. Masaya akong nakapagsulat ulit dito para lang magpaalalang magbabalik ako... sana. Yun lang...

Love,
-bebejay


(Originally posted last April)

Friday, May 29, 2015

Sa iyong paglisan

sa iyong paglisan
babaunin ko ang
masasaya nating alaala
hanggang sa katapusan

itatago sa puso kong
patuloy na nagmamahal
sa iyo, ngunit nasaktan
dahil sa paglisan mo

patawad, aking mahal
pagka't puso ko'y marupok
at nagawa kang iwanan noon
at hinayaan kang mag-isa

salamat sa pagtanggap
nang muli ako'y iyong balikan
sa pagkakamaling nagawa
at nasaktan ka

salamat sa pagmamahal
na walang nino man
ang makakapaghadlang
kahit ika'y langit at ako'y lupa

sa tadhanang nag-krus
ng ating landas
upang tayo'y magmahalan
ng walang hanggang panahon

Wednesday, May 27, 2015

Haiku

Dahil sa pagbabasa ng ilang mga blog habang walang magawa sa buhay (maliban sa pagpapakabaliw), ito na ang Jay's version ng Haraiku ni Kuya Aris, para sa mga estupidyanteng nasa kolehiyo tulad ko.


PAGTATAKA

Bakit gano'on,
Nagrereview ka naman,
bagsak ka pa rin?

- - - - -

TAMAD

Bagsak nang bagsak.
Puro pre-requisite
kaya naiiwan.

- - - - -

MAKATI

Ipinag-aral
at nagtapos:
Ang sukli ay instant apo.

- - - - -

MAYABANG

Grado'y puro uno.
Cum-laude: pero
bagsak sa board exam.

- - - - -

DEMONYO

Edukado at
marangya ang buhay.
Ngunit walang puso.

- - - - -

Tanong: Ngayon, alin ka sa lima?

Tuesday, May 26, 2015

Patago

Nang una kang makita,
ang puso ko'y napaibig sa iyo.
Pero hindi tayo nababagay,
kaya't inibig kita nang patago...

Minahal kita nang patago,
higit pa sa pagkakaibigang ito.
Pinapangarap kong maging 'tayo'
Pero pinangarap na lang nang patago...

Minsan ako'y di mo pinansin,
habang siya'y iyong kapiling.
Nagalit ako at nagselos,
kaya't inaway kita nang patago...

At nang kayo'y nagkatuluyan,
mundo't mga pangarap ko'y biglang naglaho.
Lungkot ay bumalot sa puso at isip,
sibat ng katotohana'y humahataw sa 'kin.

Mahal ko, inibig kita nang patago,
pinangarap kita nang patago,
Inaway kita nang patago,
kaya kalilimutan kita nang patago...

... sa isip...

Sunday, May 17, 2015

J-words

I just trying to read these... whatever!

手ずから
甲羅干し
順列
苗床
誓約

Saturday, May 16, 2015

Magpie

Putak nang putak
batang duwag
matapang ka't nasa pugad

- - - - -

"Huwag kang magsasalita ng mga patamang hindi makalkyula ng pinapatamaan, kung ayaw mong matamaan at makatikim sa kanya ng mga salitang hindi mo kayang ma-estima."

-jay calicdan