Monday, September 28, 2015

Munchausen

"Hon, I have a good and bad news!"

"Talaga?"

Ibinaba ni Marco ang dala nitong bag saka tumabi sa asawa na nakaupo sa sofa.

"Na-promote ako!"

"Wow! That's great!"

Niyakap ni Marco ang asawang si Martha.

"Buboy anak. Nandito na si daddy mo. Halika!"

Mula sa kuwarto ay lumabas ang pitong taong gulang na anak.

"Daddy!!!" galak na galak ang anak na yumakap sa ama.

"Hello my boy! I miss you!" pagbati ng ama saka ito binigyan ng isang halik.

"Teka, ano nga pala ang bad news?" pagputol ni Martha.

Natahimik si Marco at nagbuntong-hininga. "Iyon... madedestino ako sa malayo. Doon sa Cebu."

Natahimik si Martha. Kitang-kita sa kanyang pagmumukha ang pagkabigla. "No, Marco. No..."

"I just signed the company contract already--"

"Without telling me? Hey, Marco. How dare you do this to me?"

"Waiiit!!!" pagsenyas ni Marco saka bumulong, "Huwag tayong magtalo sa harap ni Buboy."

Katahimikan.

"Anak, go to your bed room now. Matulog ka na," sabi ni Marco sa anak.

"Yes, daddy!"

"Good night my baby! I love you!"

"I love you too mom and dad. Good night!"

Muling katahimikan.

"Kailan ka aalis?" itinutok ni Martha ang mga mata nito sa TV.

"Sa Linggo ng madaling araw."

"T-teka, ganoon kabilis? Marco, bukas na iyon!" isinara ni Martha ang TV gamit ng remote control. "Sana, noon mo pa ito sinabi! Alam mo namang hindi ako sanay sa biglaan diba?!"

"Hindi ko kagustuhan iyon! Kaya nga sinasabi ko sa iyo ngayon diba? Sorry na."

"Ilang buwan ka doon?"

"Mabilis lang naman ang anim na buwan diba?"

Tumingin si Martha kay Marco ng ubod ng talim, "Anim na buwan?" tumango-tango ito. "Anim na buwan... sige, anim na buwan..."

"Magtatawagan naman tayo sa telepono eh."

"Okay, fine. Stop it," tumayo ito at nag-ayos ng sarili. "Inaantok na ako, matulog na tayo."

- - - - -

Makalipas ang isang buwan...

"Hindi na naman tumawag 'yung daddy mo! Buwisit!"

Nang dahil sa galit, tumayo si Martha at ibinagsak ang remote control ng TV saka nagpira-piraso sa sahig. Sa mga sandali rin iyon ay napahinto siya sa pagsasalita nang mapansin ang nagsusulat na anak sa may center table.

"Walanghiya kang bata ka! Nagdo-drawing ka lang?"

"N-nagsusulat po ako ng homework ko mommy--"

"Anong nagsusulat?" pinagdilatan nito ng mata ang anak. "Ito lang ba ang aatupagin mong hinayupak ka?! MAG-REVIEW KA!!!" bulyaw nito na ikinagulat ng anak. At dahil sa takot ng anak ay idinaan na lang nito sa pag-iyak habang binabato ito ng limpak-limpak na libro.

Hinawakan ni Martha ang buhok ng anak saka hinila papalapit sa pader. Pumapalag na sa ngayon ang anak nito na si Buboy ngunit sadyang malakas ang kamay ng mommy nito para hawakan ang kanyang ulo, at paulit-ulit na ibinubugbog sa pader hanggang magdugo. Nakikiusap ito at nagmamakaawa.

"D-daddy!!! H-help meee!!!" damang-dama sa bawat hiyaw nito ang sakit na ginagawa sa kanya ng kanyang mommy.

Saglit na tumigil si Martha sa narinig sa anak, "Daddy? Wala kang daddy! Iniwan na tayo ng daddy mo ng dahil sa'yo!" sinampal nito ang pisngi ng anak. Malakas at ubod ng lutong. Damang-dama pa ang matinding panggigigil sa sariling anak. Wala siyang paki kahit nagkalat na sa palad nito ang dugo ng anak sa ulo.

Dahil malapit lang sila sa telephone booth ay dinampot ni Martha ang nakasinding sigarilyo saka paulit-ulit na pinaso ang labi ng anak. At nang mapudpod at maubos ang siga nito ay dahan-dahan siyang bumulong sa anak.

"Kapag nagsumbong ka sa daddy mo, hindi lang iyan ang matitikman mo!"

Muli siyang natigilan nang marinig ang pagkulo ng sikmura ng anak dahil sa gutom.

"Nagugutom ka? Puwes, hindi ka kakain!"

Walang anu-ano'y tumayo si Martha at hinila ang kaliwang paa ng anak paakyat sa ikalawang palapag, papunta sa kuwarto ni Buboy, at dito isinara ang pinto na parang walang nangyaring karahasan.

Maalagang ina si Martha. Pero nagbago siya simula nang madestino ang asawa nitong si Marco sa Cebu dahil sa trabaho. Para kay Martha, ito ang paraan niya upang pauwiin ulit ang asawa nitong malayo sa kanya. At kung kailan natapos na ang lahat ay doon na siya nakatanggap ng tawag na agad niyang sinagot.

"Rodriguez residence," maayos niyang sagot kahit na ubod ng gulo ang buong bahay.

"Hon, its me. Kumusta kayo ni Buboy?" si Marco, sa wakas.

"M-marco..." naging maamo ang pakikitungo nito sa telepono, "May sakit si Buboy! Hindi ko alam kung ano na ang gagawin," napahagulgol pa ito ng iyak! "Natatakot ako..."

"Ano? Teka, dalhin mo na siya sa ospital! Huwag mo nang hayaang lumala!"

"O sige, sige, gagawin ko."

"Hayaan mo, makikiusap ako sa boss ko para umuwi sa inyo. Huwag kang matakot, nandito lang ako."

Natigilan si Martha at palihim na ngumiti sa tuwa.

"S-sige..." balik na naman siya sa pag-arte. "Hihintayin kita."

"Magkita tayo bukas, bye."

"Teka, sandali!"

"What?"

"Honey ko, bilisan mong umuwi ha. I miss you so much."

"I miss you, too. Kayo ng anak natin."

"Hayaan mo, basta umuwi ka na, ha." May pang-aakit ang bawat boses nito na nakakatukso. "Inayos ko na ang kama natin. Bilisan mong umuwi para guluhin natin ulit."

Thursday, September 24, 2015

Bulabog

Gabi.

Kasalukuyan akong naglalakad pauwi ng bahay nang makita ko ang oras. Malapit nang sumapit ang oras ng ika-sampu ng gabi kaya nama'y agad akong nagmadali sa paglalakad sa madilim at malubak na daan.

Wala akong ibang naririnig maliban sa yabag ng aking sapatos, at sa ingay ng mga kulisap na nasa mga talahib at puno na nadaraanan. At maliban dito, tanging kumukuti-kutitap na mga bituin sa langit lamang ang nakikita sa kabila ng walang hanggang kadiliman ng buong paligid.

Hindi ko naiwasang mag-isip ng kung anu-anong mga bagay na maaaring magpatibag ng tapang at lakas ng loob ko. Nariyan kasi ang maglalakad ako nang dahan-dahan sa tuwing naiisip ko ang isang babaeng nakatingin at sumusunod sa aking likuran habang nakalutang sa ere na may duguang katawan. Ang babaeng iyon na mayroong duguang bunganga na ipapakita niya sa akin at saka manghahabol sa kadiliman.

Saglit akong huminto. Pinakiramdaman ang sarili.

Sandaling umihip ang napakalamig na hangin sa maalinsangang gabi. Agad akong tinayuan ng balahibo hanggang anit nang dahan-dahan akong lumingon sa likod. Ito ang magandang paraan upang siguraduhing may sumusunod nga sa akin... pero wala.

Mabuti naman. Napabuntong-hininga ako at nakahinga nang maluwag.

Hindi nahinto ang isip ko sa pag-iisip pa ng ibang mga lamang-lupa na maaari kong masalubong ano mang oras. Oo, natatakot ako pero kinakaya kong umuwi ng bahay nang matiwasay... na walang takot sa isip at dibdib hangga't maaari.

Muli akong napahinto sa mas madilim na parte na daanan. Sandali akong nakiramdam at nagmanman sa paligid bago mapansin ang isang munting liwanag na nasa likuran ng malaking puno na siyang kumuha ng aking pansin.

May matinding takot at kaba man ay lakas-loob kong sinuong ang mumunting talahiban bago ko marating ang malaking puno. Isang misteryo't palaisipan ito para sa akin kung ano man ang isang bagay na nasa likuran nito na gusto kong malaman.

Isang lamang lupa? Hindi ko alam.

Isang matandang kuba na may lampara? Hindi ko rin alam.

O isang mahiwagang nimpa na sa libro ko lang nasilayan? Mukhang imposible na iyon.

Hindi ko pa nararating ang malaking puno nang mayroon akong narinig na isang ungol na nanggaling sa hindi malamang lugar. Isang nakakatakot na ungol na siyang nagpagimbal sa akin. Nagpigil akong sumigaw sa hindi malamang dahilan samantalang ako lang naman ang mag-isa roon. Kailangan kong mag-pigil.

Nagpatuloy ako. Dahan-dahan akong sumilip. Hanggang sa malantad sa paningin ko ang isang lalake at babae na marahas na nag-tatalik sa likod ng matataas na talahiban.

Huli!

Napaatras ako sa pagkabigla dahilan para matapakan ko ang malutong at tuyong sanga ng puno. Naglikha ito ng isang malakas na ingay na kanilang narinig.

Agad akong inilawan ng flashlight ng lalake habang abala sila sa paglalagay ng saplot sa kanilang katawan. Nahuli nila ako at napasigaw ang babae pagkakita sa akin. Gusto ko sanang humingi ng paumanhin dahil nabulabog ko sila pero napatakbo ako papalayo sa kanila.

Wednesday, September 16, 2015

Autism

Nadatnan ko siyang tahimik sa isang sulok. Hindi siya makausap ng matino dahil tutok na tutok siya sa kanyang laptop.

Sinubukan ko siyang kausapin subalit hindi niya ako kinausap. Halata sa itsura niyang wala siyang pakialam sa ano man ang nangyayari sa kanyang paligid. Parang wala siyang naririnig, kahit isang ingay. Balewala sa kanya ang matitinding ingay sa kanyang paligid na maaaring gumambala sa kanya.

Pinagmasdan ko siya sa pagmamaneobra niya ng kanyang laptop. Nainggit ako dahil napakagaling niyang gumamit nito. Mabilis siyang mag-type, ang galing niyang gumamit ng feather-touch na mouse, at ang ganda ng kanyang pustura sa paghawak nito.

Muli ko siyang kinausap, "Puwedeng patingin?"

Nakita niya ako at dali-daling itinago ang screen ng kanyang laptop.

Napabuntong hininga na lang ako.

Pero... may nakita akong lumapit sa kanya. Sinabihan ko itong huwag lumapit rito ngunit sa pagkakataong iyon, hindi siya nakinig sa akin.

Nasa malayo na ako nang muli ko itong tinignan. Nakita kong inaasar siya ng taong lumapit sa kanya ngunit wala pa rin itong pakialam, hanggang sa hinawakan ng lumapit ang dulo ng laptop nito saka ito naglikha ng isang malakas na sigaw.

Nagwala siya. Galit na galit.

Sa sobrang galit, itinupi nito ang kanyang laptop saka hinampas sa mukha ng taong nanggulo sa kanya. Tumama ito sa mukha saka nagkapira-piraso itong nalaglag sa lupa.

Tulad ng una kong inakala, mayroon nga siyang Autism.

Tuesday, September 15, 2015

Lakadero

Lakadero \la.ka.de.ro\ n. 1. isang lalaki na walang ibang ginawa sa buong buhay kundi ang maglakad, 2. mahilig maglakad, 3. isang lalaki na bihasa sa paglalakad ng malayo sa mahabang oras.

- - - - -

Noong una, hindi ko talaga maintindihan kung bakit napakalayo ng eskuwelahan sa bahay. Noong bata ako, naiinggit ako sa ibang kaklase na naglalakad lang upang umuwi ng bahay. Naalala ko pa nang magtanong ako sa isang kaklase kung bakit siya naglalakad pauwi.

Alam mo ba kung ano ang sinagot niya?

Simple lang.

"Malapit lang yung bahay namin!"

Ngumiti siya ng pagkatamis-tamis saka niya ako iniwan sa gate ng eskuwelahan, habang hinihintay ang sundo ko na si daddy na minamaneho ang oner namin.

At habang pauwi na kami ng bahay, itinatak ko na sa sarili ko na balang araw, lalakarin ko rin ang daan papuntang eskuwelahan, at pauwi naman ng bahay.

Ito ang mga bagay noon na hindi ko malilimutan ngayon. Naniniwala kasi ako na hindi ako magiging isang ganito, kung ano man ang estado ng buhay ko ngayon, kung hindi ko pinagdaanan ang kahapon. Ano mang gawin ko ay bahagi pa rin ako ng aking nakaraaan.

At ngayong kolehiyo na ako ay patuloy ko pa ring nadarama ang pangarap na iyon hanggang ngayon. Paano naman kasi, literal kong nilalakad ang isa hanggang dalawang kilometrong daanan mula bahay patungo sa sakayan ng jeepney sa tuwing papasok ako sa eskuwelahan. Lahat, puro lakad, papunta man sa eskuwelahan at pauwi ng bahay.

Kung magkikita man kami ngayon ng batang 'ako' noon, malamang, matutuwa siya sa akin ngayon dahil tinupad ko na ang pangarap niyang maglakad lang tuwing papasok sa eskuwelahan at uuwi ng bahay. Pero, makukutusan ko ang batang iyon ('ako') dahil ubod na ako ng payat sa paglalakad, umulan man o umaraw, umaga man o gabi, at mainit man o malamig...

Doon ko na inangkin at niyakap ang pagiging isang lalaking walang ibang ginawa kundi ang maglakad sa buong buhay niya kaya ito na ako ngayon. Isang lalaki, isang Lakadero.

Ako po si Jay 'Lakadero' Calicdan. Maraming salamat po.

Iyon lang, lovelots!

Tuesday, September 8, 2015

Huling Liham

Dear papa,

Hindi ko na po kayo makilala.

Kumusta na po kayo? Sana, masaya po kayo kung nasaan man kayo ngayon.

Sa ngayon, gusto ko po sanang humingi sa inyo ng kapatawaran. Alam kong hindi ako karapat-dapat na patawarin sa kabila ng lahat ng kasalanan ko. Kung naririnig niyo lang po ako ngayon papa, patawad po.

Sa tagal ng panahong nagdaan, ngayon lang po ako naglakas-loob na sumulat sa inyo upang mangumusta at makipagkuwentuhan sa takbo ng naging buhay ko.

Papa, pasensya na pero sana ay maintindihan mong hindi ko na maalala ang itsura mo bago ka nawala sa amin. Ang sabi ni mama, guwapo daw po kayo at matipunong lalake na halos maraming babae ang umaaligid sa tuwing mamamasyal kayong dalawa. Natuwa naman po ako doon at sayang nga lang dahil hindi ko na po kayo nakita noon. Malaki din po ang panghihinayang ni mama noon dahil binagyo ang bahay na ito na inyo pong naipundar, dahilan upang mabaha ang lahat ng litrato mo at ninyo nila mama. Tanging ang bahay na ito na lang ang natitirang alaala namin sa iyo.

Lumaki po akong mabuti bilang magandang anak. Hindi po ako naging sakit ng ulo kay mama dahil iyon lamang po ang tanging maisusukli ko sa kabila ng pag-aaruga niya sa akin. Masaya naman po kaming nagsasama ni mama habang magkasama sa bahay na ito.

Pero nang matapos ako ng elementarya, nag-asawa muli si mama. Nakilala niya po ang bago niyang asawa sa pabrikang pinagtatrabahuan niyo noon, kung saan po kayo unang nagkakilala ni mama. Hindi ko po ito matanggap noon pero wala na rin po akong nagawa. Alam kong karapatan ni mama na lumigaya muli kaya tinaggap ko na rin po siya.

Masaya naman silang nagsasama nila mama at ng bago niyang asawa. Kinasal sila sa simbahan at nagpatuloy na nanirahan sa bahay na ito. Mabait naman po ang amahin ko at gustong-gusto niyang tawagin ko siya bilang 'papa'. At sa kabila nito, nagagawa niya pong ibigay ang lahat ng gusto ko sa isang salita lang. Masaya po ako dahil naranasan ko po sa kanya ang magkaroon muli ng tatay, at ng isa pang kapatid na babae. Nagpapasalamat po ako dahil nagkaroon ng kahulugan ang buhay ko na maging 'ate' sa bago kong kapatid.

Pero... hindi rin po ito nagtagal, papa. Ito po ay dahil matapos po akong magtapos ng high school ay hindi sinasadyang natagpuan ko po ang amahin ko sa may kama na may iba siyang kasiping na babae sa dating kuwarto ninyo ni mama. Dahil sa bigla, agad po akong tumakas noon sa bahay na ito dahil sa takot. Takot na baka saktan ako ng amahin ko sakaling magsumbong ako pero hindi ko nagawang magsumbong kahit kailan. Nanatili ang takot kong iyon hanggang sa pauwiin nila ako sa bahay na ito sa humingi sa amin ng kapatawaran.

Pero, hinding-hindi ko po siya mapapatawad... kahit kailan...

Naging sunud-sunuran kami ni mama sa lahat ng gusto niya. Hindi na nagtrabaho si mama sa pabrika sa kagustuhan ng amahin ko dahil baka daw makakita muli ng ibang lalake si mama, at huminto na rin ako sa kolehiyo sa takot na baka mabuntis ako ng maaga. Lagi nang mayroong matitinding away ang nagaganap sa bahay na ito. Lagi na lang po ako sinisigawan ng amahin ko kahit sa maliit na pagkakamali lang na nagawa. Napagbubuhatan na niya kami ng kamay kaya hindi maiiwasan na halos ikamatay na namin ang mga pasakit na iyon. Hindi namin siya pinaglilihiman ng kung ano mang bagay sa kanya na nauuwi naman sa kung ano na lang ang madampot ng kanyang kamay upang makapanakit sa amin. Lagi siyang galit bunga ng maling paniniwala na mayroong ibang lalake si mama maliban sa amahin ko. Masyado na siyang abusado.

Isa pa sa mga malalang sitwasyon ay pinagbintangan ng amahin ko na hindi niya anak ang dinadala ni mama sa kanyang sinapupunan. Nagkakamali siya ng kanyang iniisip dahil kaming pamilya lang niya ang magkakasama at ikinukulong niya sa bahay na ito, at hindi niya pinapayagang lumalabas kahit hanggang sa bakuran lang. Wala siyang pinakinggang paliwanag ni mama hanggang sa pinapili niya si mama na iiwanan siya nito o ipalalaglag ang bata. Sa amahin lang namin kami nabubuhay dahil nasa kanya ang lahat ng pera. At mamamatay kami sakaling iwanan niya kami kaya walang nagawa si mama kundi ang ipalaglag ang bata sa kanyang sinapupunan.

Sobrang sakit ng nagyari sa amin, papa. Mas tumindi pa ang sama ng ugali ng aming amahin dahil lagi na siyang lasing kung umuuwi sa bahay ng gabi. Tulad ng lagi, lagi niya kaming sinasaktan sa maliit na pagkakamali, lagi na kaming gutom, walang pera, at nanghihina. Patuloy pa rin siya sa kanyang mga bisyo tulad ng alak, ipinagbabawal na gamot, at babae. Hindi ko alam kung gaano na kataas ang tindi ng kanyang ka-demonyohan.

Naaalala ko pa noon papa, na nadatnan ko si mama na umiiyak sa kusina paggising ko ng umaga. Dito sinabi sa akin ni mama na dumating ang babaeng anim na buwan nang nabuntis ng amahin ko. Sobrang sakit iyon para sa kalagayan ni mama pero mas nasasaktan ako dahil nakikita kong nasasaktan si mama ng ganoon dahil sa kahayupan ng amahin ko. Pero wala na kaming magagawa, inilunok na lang namin ang lahat alang-alang sa pera na ibinibigay niya upang mabuhay kami.

Isa pa sa pinakamatinding pangyayari ang naganap sa akin noon, papa ang pinakamapait kog sinapit mula sa aking amahin. Isang bangungot na dadalihin ko hanggang sa mga huling hininga ng buhay ko na nagbunga pa ng isa pa.

Opo papa, hinalay po ako ng sarili kong amahin. Lasing siyang dumating ng gabi saka niya ako ginising sa pamamagitan ng pagtatadyak sa aking likuran at sikmura. Dahil sa sobrang bigla, napayakap sa akin ng mahigpit ang kapatid kong nagising at umiiyak. Hinihila ng hayop kong amahin ang buhok ko papunta sa sala saka niya ako tinutukan ng matalim na kutsilyo. Natatandaan ko pa rin hanggang ngayon, na ang kutsilyong itinutok sa akin ng amahin ko ang kumitil sa buhay ng kanyang kaibigan kaya takot na takot ako ng mga sandaling iyon.

Gamit ang matalim na kutsilyo na iyon ay pinunit niya ang lahat ng saplot ko sa buong katawan. Nakita ito ng kapatid ko gayon din ang paghubad ng lahat ng saplot ng amahin ko. Dito ako natakot at nataranta nang makita ko ang malaki nitong kargadang hindi ko dapat makita. Nagpupumiglas po ako papa ng mga sandaling iyon pero sadyang napakalakas ng kanyang katawan na ikulong ako sa kanyang mga bisig.

At doon niya po ako nilabas-masok ng hayop kong amahin. Lahat ng sakit ay ramdam sa bawat paglabas ng malalakas na sigaw na ginawa ko. Hindi ako makatakas, hindi ako makapalag. Halos ikamatay ko ang kanyang pag-aaring maaari kong ikamatay sa sakit hanggang sa ipinasabog niya ang kanyang sukdulan sa aking sinapupunan.

Pagkatapos noon, binalaan niya kami ng kapatid ko na huwag magsumbong kahit kanino. Alam ko na ang linyang ito dahil naririnig ko na ang mga ganitong uri ng pangyayari na hindi ko akalaing mangyayari din pala sa tunay na buhay, lalo na sa akin.

Simula noon, naging pariwara na ang buhay ko sa kababuyang ginagawa sa akin ng aking amahin. Ako ang pangatlo niyang parausan maliban kay mama, sa kabit ng amahin ko, at ako. Gusto kong maghiganti sa kanya, gusto ko siyang masaktan, gusto ko siyang patayin sa tuwing nakikita ko siya sa bahay na ito... pero wala akong magagawa. Hindi ako nakagawa ng isang hakbang upang bigyan ng hustisya ang pambababoy sa akin ng amahin ko.

Akala ko, hanggang doon na lang ang lahat.

Noong lumayas na ang amahin ko sa bahay, huli ko nang nalaman na apat na buwan na akong nagdadalantao. At ang amahin ko ang ama.

Pinalayas ako ni mama nang malaman niya ang bagay na ito. Wala akong nagawa. Kada-buwan akong nagpalipat-lipat sa mga kaibigan ko hanggang sa ipanganak ko ang una kong anak--ang anak ng amahin ko--na kinupkop ng kaibigan kong lalake na di nagtagal ay tinanggap ko na bilang asawa ko.

Sa gulang kong labing pito ay nagkaroon ako ng isang asawa na limang taon ang tanda sa akin. Ang problema nga lang sa asawa ko ay wala siyang matinong trabaho maliban sa pagiging kargador sa palengke na aming ikinabubuhay. Hindi man kami nakakakain ng isa o pitong araw sa isang buwan ay masasabi kong masaya ang pagsasama namin ng asawa ko sa bahay na ito.

Opo, sa bahay na ito. Naghiwalay na rin po noon si mama at ng amahin ko makalipas ang tatlong taon mula nang pinalayas ako ni mama sa bahay na ito. Nagkapatawaran na kami ni mama sa lahat ng bagay at muling bumuo ng panibagong simula sa bahay na ito na magkakasama. At kung kailan naman magkakasama na kaming lahat ay sumakabilang buhay din si mama pagkalipas ng limang taon.

Hindi ko rin aakalain, maging ang asawa ko at kaming mga anak niya ay iniwan na rin niya, pitong buwan matapos mawala si mama sa amin. Mas lalo tuloy tumindi ang hirap ng buhay namin ng dalawa kong anak sa bahay na ito nang mawala siya. Pero ayos lang iyan, papa. Lumalaban naman ako sa ano mang hamon ng buhay ko ngayon. Hindi ko na rin tinanong ang Diyos kung bakit naging ganito ang buhay ko gayong wala naman akong tinatapakang ibang tao. At masasabi kong ito na ang patunay na napakamaramot ng pagkakataon at ng buhay. Wala rin naman akong magagawa kundi magpatuloy sa buhay. Ako na lang po kasi ang inaasahan ng aking mga anak.

Sa ngayon, gusto kong humingi ng patawad sa lahat--kay mama, sa asawa ko, at lalo na sa aking mga anak--na pinaglihiman kong mayroon akong nakamamatay na sakit. Ayoko sanang sabihin ito pero sabi nga nila, walang lihim ang hindi naibubunyag. Humingi ng tulong ang mga anak ko sa mga kapit-bahay hanggang sa dalhin ako sa isang doktor. Ang sabi, buwan na lang ang itatagal ng buhay ko.

Natatakot po ako, papa. Paano na ang mga anak ko kung nawala ako sa tabi nila? Paano na ang kinabukasan nila? Paano na ang pangarap ko para sa kanila? Natatakot ako ngayon dahil ayokong mawalan sila ng ina na siyang nag-iisa nilang magulang. Pero wala na akong magagawa...

Ito na po ang huling liham ko bago man lang ako mawala sa mundong ito. Sa tingin ko, hindi na ako magtatagal pa. Pagod na pagod na rin naman ako kaya bibitaw na ako.

Papa, patawad sa lahat. Hanggang sa muli!

Monday, September 7, 2015

Mahal Pa Rin Kita

CASS Orientation day at TSU.

At dahil maaga akong nakarating, agad akong umakyat sa itaas ng bleacher upang umupo at mag-abang sa opening ng college orientation. Sakto, Psychology Department ang puwesto ko kaya ayos lang.

Lumipas ang oras na nanatili akong tahimik sa kabila ng ingay hanggang sa matulala.

Wala akong kausap. Magulo ang ibang kaklase isabay pa ang malalakas na sound system ng University Gym.

Maya-maya, dumating si ex. Hindi ko ito inaasahan, lalo na nang tumabi siya sa puwesto ko, sa may kaliwa.

Nanatili akong nakayuko, swipe left, swipe right, swipe up and swipe down ang ginawa ko sa phone. Surfing thru free data of Facebook. Nag-i-stalk kay crush.

"Hey!" tawag niya.

Nabigla ako. "K-kumusta ka na?"

"Ayos lang. Mabuti."

Iyon lang. Katahimikan. Hindi man lang ako makapag-open up ng paksa upang mag-usap. Awkward isn't? Ex is ex. Pero siyempre, naging parte pa rin siya ng buhay ko.

Dahil nakatabi siya sa akin, muling nagdikit ang aming mga braso. Ito ang hindi ko malilimutan kailan man dahil sa ganito kami unang nagkakilala.

Nasa kanya pa rin ang pabango na ibinigay ko sa kanya noong nakaraang pasko. Nakita kong inilabas niya ito sa kanyang bag at winisikan ang kanyang leeg. Iyon ang paborito niyang pabango.

Pero, bilang isang mahilig na magsulat, ang pag-ibig niya ay parang isang talata't pangungusap. Lahat ng aming matatamis na nakaraan at mga pangarap ay naisatitik sa isang nobela. Ngunit, tulad ng isang nobela ay winakasan niya ang aming pag-ibig ng isang tuldok. Walong buwan na kaming wala.

Tama nga ang isinisigaw ng puso ko: mayroon pa rin akong nararamdaman sa kanya.

Mahal ko pa rin siya, at ito ang paulit-ulit na isinisigaw ko sa aking isip.

Mahal pa rin kita... mahal pa rin kita... mahal pa rin kita... "Mahal pa rin kita..."

Nanlamig ako. Nadulas ako sa pagsabi noon na hindi ko agad namalayan.

Napatingin siya sa akin. Para siyang nagtatanong. Hindi ko alam kung magagalit siya sa sinabi ko o pareho ang nararamdaman tulad ng sa akin.

"Ako rin," mabilis niyang sagot.

"Puwede bang tayo ulit?" agad kong itinanong.

"Ano--"

Sandaling naputol ang sasabihin niya nang bigla siyang dumating. "Hoy! Nandito ka na pala?" pumagitan siyang umupo sa amin.

Oo nga pala, siya ang dahilan kung bakit kami naghiwalay, ang aking kaibigan.

Pasenyas niyang sinabing hindi na maaari.

Nasaktan ako.

Sayang, mahal pa rin niya ako.

Tuesday, September 1, 2015

Sa iyong pagbabalik

Kay tagal kitang hinintay, gayon din sa init ng iyong pagmamahal na aking kinasasabikan at iyong inulila. Sa iyong mga mata'y aking muling masisilayan, tamis ng iyong ngiti, sa pag-ibig mong muling nagbabalik. Ako'y nagpapasalamat sa May Kapal na siyang naglikha. Sa iyong pagbabalik, pangungulila't lumbay ko'y napawi na.

Halina't muli nating sariwain ang matatamis nating nakaraan. Kasabikan sa isa't isa'y pawiin na ng ating pag-ibig na muling mag-aalab hanggang sa magdamag.

- - - -

P.S. Happy BerMonth!
Advance Merry Christmas and a Happy New Year! ^_^