Posts

Showing posts from 2016

Passenger's Seat

Pumagitan ang puwesto ko sa tsuper at sa kasasakay pa lamang na dalaga. Napansin kong maganda siya at sexy. Ito na yung kausap ni kuya tsuper sa telepono kanina pero 'Pareng Karding' ang pangalan sa phone book. Bago iyon, tumawag naman ang misis nito at palagay ko, nag-away sila. 'Other woman' issue... ayon sa pagkakarinig ko. "Kumusta na si Pareng Karding?" tanong ni kuya tsuper pero hindi umimik itong si dalaga. Napansin na lamang niya ang patagong pagpahid nito ng luha sa pisngi. "Ba't karami mong pasa?! H-huwag mong sabihing may alam na siya (si Pareng Karding) sa ating dalawa..." si kuya tsuper. Pasimple akong tumingin sa babae. Hindi lang basta pasa sa katawan ang nakita ko kundi mga kalmot. Sariwa, malalim, at namumulang kalmot. Nangangalmot ba ang asawa niyang lalake tuwing nakikipag-away? "Asawa mo ang may gawa nito. Alam na ng asawa mo na may namamagitan sa atin. Napa-'uy!' ako sa sagot ni dalaga sa loob ko lang

Abanduna

"Saan po ako nanggaling?" mahinahong tanong ng batang babae. "Sa basurahan. Kapag nakakita ka ng basurahan, buksan mo, doon ka nanggaling." Wala itong imik. "Sa basurahan ka rin ba nanggaling?" tanong ng bata. "Oo. Sa mabahong basurahan." "Ayoko nang bumalik sa basurahan." "Hindi ka na talaga makakabalik sa basurahan... kahit kailan." Nagpatuloy ito sa pagkain ng mainit, masarap, at masustansyang sopas. "Ano po ang salitang 'nanay'?" tanong muli ng bata. "Wala. Walang salitang ganoon." "E 'tatay'?" "Hindi ko rin alam. Wala din kasing salitang ganoon, eh." Katahimikan. Nagpatuloy sa pagkain ng mainit na sopas ang mala-anghel na batang babae. "Alam mo ba kung ano ang hitsura mo?" tanong ng bata. "Hindi." "Bakit?" "Kasi kahit kailan, hindi ko mamakita ang sarili kong mukha, eh. Ikaw, kaya mo bang tignan ang sarili mong mukha?" "Hi

Bookmark

Image
Nagkaroon ako ng pagkakataon para makalkal ang mga naiwan niyang gamit sa kanyang kuwarto. Nakita ko roon ang mga naiwan niyang litrato, libro, damit, at magandang higaan. Parang hindi pa rin siya nawala. Nakita ko sa ibabaw ng sulatang lamesa ang kanyang journal. May takot man akong buklatin iyon dahil baka magalit siya, nagpatuloy pa rin ako sa pagbabasa ng maiikli nitong entry. Maya-maya, nalaglag sa paanan ko ang blue bookmark na ibinigay ko noon sa kanya bago ko siya iniwan. Nakaipit ito sa isang entry na nagsasabing iyon daw ang araw na hindi niya malilimutan: ang araw ng kasal ko sa aking asawa. Napansin ko rin na mayroon itong marka ng kanyang halik saka inipit sa kanyang journal. Masaya raw siya para sa akin (nabasa ko sa kanyang journal), kahit masakit na nakikita niya ako sa iba. Liligaya na raw ako at hindi na malulungkot. Dagdag niya, habang nasa kanya ang bookmark ko ay hindi niya raw ako kalilimutan, kahit kailan. Kinuha ko ang bookmark nang mabasa ito, hindi par

Bukod Tangi

Sa dinami-dami ng lalake at babaeng naikama ko, siya ang bukod tangi sa lahat. Maganda, sexy, at hindi ko akalaing virgin pa pala siya nang tirahin ko. Inlove na ako sa kanya pero mali ito. Kailangan ko nang tapusin ang nararamdaman ko sa kanya dahil, kahit mabuntis ko man, ay kailangan ko na siyang isilid sa maganda nitong kabaong para sa kanyang burol mamayang gabi.

Kalo

Masaya kaming naglalakad pauwi ng asawa ko galing sa Moske. Tuwang-tuwa ang nag-iisa naming anak na babae habang nakasalabay ito sa likuran ng asawa ko. Mula naman sa maliit kong bag, kinuha ko ang kalo ng aking asawa saka inilagay sa kanyang ulo. Masayang masaya kaming tatlo pero naputol ito sa pagdating ng tatlong armadong lalake. Hinila nila ang asawa ko at dinala sa gitna ng kalsada. Napasigaw ako. Nagtakbuhan ang ibang tao. At mahigpit na nakayakap sa akin ang anak ko na matindi ang takot. Pinaluhod nila ang asawa kong walang laban matapos bigyan ng bugbog at tadyak. Habang nakaluhod, itinutok ng isang lalake ang baril sa ulo ng asawa ko. Mayroon itong ipinapaamin pero ang tanging sagot lang ng asawa ko ay 'wala kaming kinalaman doon.' Nakikiusap ako na huwag itong paputukin hanggang sa tumakbo ang anak kong babae at yumakap ng mahigpit sa kanyang amang nakatumba, duguan, at wala nang buhay.

Waiting Shed

Isang gabi doon sa waiting shed. Nag-aabang ako ng masasakyang jeepney nang may lumapit sa akin na isang tricycle driver. "Miss, tricycle?" alok niya. Tumanggi ako saka siya umalis. Maya-maya, may isa na namang dumating. Tulad noong una, tumanggi ako. Surprisingly, naulit na naman ito. Medyo napipikon na rin ako sa kanila dahil napakahirap mag-abang ng jeepney rito sa waiting shed at sila, kulit nang kulit sa akin. Sabagay, gumagabi na rin kaya medyo nakakatakot na lalo pa't marami raw masasamang loob ang nasa paligid tuwing gabi. "Hindi po. Hindi po ako sasakay, kuya," sabi ko sa huling driver. "Ganoon ba?" umiling si kuya saka ako inakyat ng matinding takot dahil sa huli niyang sinabi bago niya ako iniwan sa waiting shed. "Pumapara kasi yung dalawang matanda na katabi mo. Pagod na pagod na raw, eh. Ingat kayo ha." Hindi ko naiwasang mangilabot nang matindi.

Maliligo Ako sa Ulan

Tanghaling tapat. Tirik ang araw. Mainit. At maya-maya, napansin kong unti-unting kumulimlim ang langit. Pawisan ako mula sa tanghaliang sabaw na niluto ni mommy at naginhawaan nang umihip ang malamig na hangin sa labas ng bahay. Saglit akong sumulyap sa labas para alamin kung uulan, saka ko napansing umaambon na pala. "Magpahinga ka," si mommy. "Maligo ka na mamaya," sabi niya sa akin. Bumuhos ang malakas na... "... sa ulan?" masaya kong itinanong. "Maliligo ako sa ulan?" "Hindi," kasabay nito ang malakas na kidlat na sinundan ng dagundong ng kulog at agad niyang nilinaw na hindi raw ako maliligo sa ulan. Galit. "Gusto mong magkasakit?!" dugtong niya. "Hindi ako magkakasakit. Malakas ako ngayon, diba? Daddy?" Ganito ang diskarte ko: kung ayaw ni mommy, aba, nariyan si daddy na ibinibigay ang lahat ng gusto ko... sa isang salita ko lang! "Oo naman. Sige, puwede kang maligo sa ulan," sagot niya

Bangag

Mid-night sale at bargain price ang mga ideya sa utak (tuwing gabi lang). Hindi ka nila patutulugin hangga't hindi mo raw sila isinusulat kahit inaantok ka na. Pero kapag nakahawak ka na ng papel at panulat--matapos mong bumangon mula sa kama at maantala sa oras kung kailan dapat ay tulog ka na--ay doon naman sila biglang mawawala. Napagtanto kong para lang pala itong pag-ibig na nahulog sa matamis na pangako subalit napako. Pumapaasa rin pala pati ideya. Letche lang... lalo na paggising ko kinabukasan dahil sa puyat kaya nagmumukha akong bangag kinaumagahan.

Pasulyap-sulyap

Nasa harap ko siya nang magkasagian ang sapatos namin. Hindi sinasadya. Saglit siyang sumulyap sa akin pero agad ding umiwas nang magpantay ang paningin namin. Napansin kong ibinaling niya ang paningin sa dinaraanan ng sinasakyan naming jeepney na siya ko ring ginawa. Pero habang nasa ganoon akong ayos, nagdududa naman ako kung sumusulyap siya sa akin nang hindi ko alam. Muli kong sinubukang sumulyap sa kanya. At hindi sinasadya, tulad ng inaasahan, muling nagtama ang paningin namin. Pansin ko pa nga na medyo may katagalan na ang pagtitig namin sa isa't isa at agad ding umiwas ng tingin, siguro, sa hiya. Ramdam ko, may kakaiba. Hindi ko maipaliwanag, basta parang may kuryente ang mga pagtitig niya sa akin. Tumugtog sa sumasabog na radyo ng tsuper ang 'Pasulyap-sulyap' ni Tootsie Guevarra. Parang sinasadya. Pansin kong pareho pa kaming nagtaguan ng ngiti. At sa ngiti niyang iyon, nasulyapan ko ang kilig niyang hindi niya nagawang itago. "Para po!" bilin ko sa tsupe

Lumaki

Naalala ko noong maliit pa ako, papunta kami sa Manila, nang mag-stop over kami ni daddy sa isang gasoline station. Pagkatapos magpakarga ng gasolina, sumama ako kay daddy para jumingle sa restroom ng gasolinahan. Pagpasok, doon ako unang nakakita ng men's urinal na nakadikit/ nakasabit/ nakasemento sa pader. Doon inasunto ni daddy ang ihi niya. Nakita ko pa nga ang kanya, eh. Na kahit malambot, malaki ito at parang jumbo hotdog! Iyon nga lang, may ulo sa kanya, sa akin, wala pa. May buhok sa kanya, sa akin wala. May kaitiman ang kanya, maputi naman ang akin. At malaki sa kanya, maliit naman ang akin. At dahil ihing-ihi na ako, pilit kong inabot ang napakataas na men's urinal. Hindi ko maabot. Narinig kong tumawa ng mga sandaling iyon si daddy nang maitutok ko sa ibang direksyon saka nagsalita ng ganito: "Magmamana ka sa akin, anak. Tatangkad ka rin," saka niya pinagpag ang malaki nitong ipinagmamalaki. "Pati iyan?" turo ko sa ano niya bago itago sa lo

Kapangalan

Kasalukuyan akong nag-eencode ng mga pangalan ng mga elementary student nang makita ko ang pangalan mo sa listahan. Kapangalan mo lang naman ito at hindi naman talaga ikaw. Matagal na kitang kinalimutan at mabuti na rin ang lagay ko pagkatapos nating magkahiwalay. Pero nang makita ko na nga itong pangalan mo, bigla kitang naalala...at namiss. Alam mo, halos masiraan ako ng pag-iisip nang iniwan mo ako dahil sa kanya. Paano naman kasi, ikaw lang talaga ang minahal ko nang todo (yung tipong wala na akong itinira para sa sarili) pero hindi naman naging tayo sa huli. Ang sakit lang. Pero, kumusta ka na kaya ngayon? Malamang, masaya ka sa sinasamahan mo ngayon pagkatapos mo akong iwanan dahil sa mas magaling siya sa ka-- --teka nga, kayo pa rin ba hanggang ngayon? Kasi kung totoo ang isang chismis na narinig kong iniwan ka na ng taong ipinagpalit mo sa akin, aba, tatawanan talaga kita! Karma is real, eh? Kinopya ko ang pangalan ng estudyanteng kapangalan mo saka inencode sa spreedsheet. Ngu

Sa Jeepney

Nakaupo na ako sa loob ng jeepney nang mabigla ako sa biglaan mong pagdating pero wala nang puwesto para sa iyo. Nakita kong napakalaki na ng ipinagbago mo na halos hindi na kita makilala pero hindi mo naman ako nakita na nakapuwesto pa sa dulo. Bigla kitang na-miss. Sabik ako sa iyo, alam mo ba iyon? Dalawang taon na tayong hindi nagkikita. At sa mga sandaling nakita kitang umalis at lumipat sa ibang jeepney, nakaramdam ako ng lungkot. Nalungkot ako dahil ganyan mismo ang nangyari sa relasyon natin. Nandoon na nga ako pero hindi mo pa rin ako nakita. Ang masakit, iniwan mo ako at lumipat ka pa sa iba. Kunsabagay, ang alam mo e wala ka nang puwesto sa jeepney noong hapon na iyon. Pero nagkamali ka. Malaki ang puwesto mo sa jeepney na iyon dahil naroon ako. Naroon ang puso ko, at ikaw pa rin ang magpupuno nito. Gusto ko pa sanang habulin ka pero bumiyahe na ang sinasakyan kong jeepney. Gusto kitang yakapin. Gusto kitang kausapin, kahit na sinabi mo noong una na ayaw mo na. Heto

Tarpo

Panahon ng kampanya. Kasalukuyan akong nananghalian sa isang karinderya. Para sa akin, masasabi kong best karinderya ito na nasa tapat lamang ng pamantasan. Lahat ng mga mag-aaral at propesor ay dito rin kumakain. Malakas din ang benta nito at hindi nauubusan ng kostomer mula umaga hanggang gabi. Naroon ako ng mga sandaling iyon nang dumating si Mr. Congressman. Di napigilang magtilian ng mga kadalagahan dahil napakaguwapo talaga nito na pinapangarap ng bawat kababaihan. Naroon siya at kinausap ang may-ari ng karinderya na isabit ang kanyang tarpo sa harap ng karinderya kapalit ang isang malaking halaga ng salapi bilang kabayaran na agad naman nitong pinahintulutan. Pagkatalikod ni Mr. Congressman ay may ichinismis ang may-ari ng karinderya na agad kumalat at naging usap-usapan ng madla. Kabit daw ni Mr. Congressman ang sexy at magandang babae na kasama niya sa karinderya noong araw na iyon... na hindi naman pala totoo! Nabahiran ng dumi ang pangalan ng Congressman at ito ay

Pagsisisi

Naging mahina ako kaya pumatol ako sa iyo. Naglihim tayo sa lahat. Magaling kang manukso at nang makaraos, ipinangako ko sa sarili na iyon na ang huli dahil may asawa ka. Pero nagkamali ako. Pumayag na naman akong muling sumiping sa iyo. Pumatol ako kahit mali. Pero, nagsisisi na ako ngayon. Muli na naman itong nangyari. Itinulak mo ako sa pader saka mo pinagsawaan ang katawan kong walang laban sa kasabikan at kalibugan mo hanggang sa kama n'yo ng misis mong kaibigan ko. Ako ang nagpawi sa pagkauhaw mo sa laman. Diniligan ko ang init mo. Maliwanag na sa akin mo natitikman ang sarap na hindi niya maibigay sa iyo. Pareho tayong nagsasarapan hanggang sa huling pagsabog ng kaligayahan natin. Pero mula noon, iniiwasan na kita. Iniiwasan ko nang kamutin ang kakatihan mo dahil nagsisisi na ako sa ginagawa natin. Ibinalita mo sa akin na binuntis mo na ang asawa mo makalipas ang ilang buwan. Masaya ako sa muli nating pagkikita dala ang isang magandang balita na magiging ganap na a

Panukli

"Org shirt, 250 pesos. Bukas na ng umaga ang deadline ng bayad," sabi ni Kim na medyo pa-bossy habang nasa harap ng klase. Umangal ang iba na kesyo wala raw silang pambayad bukas pero wala raw magagawa si Kim kung iyon ang inutos sa kanya ng president. Kinabukasan... "Bayad mo, 250 pesos." Umeksena si Kim habang tahimik akong nagsusulat sa isang sulok, kung saan ako nakaupo sa classroom, saka niya hinanap ang pangalan ko sa listahan para markahan na nakuha ko na nga ang org shirt ko. "Wala akong barya. Puwede ba akong magbayad sa iyo mamaya? Ipapabarya ko lang itong limang daan," paukiusap ko. "Ayos lang 'yan! May panukli ako," sabi ni Kim. Ibinigay ko ang limang daang piso. Ibinigay niya sa akin yung org shirt. Ayos, kumportable at medyo maluwag. Ipinapirma niya ako sa tabi ng pangalan ko saka niya ibinigay ang sukli. Ayos na sana e, pero nadismaya ako matapos ibigay ang sukli kong 250 na tigpipiso-piso na nakalagay pa sa pla

Hindi Kilala

Nagkakilala kami ng hindi sinasadya. Nagkamabutihan, naging magkaibigan, hanggang humantong sa pag-iibigan. Sa isa't isa namin unang natikman ang lahat: kasiyahan, pagmamahal, kiss, at sex. Masasabi kong napamahal na kami sa isa't isa na wala ninuman ang makakapaghadlang. Masayang masaya kaming nagsasama at pinangarap na sana ay wala nang wakas. Pero, bigla siyang nawala at iniwan akong nag-iisa. Wala na akong balita sa kanya kaya hindi ko na siya inasahan pa. Ang malala, hindi ko alam ang tunay niyang pangalan at kung saan siya nakatira. Ang tanging tawag niya lang sa akin ay 'Pusa,' at 'Aso' naman ang tawag ko para sa kanya. Gusto kong alamin pero ang sabi niya sa akin ay saka na lang daw namin aalamin ang tunay na pangalan ng isa't isa kung kami talaga ang magsasama habambuhay. Dagdag niya, magugustuhan ko raw ang pangalan niyang ayaw naman niyang sabihin. Nakakadismaya! "Ikinagagalak kong hindi kita nakilala," ito ang huli naming bati sa is