Friday, January 1, 2016

Happy New Year

Hey! Happy new year mga kapwa kamukha babes! Narito na naman ang lalakeng takot sa paputok subalit mahilig magpaputok. Ako iyon si Bebe Jay Lakadero! Gusto mo, Bebe Jay kita? Haha.. Push!

Dahil bagong taon, una nang pumapasok sa isipan ng lahat ang 'paputok.' Malamang, ito ang word for the month of January kaya mula sa salitang ugat na 'putok' e marami na tayong maaaring ma-formulate na salita na may iba't ibang kahulugan. Isang magandang halimbawa na rito ay ang 'putok' sa kili-kili, 'paputok' o fireworks sa Ingles. Nariyan ang pandiwang 'puputok' na ang (ano?) bulkan, 'paputukin ang (ano?) lobo. At 'magpaputok' ng (ano?) lobo.

Medyo malikot akong mag-isip ng mga sandaling ito sa tuwing binabanggit na ang salitang 'putok.' Aaminin kong medyo nakikiliti ako kapag binabanggit na ang iputok, putukin, magpaputok, puputok, paputukin, pakipurok, magpaputok, basta, related sa 'putok.' Iyon na!

Pero ingat tayo mga kapwa sa mga paputok. Nakakatakot ang masabugan ng ano mang pumuputok sa ating mga pagmumukha. Totoo iyan mga kapwa dahil nakakasakit at nakakasira ito ng ating kagandahan ano po. Halimbawa, ikaw ba e gusto mong pasabugin ko ng granada iyang pagmumukha mo? Syempre, hindi ka papayag doon lalo na kung maganda/guwapo kang tulad ko (I-push natin ito!!!) kaya ngayong bagong taon na maraming pumuputok e ingat-ingat tayong lahat. Ingatan ang lahat lalo na ang ating mga kagandahan. Naks!

At heto pa, tulad na lang ng lagi kong ipinapaalala na oo, masarap magpaputok diba mga kapwa ko maginoo, pero dapat ay magpaputok sa labas lamang. Dahil kapag nagpaputok ka sa loob mga kapwa ko maginoo e hindi ka patay kundi 'buhay kang bata ka!' O edi at least, natikman ninyo ang sarap ng karanasang magpaputok... ng fireworks!... sa labas ng bahay. Iyan ang ibig kong sabihin.

At iyan lamang ang tanging paalala ng inyong minamahal na lingkod ngayong bagong taon. Isang masaganang bagong taon po para sa ating mga pagmumukha! Mabuhay po tayo at magpaka-wild to the highest level!

#PutukanNa! #NewYear2016

2 comments:

  1. Hahaha. Naalala ko tuloy yung mga panahon na naglalaro pa ako ng paputok. Ang saya sayang balikan ang mga ganoong alaala. Actually, nagsulat ako ng blog post tungkol dun. Here's the link. For sure magoo-good vibes ka 'pag nabasa mo 'yan. Hahaha. Hay nakaka-miss. Pero ngayon siyempre tinigil ko na ang pagpapaputok dahil baka maputulan ako ng kamay.

    Happy New Year sa'yo Jay! Nawa'y bahain ka ng mga blessings this 2016. Nawa'y maging supercalifragilisticexpialidocious ang year na ito for you.

    ReplyDelete

Thank you for reading!
Hope to hear from you. Don't forget to share!
Follow us on FeedBurner
Like Jay's Quirky World on Facebook! Thank you! ^_^