Tuesday, January 12, 2016

Joke

December 2000, Christmas Party ng NOLCOM dito sa Camp Aquino.

Pinakanta ako ng tatay ko ng 'I Started a Joke' noon at isinali sa isang singing contest dito sa Camp Aquino. Sinabi kong hindi ko kaya pero pinilit niya ako.

Hindi ko siya nakita sa harap noon. Bigla siyang nawala sa madla. Pero nakita ko siya sa dulo kasama ang dalagang ka-opisina niya. Pareho silang nagtatawanan at walang pake sa akin.

Hindi ako makakanta. Nataranta ako sa pagpipilit ng mga hurado na sumisigaw ng "Kanta na!" pero hindi ko kaya kasi wala siya sa harap.

Pinilit ko ang sarili hanggang sa pumalpak ako sa huli. Hindi ako pinalakpakan ng madla na tinatawanan ako, gayon din ang mga huradong nadismaya sa pag-aksaya ko ng oras nila.

Pagkatapos ng nangyari, agad akong umalis sa harap. Nakaramdam ako ng inis, dismaya, at pagkahiya. Nagmukha akong tanga at katawa-tawa sa paningin ng lahat, at hindi na ibinalik sa akin yung cassete tape na hindi nila pinatugtog nang ako ang sumalang.

Wala na akong galit sa tatay ko ngayon pero hindi niya nagawang ipagtanggol ako noon. Tandang-tanda ko pa 'yan hanggang ngayon.

Tama nga naman ang sinabi ng kantang ito: the joke was on me. Nag-comedy na lang sana ako noon.

Walang sumalo sa akin nang malaglag ako sa bangin ng isang malaking kahihiyan. I really felt like a big mess kapag naaalala ko ang mga iyon hanggang ngayon.

Buwisit. Masakit. Oo, ubod ng sakit...

2 comments:

  1. What a painful and embarrassing experience. ‪#‎AngAwkward‬

    Anyway, Jay may I suggest lang. Pwede po ba maglagay ka po ng palatandaan para malaman naming mga readers kung ang post mo ay isang true-to-life story or just a fiction? Kunwari sa font, you can use Georgia or Times New Roman font for fiction stories and Arial naman para sa experience mo talaga. Wala lang. Suggestion ko lang naman. Ikaw pa rin bahala.

    ReplyDelete
  2. Hi Ms. Beki! Totoo 'yan! Ganoon talaga kaya hayaan mo na.

    Nabasa ko na iyong ibang latest post mo last week pero hindi ako makapagpuna. Kulang ang oras eh but I will try next week :D

    love
    -jay

    ReplyDelete

Thank you for reading!
Hope to hear from you. Don't forget to share!
Follow us on FeedBurner
Like Jay's Quirky World on Facebook! Thank you! ^_^