Sunday, January 31, 2016

Versatile Blogger Awards 2016

Una, nais ko munang magpasalamat sa prettylicious na pagmumukha ni AnonymousBeki sa pagnominate sa akin sa "Versatile Blogger Award of 2016" gayon din sa pagpaparangal sa pagmumukha ko. Pangalawa, maraming salamat sa marahas at walang awang paglalabas-pasok sa JQW dahil... sa paraang iyon ay lumuwag ang lagusan ng JQW at inanakan ng mga pagpupuna't mga papuri hanggang laspagin ng mga bisitang mambabasa. At pangatlo, salamat sa pagiging masugid na co-blogger.

Well... Versatile Blogger Award. Obviously, seemingly, apparently, AND evidently, wala akong alam tungkol dito hanggang sa ayun na nga, na-gets ko rin. I need to share seven (7) something about me at mukhang hindi ako handa para dito... Kaunting tyaga please... Love you all!

- - - - -

Write and write until you die.
Nagtataka pa rin ako hanggang sa mga sandaling ito kung bakit ako nagsusulat samantalang hindi ko hilig ang magsulat at wala rin akong tyaga. Kasalanan ito ng mga libro ni Bob Ong na siyang pinasasalamatan ko naman sa huli dahil sa inspirasyong magsulat at magbasa. Di lang iyan, natutunan ko ring magmahal ng libro kaya masasabi kong mayroon kaming forever.

Nag-umpisa sa bayagrapi (bayagrapi talaga, huwag ka nang kumontra), maikling kuwento, tula, malayang pagsulat, at nobela, napagtanto kong maaari pala akong magkuwento sa pamamagitan ng pagsusulat. Nahumaling ako sa panibagong libangan noong 4th year high school (2010) at nang ito ay maipon, naisipan kong ipaskil ang ilang piling sulatin sa pagsibol ng Jay's Quirky World taong 2012.

Dumating ang isang mabigat na suliranin sa buhay ko ng sumunod na taon. Malayo ang mga kaibigan kaya hindi ako makapaglabas ng sama ng loob. Gusto ko ng kahit isang sandaling karamay ng mga panahon na iyon pero wala akong nasandalang balikat na magpapatahan sa araw-gabi kong pag-iyak. Hanggang sa isang araw, nakita kong nakatiwangwang ang pirasong papel sa kuwarto na mukhang naghihintay ng isang kuwento. Ramdam kong parang handa itong makinig sa akin hanggang sa makapagsulat ako ng unang entry ng aking diary.

Oo, nagsusulat pa rin ako ng diary hanggang ngayon. Tunog classic pero masaya ako. Nakakapagsulat ako gamit ang mga spiral note (madalas kong gamitin yung Tom and Jerry note na tig-11 php) at yung font e maaaring gamitin sa mga horror films na kinakailangan pang gamitan ng magnifying glass para lang mabasa. Hirap kumopya ang kaklase tuwing exam dahil hindi nila mabasa sa sobrang liit o kadalasan, wala talaga silang makokopya dahil wala akong sagot.

Lagi akong may dalang panulat saan man ako magpunta. Salamat sa sponsor kong Faber Castell 0.5 at sa Pilot G-TEC 0.3. Natuto rin akong literal na magwala kapag hindi ko makita ang panulat ko kaya natuto rin akong hindi na magpahiram dahil walang marunong magsauli.

Sa katunayan, tutol ang pamilya ko sa karera ko sa pagsusulat. Nakakalungkot man pero totoo ang sinasabi nila na wala akong mapapala sa ganito. Hanggang ngayon, patago akong nagpapatuloy dahil dito ko nararamdaman ang halaga ng sarili na hindi ipinapadama ng karamihan. Sa pagsusulat ko natutunang mangarap na hindi ko nagagawa noon pero huminto na ako sa pangangarap na matupad na maging isang manunulat. Kuntento na ako sa ganito sa kabila ng mga malaking kagaguhang gusto ko pang ibahagi sa iba.

Animal is animal.
Yes, animal lover ako at ang mga sumusunod ay mga naranasan kong alagaan: aso, manok (inahin at tandang), pusa, ibon, bibi, itik, pato, gansa, rabbit, guinea pig, at puting daga. Basta, bigyan mo lang ako ng saging, may unggoy na. Kaya kapag nakita mo ako ng harapan e mukha akong animal. Well, no need to. Dahil animal na ang turing sa akin ng iba na mas animal pa pala sa akin. Kaya naman mas magandang magmahal ng animal kumpara sa mga nag-aanimal na mas animal pa sa akin. At kung may dapat sisihin dito kung bakit naging mapagmahal ako sa mga animal e walang iba kundi si daddy Ferds na siyang nagturo sa amin na magmahal ng mga pesteng animal na silang nagpepeste sa amin!

Nabanggit ang animal. Noong hindi pa ito Jay's Quirky World, nabanggit kong gusto kong maging isang ibon dahil gusto kong maranasang lumipad ng ubod ng taas at makapaglakbay sa buong mundo. Pangalawa, gusto kong maging isda kasi hindi ako marunong lumangoy at para na rin malaman kung ano ang tinatago ng ilalim ng karagatan.

Pero ngayon, mukhang gusto ko nang maging King Cobra. Kasi parang ako lang iyon eh. Makamandag ang ganda, makamandag ang pagmamahal, matapang, at may kaunting kakirihan.

Mom's bodyguard.
Maliban sa pagiging walang silbi't piso-pisong parttime writer ng Jay's Quirky World, full time body guard naman ako kay mommy. Lagi akong kasama ni mom kahit saan siya magpunta just in case na may mga tarantadong manggagago kay mom e kami ang defence niya.

Yes, hindi ako nag-iisa. Lagi kong kasama si kuya na super kong close. Mas bata siya sa akin ng pitong taon pero ako talaga ang kuya niya technically at siya ang baby bunso dito sa bahay. He is a Bosconian, in words and in deed. Indeed! (Mas guwapo siya sa akin. Totoo 'yan!)

Dementia praecox.
Hindi ka maaaring tawaging Psychology major kung 4th year ka na at hindi mo pa rin alam kung ano ang technical term ng Schizophrenia. Kung hindi, magseminar ka muna ng favorite course kong Abnormal Psychology. Minsan o madalas, laglag ako sa ganyan!

Hindi ko alam pero mukhang ako na yata ang forever ng schizophrenia. May 'pagka' lang naman ganoon din si psychotic. Pansin ko iyan sa Psychological Assessment. At sabihin na nating laging nagkakaisa ang all-time favorite na mag-BFF na sina Hallucination and Delusion sa tuwing sinusumpong ng kasayaran. Minsan, eepal pa itong si Paranoia't depress at stress. Kapag ganito e naiisip ko na lang na kagatin ang lahat ng makakasalubong (pero hindi ganoon katindi) tapos pagraragasahin ng mga ngipin ko ang masagana't malinamnam na dugo.

Isa pa, lagi kong iniiwasang mapikon ng matindi kahit ito ang pinakamahirap na labanan. Natuto akong magpasensya ng mahaba pero oras na naramdaman ko ang rurok ng kapikunan, magagawa kong manakit ng taong nang-iinis sa akin. Ayoko mang aminin pero may pagka brutal ako kapag nanakit ng iba. Isang bagay na gusto ko nang baguhin at hindi alam ng lahat. Kung mananakit ako, dapat sagad-sagaran. Dapat mapapadugo ko. At wala akong tinatantanan hangga't hindi ako makakapanakit.

Go nature, go green!
Naaapreciate ko rin ang ganda ng kalikasan. Sabihin na nating sa gubat ako nakatira at mas prefer ko sa gubat kaysa sa syudad. Tahimik dito. Walang polusyon. Walang chismosa. Walang kapit-bahay maliban sa mga animal. Sariwa ang hangin. Malamig, at lahat ay luntian... gayon din ang pag-iisip. Green minded. Green joke. Joke only but its true. Nature lover eh! Bagay talaga sa mga tulad kong gustong magsulat hanggang mamatay!

Music is alive.
"Hindi mawawala ang musika sa buhay. At walang silbi ang buhay kung wala ang musika."

Sa mga ganitong pagkakataon ko naiisip na gumawa ng sariling home made radio station dahil sa labis na pagmamahal ko sa musika. Pangarap kong makinig ng 24/7 non-stop music sa bahay. Gusto at pangarap kong makipagkumpitensya sa mga paborito ko't nangungunang radio sation ng Manila tulad ng 90.7 LOVE Radio Manila, 101.1 YES FM Manila, MOR 101.9 For Life, at ng Barangay LS 97.1 Manila. Tatalunin ko rin pati TAG 91.1 ng UAE!

Big fan ako ng Classic musics (World War era), New Wave, and Cruisin hit (50's to 80's) musics. Syempre, hindi mawawala ang OPM Hits noong 50's to 80's. Number 1 fan ako ni Imelda Papin, gayon din ang mga sumikat na Pop Musics like Eraserhead at yung mga western group na Backstreet Boys.

And yes, may suporta din ako sa Asian Pop Musics ng Japan, Korea, China, Taiwan, Khmer, Indonesia, Malaysia, Thailand, at ng India. Kahit hindi ko lubos na maintindihan kung ano ang kahulugan ng mga kinakanta nila, basta maganda ang beat, pasok sa panlasa ko iyan! I love music eh!

"Pangarap kong tumugtog ng gitara at piano pero lyre at bamboo flute (hindi blow job o chupa-chupa ha, punyeta, umayos ka!) lang ang alam kong itugtog."

Blood type B.
Hindi ko pa sigurado kung totoo nga na may dugo akong Type B. Pero maliwanag na 80% e meron ako nito. Here are the following: babe, bachelor, backfighter, bacteria, bad, bald, baleful, baloney, bankrupt, barbarian, bastard, beast, beastiality, beautiful, beggar, begrime, begrudge, betray, binge disorder, bipolar, birth defect, bisexual, bitch, bitter, bizarre, black, black sheep, blame, blasphemy, blatant, bloodlust, bloodsucker, blunder, boastful, bogeyman, bondman, bonsai, boo, bottom, brat, brave, brilliant, brutal, bulimia nervosa, bully, bullshit, and bunk.

- - - - -

And... heto na ang mga blog na malapit, gusto't sinusubaybay ko... so far. Yung iba kasi hindi ko pa alam, yung iba e wala nang updates, at yung iba naman e kinakapos ako sa oras para bisitahin pero heto na sila...

Ako si Aris by Aris Santos
AnonymousBeki by AnonymousBeki
babe ang by babe ang
Isipang Magaslaw by DJ Chico Loco
JOKENALISMO by Rolf M
Michael's Shades of Blue by Michael Juha
Nyora, ang lakwatserang bichesa by nyoradexplorer
Prinsesang Makata by Princess Calacala
wickedmouth.com by Glentot
海斗の世界でぽぽぽぽーん by 海斗

Iyon lang. Thank you! Thank you!

2 comments:

  1. Super tenkyu sa 'prettylicious na pagmumukha' na side comment. Sobrang totoo 'yan. charots!

    Bet ko yung bayagrapi, hihi. Napa'imagine naman ako sa “marahas at walang awang paglabas-pasok sa JQW" haha.

    Relate much ako sa 'mahilig magsulat' na part. Ganun din kasi ako pero ang mga sinusulat ko ay hindi naman kwento or any literary ekek but it's more on personal kiyeme. But, nasubukan ko rin namang magsulat ng stories before. In fact, nung grade 6 ako ay nakapagsulat ako ng apat (4) na kuwentong pambata. Isang horror, isang adventure story, at 2-part Christmas fantasy story. Ang bawat story ay isinulat ko sa dalawang ½ lengthwise na Easywrite na papel, back-to-back. Super maliit din ang pagkakasulat ko. Sadly, hindi ko na matagpuan kung saan ko sila nailagay. Na-misplace ko ata.

    Ako din yung tipo ng tao na hindi kayang mabuhay ng walang ballpen at papel. Ako yung tipo na bumibili ng panulat kahit malayo pa ang pasukan. Mahilig kasi akong mag-jot down ng kung ano ano. Kainis lang dahil may sumpa yata ang mga kamay ko. Madali kasing mawalan ng tinta ang ballpen kapag ako na ang gumagamit not because empty na ang ink but rather parang bigla na lang nasisira ang ballpoint nito for no apparent reason.
    Medyo nabawasan na nga lang ang pagsusulat ko sa papel simula nang nagkaroon ako ng phone (sa Notes na kasi ako nagwri-write).

    Aww. Na-sweetan naman ako sa pagiging protective mo. Sana magkaroon din ako ng kaibigang lalaki na tulad mo yung tipong ipagtatanggol ako hanggang bugbugan, yung parang kuya o tinatawag din minsang "tatayin". Gustong gusto ko talagang magkaroon ng kuya. Unfortunately, ako ang naging eldest sa aming magkakapatid so technically ako ang kuya (ew. hindi man lang naging ate) hahaha!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mukhang sobra na yata para sa iyo ang love ko kay mom. Gusto mo, yung sobra, iyo naman? Syempre, my pleasure :D

      Delete

Thank you for reading!
Hope to hear from you. Don't forget to share!
Follow us on FeedBurner
Like Jay's Quirky World on Facebook! Thank you! ^_^