Tuesday, February 16, 2016

Panukli

"Org shirt, 250 pesos. Bukas na ng umaga ang deadline ng bayad," sabi ni Kim na medyo pa-bossy habang nasa harap ng klase.

Umangal ang iba na kesyo wala daw silang pambayad bukas pero wala daw magagawa si Kim kung iyon ang inutos sa kanya ng president.

Kinabukasan.

"Bayad mo, 250 pesos."

Umeksena si Kim habang tahimik akong nagsusulat sa isang sulok, kung saan ako nakaupo sa classroom, saka niya hinanap ang pangalan ko sa listahan para markahan na nakuha ko na nga ang org shirt.

"Wala akong barya. Puwede ba akong magbayad sa iyo mamaya? Ipapabarya ko lang itong limang daan," paukiusap ko.

"Ayos lang 'yan! May panukli ako," sabi ni Kim.

Ibinigay ko ang limang daang piso. Ibinigay niya sa akin yung org shirt. Ayos, kumportable at medyo maluwag. Ipinapirma niya ako sa tabi ng pangalan ko saka niya ibinigay ang sukli.

Ayos na sana e, pero nadismaya ako matapos ibigay ang sukli kong 250 na tigpipiso-piso na nakalagay pa sa plastik ng yelo. Nakita ito ng ibang kaklase saka nila ako tinawanan.

Punyeta.

4 comments:

  1. haha! legal tender pa yan bawal tumanggi.

    ReplyDelete
    Replies
    1. E ganoon talaga eh. Haha!!
      Welcome to my blog Pepe V2.0! :D

      Delete
  2. Ang saya kaya hahaha!
    Kung ako yun, isinaboy ko ang 250 na tigpipiso sa buong klasrum :)
    Paagaw lang ang peg lols!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ahahaha!!! Mas masaya ito kuya Jep! Bakit hindi ko naisip iyon, haha

      Delete

Thank you for reading!
Hope to hear from you. Don't forget to share!
Follow us on FeedBurner
Like Jay's Quirky World on Facebook! Thank you! ^_^