Thursday, February 11, 2016

Sariwang Dinuguan

Gabi.

"Puwedeng pumasok muna sa bahay niyo?" tanong ng babae kay lalake.

"Hindi puwede kung mahal mo pa ang buhay mo."

Sandali silang tumigil sa pagdaan ng isang matandang lalake. "Uy! Pahingi akong dinuguan mo mamayang gabi ha."

"Sige po. Makakaasa po kayo."

Tumatawang umalis ang matanda at biglang nawala.

"Cold ka lately'" pagpapatuloy ni babae. "Maaari naman nating ituloy ito sa loob ng bahay mo di'ba? Sige na..." pang-aakit ni babae saka hinimas-himas nito ang makisig at matipunong katawan ng lalake pababa sa nakabukol roon.

Agad natukso ang lalake. Mahina siya. Hindi niya kayang lumaban.

Natuloy silang dalawa sa kama saka nagniig hanggang maabot ang rurok ng kaligayahan.

Nagbihis si babae. Nanatiling hubo't hubad itong si lalake na tumayo mula sa kama at nagtungo sa lamesang sulatan upang magbasa ng nobela.

"Ramdam ko, parang may nakatingin sa atin dito kanina pa. Sigurado ka bang tayong dalawa lang dito sa bahay mo?"

"Oo. Huwag ka nang maingay! Malapit na akong matapos sa binabasa ko."

"Hindi mo ba ako ihahatid sa labas?"

Katahimikan.

"Hoy! Sige na naman! Pangako, hindi ko na sasabihin ito sa syota mo."

Nagbuntong hininga itong si lalake, Nagtupis ito para takpan ang ipinagmamalaki saka sinamahang lumabas ng kuwarto ang babae. Hindi pa man nila nararating ang pinto ng madilim na sala ay biglang nawala ang babae sa tabi ng lalake. May kumuha sa kanya ng isang kisap mata mula sa isang madilim na sulok na gawa ng kung sino man.

Kalmadong nilingon ng lalake ang madilim na parte. Wala siyang makita, tahimik. Mukhang sinadya niyang hindi magsindi ng ilaw. Nanatili lamang siyang naroon hanggang sa marinig niya ang sigaw ng babae na humihingi ng tulong. Siguro, nagmamakaawa.

Nanatiling tahimik ang lalake. Nakatayo, nakangiti, at parang wala siya sa sarili.

"Diba, ang sabi ko sa iyo noong una, hindi ka na makakalabas ng buhay dito sa bahay?"

Walang sumagot pero maliwanag na maingay: ingay ng nagmamakaawang babae at ingay ng dalawang malalaking aso na ubod ng bangis sa madilim na sala.

Nagtungo siya sa kanyang kuwarto at nagpatuloy sa pagbabasa hanggang matapos. Doon niya isinara ang libro at nagtungo sa sala, saka isinindi ang maliwanag na ilaw.

"Wow!"

Nakita niya si babae na naliligo sa sariling dugo. Katabi nito ang dalawang malalaking Doberman.

Isinawsaw ni lalake ang kanyang daliri sa nagbahang dugo saka ninamnam. Nasarapan siya't humalakhak habang hinihila ang paa ng bangkay ng babae patungo sa kusina.

Dumating ang kanyang ama makalipas ang ilang oras. Saglit pa itong napahinto sa pinto upang langhapin ang mabango at nilulutong sabaw na kanyang paborito.

"Anong ulam natin?" tanong ng ama.

"Sariwang dinuguan. Malaman, madugo, masarap. Salamat sa dalawang bantay!"

Nagtawanan silang mag-ama at sabay na nagsalo.

6 comments:

  1. Replies
    1. Hayaan mo na. At least, bago naging 'dinuguan' si babae, e naenjoy niya muna ang Guwapo at Machong si Papa Lalake! Ahahaha!!! Push!

      Delete
    2. Feeling ko mahilig ka sa mga violent movies noh? Correct me if I'm wrong.

      Delete
    3. Hindi... masyado. Medyo lang? Haha, ewan ko pero hindi kasi ako bumabasa sa mga pelikula o sa ibang literary kapag nagsusulat ng ganito. Gumagawa ako ng sarili ko, hehe

      Delete
  2. My god.. Haha Something doesn't seem right here :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hayaan mo na, ahahaha!!! At least, nag-enjoy si girl bago naging dinuguan :D

      Delete

Thank you for reading!
Hope to hear from you. Don't forget to share!
Follow us on FeedBurner
Like Jay's Quirky World on Facebook! Thank you! ^_^