Friday, April 1, 2016

Pagsisisi

Naging mahina ako kaya pumatol ako sa iyo. Naglihim tayo sa lahat. Magaling kang manukso at nang makaraos, ipinangako ko sa sarili na iyon na ang huli dahil may asawa ka.

Pero nagkamali ako. Pumayag na naman akong muling sumiping sa iyo. Pumatol ako kahit mali. Pero, nagsisisi na ako ngayon.

Muli na naman itong nangyari. Itinulak mo ako sa pader saka mo pinagsawaan ang katawan kong walang laban sa kasabikan at kalibugan mo hanggang sa kama niyo ng misis mong kaibigan ko.

Ako ang nagpawi sa pagkauhaw mo sa laman. Diniligan ko ang init mo. Maliwanag na sa akin mo natitikman ang sarap na hindi niya maibigay sa iyo. Pareho tayong nagsasarapan hanggang sa huling pagsabog ng kaligayahan natin.

Pero mula noon, iniiwasan na kita. Iniiwasan ko nang kamutin ang kakatihan mo dahil nagsisisi na ako sa ginagawa natin.

Ibinalita mo sa akin na binuntis mo na ang asawa mo makalipas ang ilang buwan. Masaya ako sa muli nating pagkikita dala ang isang magandang balita na magiging ganap na ama ka na sa minamahal mong asawa pero akala ko, magbabago ka sa balitang iyon.

Muli na naman tayong nagsiping. Pinilit mo ako noong una pero gumawa ka ng dahilan. Ayaw mong sumiping sa asawa mong buntis kaya ako na naman ang nagpunan sa pangangailangan mo bilang lalake.

Muli na naman akong nagsisisi. Nagsisisi ako, hindi sa muli na naman tayong nagsisiping kundi, nagsisisi ako na sana, inangkin na kita noon pa man sa kaibigan kong umaangkin sa iyo ngayon. Bigla itong pumasok sa isip ko matapos kong malaman na mahal mo pa rin ako at ganoon din ako sa iyo.

Pero pagkatapos nating mag-init, sabi mo, iyon na ang huli natin.

Nagsisisi na naman ako ngayon. Nagsisisi ako na nalaman ko pang mahal mo ako. Hindi ko tuloy nasabi sa iyo na binuntis mo na ako bago mo ako iniwan.

Nagsisisi ako. Nagsisisi na talaga ako...

2 comments:

  1. Bittersweet affair. Malungkot na masaya. Pero sino ba ang pwedeng mag-judge, sabi nga ni Bea Alonzo.

    On the lighter side, naexcite ako actually. Gusto ko rin minsan maramdaman ano nga ba ang pakiramdam ng nasa kwentong ganito.

    ReplyDelete

Thank you for reading!
Hope to hear from you. Don't forget to share!
Follow us on FeedBurner
Like Jay's Quirky World on Facebook! Thank you! ^_^