Saturday, May 7, 2016

Arenola: Isang Pasasalamat

Masasabi kong ito na ang huling pagsali ko sa isang writing competition sa buong college life ko.

Bigla kong naisip ang bagay na ito pagkatapos kong tanggapin ang ikatlong parangal ng pagsulat ng maikling kuwento sa Lathala V presents "HUBAD." Tinaggap ko ang premyo na hindi alam ng lahat. Hindi talaga alam ng lahat dahil hindi ako nagsasabing sumasali ako sa mga ganitong uri ng patimpalak na hindi ko alam kung may mapapala ako sa huli o wala. Walang nag-cheer sa akin noon maliban sa pagbati ng isang kaibigan at isang dating editor in chief ng university publication na si Mayang.

Pero... nagkamali ako.

Ang pakay ko lang naman sa pagsali ng ganitong patimpalak ay para malaman kung mayroon ba akong progress sa karera ko ng pagsusulat. Ramdam ko, wala akong improvement. Walang progress. Iyon na. Sana nga, ramdam ko din ang sinasabi ng iba na magaling daw akong magsulat pero... hindi rin. Hindi iyon totoo. At hindi ako naniniwala. For some weird reasons, mga kapwa-kamukha, oo, wala akong tiwala sa sariling kakayanan.

Nakuha ko ang ikalawang parangal ng pagsulat ng maikling kuwento sa Parirala: ang kauna-unahang writing competition ng The Oracle. Ito ang official college publication ng College of Arts and Social Science, ang kolehiyong kinabibilangan ko. Pasensya na kung ngayon lang ako nagsabi. Masyado na akong maabala at hindi na rin nakakapagsulat.

"SEEN 1:74 AM" ang tema ng unang patimpalak ng Parirala. Ito ay tumutukoy sa mga damdaming binalewala, mga bagay na hindi binibigyang pansin at tinutugunan, at iba’t ibang klase ng dagok sa buhay ng tao na walang kahalagahan para sa iba. Hinahamon ang lahat na ito ay bigyan ng boses ang mga kinikimkim na hinaing na matagal nang nakakulong at handa nang kumawala sa damdamin ng isang indibidwal.

Awarding night: April 28, 2016. Naitaon ito sa maling pagkakataon kaya malungkot ako. Malungkot ako, hindi dahil sa conflict ang thesis oral defense namin sa awarding kundi, hindi ko nakuha on-stage ang premyong token at certificate. Balak ko pa sanang magpalitrato ng naka-corporate attire fresh after the thesis defense pero wala na sila nang puntahan ko sa TSU Heroes Park.

Sayang.

Ano pa man ang nangyari ay nagpapasalamat ako sa buong puwersa ng The Oracle, sa kanilang editor in chief (at iniidolo ko sa pagsusulat) na pinapangarap kong maging friend sa Facebook (Nahihiya ako eh, ano ba?! Ayyyyiii!!!), kay Bayani na tumanggap ng mga entry para i-judge (una pa ang akin kasi letter 'A') pero hindi ako nagsabing sumali ako para walang bias. Hindi ko pa rin alam kung pasado na ako sa mga pamantayan nila pero maraming salamat pa rin. Salamat sa lahat!

P.S. Pa-kiss naman jan!

4 comments:

  1. Naks! Congrats! Nananalo ka na nga, kaya ibig sabihin, may kakayahan ka :)

    More power sa iyong career sa pagsulat :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wow! Maraming salamat, Jep!
      Mabuhay! haha

      Delete
  2. Kapag may time ako, send ko sayo yung sinasabi ko..

    ReplyDelete

Thank you for reading!
Hope to hear from you. Don't forget to share!
Follow us on FeedBurner
Like Jay's Quirky World on Facebook! Thank you! ^_^