Thursday, May 19, 2016

Parusa

49 over 100. Ito ang nakuha kong score sa huling long quiz ng Abnormal Psychology ngayong second semester. Sa limampu't dalawang estudyante ng 3-B, ako na ang pinakamababa.

May apat na pu't pito pa ang natirang bagsak pero mas mataas na ang score nila kaysa sa akin. Ang problema, hirap akong makipagsabayan sa mga mauutak. Mas progresibo sila.

Medyo nag-advance na kami ng topic. Ito ang behavioral modification technique na siyang salarin dahil hindi ko makabisado na isinama sa quiz. Letche!

Pag-alis ng professor, nagkatuwaan ang buong klase. Naisip nila na isulat ang mga common psychological disorders sa maliit na papel at tutupi-tupiin upang ipagsasama-sama ang lahat sa iisang box.

Bunutan para sa mga bagsak only. Hindi ko alam kung para saan. Ang sabi, ito daw (ulit) ang topic next week.

Malamang, sabi ko sa sarili ko, reporting ito.

Matapos ang bunutan (ako ang unang bumunot), inilista ito sa isang malinis na papel.

May ibang kaklase na nakakuha ng schizoprenia, obsessive compulsive personality disorder, catatonia, cerebral palsy, separation anxiety disorder, at iba pa. Nang makabunot ang lahat, sinabi sa amin na ito daw ang irereport namin... at isasadula sa harap ng klase. Literal na isasadula sa loob ng 3 minutes! Katuwaan lang naman.

Choosy pa yung isang kaklaseng lalake na nakabunot ng sexual deviance. Yakang-yaka ko ang nabunot niyang exhibitionism. Pero nakakahiya at some point dahil magpapaview ka ng kung anu-anong ANO. Yung tahimik sa klase, circumstantiality pa ang nabunot. Siya na ang bahalang magsalita nang magsalita. Kaya ko iyon dahil pangarap kong maging isang madaldal. Magagamit ko iyon sa pagsusulat.

Pero malas ko dahil autism pa ang nabunot ko.

At nang dumating ang klase namin, nakatakip ang lahat ng tenga ng mga kaklase dahil sa akin. Ang instruct kasi, kung ano ang nabunot kong psychological disorder, iyon ang gagawin ko. Isasadula ko, doon mismo sa loob ng klase. Sumisigaw ako, yung pinakamatinis na halos mabasag ang lalamunan. Yung nakakabingi, nakakairita, at nakakabuwisit!

Nagwala ako ng matindi. Matinding matindi.

Pagkatapos, balik sa report. Palakpakan ang lahat at sumisigaw ng 'we love you' nang sabay-sabay, saka ako binigyan ng limang Chocolate Milk at sampung Meiji's black chocolate bar, ang mga kahinaan ko.

Habang nagsasalita, iniisip ko na mag-aaral na ako ng mabuti. At sana, lagi na lang akong bagsak para mayroon akong chocolate milk and black chocolate bar.

Yum, yum!

Naisip ko, hindi pala lahat ng parusa ay masakit o mahirap. Yung iba, masarap!

2 comments:

  1. sarap sigurong maki-sit in sa klase nyo! i wanted to take some units in psyche, my approach in writing..

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehe.., medyo. Try it. Masaya dito

      Welcome to my blog, itsMePeriod!

      Delete

Thank you for reading!
Hope to hear from you. Don't forget to share!
Follow us on FeedBurner
Like Jay's Quirky World on Facebook! Thank you! ^_^