Posts

Showing posts from June, 2016

Waiting Shed

Isang gabi doon sa waiting shed. Nag-aabang ako ng masasakyang jeepney nang may lumapit sa akin na isang tricycle driver. "Miss, tricycle?" alok niya. Tumanggi ako saka siya umalis. Maya-maya, may isa na namang dumating. Tulad noong una, tumanggi ako. Surprisingly, naulit na naman ito. Medyo napipikon na rin ako sa kanila dahil napakahirap mag-abang ng jeepney rito sa waiting shed at sila, kulit nang kulit sa akin. Sabagay, gumagabi na rin kaya medyo nakakatakot na lalo pa't marami raw masasamang loob ang nasa paligid tuwing gabi. "Hindi po. Hindi po ako sasakay, kuya," sabi ko sa huling driver. "Ganoon ba?" umiling si kuya saka ako inakyat ng matinding takot dahil sa huli niyang sinabi bago niya ako iniwan sa waiting shed. "Pumapara kasi yung dalawang matanda na katabi mo. Pagod na pagod na raw, eh. Ingat kayo ha." Hindi ko naiwasang mangilabot nang matindi.

Maliligo Ako sa Ulan

Tanghaling tapat. Tirik ang araw. Mainit. At maya-maya, napansin kong unti-unting kumulimlim ang langit. Pawisan ako mula sa tanghaliang sabaw na niluto ni mommy at naginhawaan nang umihip ang malamig na hangin sa labas ng bahay. Saglit akong sumulyap sa labas para alamin kung uulan, saka ko napansing umaambon na pala. "Magpahinga ka," si mommy. "Maligo ka na mamaya," sabi niya sa akin. Bumuhos ang malakas na... "... sa ulan?" masaya kong itinanong. "Maliligo ako sa ulan?" "Hindi," kasabay nito ang malakas na kidlat na sinundan ng dagundong ng kulog at agad niyang nilinaw na hindi raw ako maliligo sa ulan. Galit. "Gusto mong magkasakit?!" dugtong niya. "Hindi ako magkakasakit. Malakas ako ngayon, diba? Daddy?" Ganito ang diskarte ko: kung ayaw ni mommy, aba, nariyan si daddy na ibinibigay ang lahat ng gusto ko... sa isang salita ko lang! "Oo naman. Sige, puwede kang maligo sa ulan," sagot niya

Bangag

Mid-night sale at bargain price ang mga ideya sa utak (tuwing gabi lang). Hindi ka nila patutulugin hangga't hindi mo raw sila isinusulat kahit inaantok ka na. Pero kapag nakahawak ka na ng papel at panulat--matapos mong bumangon mula sa kama at maantala sa oras kung kailan dapat ay tulog ka na--ay doon naman sila biglang mawawala. Napagtanto kong para lang pala itong pag-ibig na nahulog sa matamis na pangako subalit napako. Pumapaasa rin pala pati ideya. Letche lang... lalo na paggising ko kinabukasan dahil sa puyat kaya nagmumukha akong bangag kinaumagahan.