Monday, June 6, 2016

Bangag

Mid-night sale at bargain price ang mga ideya sa utak. Hindi ka nila patutulugin hangga't hindi mo daw sila isinusulat kahit inaantok ka na. Pero kapag nakahawak ka na ng papel at panulat, matapos mong bumangon mula sa kama at maantala sa oras kung kailan dapat ay tulog ka na, ay doon naman sila biglang mawawala.

Napagtanto kong para lang pala itong pag-ibig na nahulog sa matamis na pangako subalit napako. Pumapaasa din pala pati ideya.

Letche lang... lalo na paggising mo kinabukasan dahil sa puyat kaya nagmumukha kang bangag.

5 comments:

  1. Nakaka-relate :) Minsan pa nga naisulat mo na pero di mo nagustuhan kung pa'no mo ito isinulat; Ctrl A then delete; o kaya Close then Don't Save! Saklap :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ahahaha!!! Parang ako lang din pala!

      Delete
  2. Ang lungkot din na may naisulat ka nga pero di mo alam kung paano tatapusin kasi naubos yung fuel ng utak mo, ayun bitin.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha!!! Pagod ako sa ganitong kundisyon. Yung tipong kahit iumpog mo na yung ulo sa pader, wala na! Ahahaha!!!

      Anyway, hello Silly Girl, D! Welcome to my blog!

      Delete
    2. Yes. But we must endeavor on, mahirap naman talaga lagi ang mga bagay na mahahalaga.

      Salamat, patambay dito saglit :)

      Delete

Thank you for reading!
Hope to hear from you. Don't forget to share!
Follow us on FeedBurner
Like Jay's Quirky World on Facebook! Thank you! ^_^