Bookmark

Nagkaroon ako ng pagkakataon para makalkal ang mga naiwan niyang gamit sa kanyang kuwarto. Nakita ko roon ang mga naiwan niyang litrato, libro, damit, at magandang higaan. Parang hindi pa rin siya nawala.

Nakita ko sa ibabaw ng sulatang lamesa ang kanyang journal. May takot man akong buklatin iyon dahil baka magalit siya, nagpatuloy pa rin ako sa pagbabasa ng maiikli nitong entry.

Maya-maya, nalaglag sa paanan ko ang blue bookmark na ibinigay ko noon sa kanya bago ko siya iniwan. Nakaipit ito sa isang entry na nagsasabing iyon daw ang araw na hindi niya malilimutan: ang araw ng kasal ko sa aking asawa. Napansin ko rin na mayroon itong marka ng kanyang halik saka inipit sa kanyang journal.

Masaya raw siya para sa akin (nabasa ko sa kanyang journal), kahit masakit na nakikita niya ako sa iba. Liligaya na raw ako at hindi na malulungkot. Dagdag niya, habang nasa kanya ang bookmark ko ay hindi niya raw ako kalilimutan, kahit kailan.

Kinuha ko ang bookmark nang mabasa ito, hindi para bawiin ang pagmamahal na ibinigay ko sa kanya kundi, upang lumaya na siya sa lungkot ng pagkawala ko sa kanya. Alam ko na hangga't hindi ito nawawala sa kanya, lalo lang siyang mahihirapang kalimutan ako.

Comments

  1. Anong dahilan at hindi naging kayo...

    ReplyDelete
  2. Ugh!! I sort of have the same sentiments talaga.. Thanks for sharing Jay :) Hope to read more from you pa!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wow! Salamat Simon! hehe
      sure basta ikaw :D

      Delete

Post a Comment