Monday, July 11, 2016

Protection

Sumakay ako sa jeepney. At--napahinto nang makita ang nakapaskil sa dashboard ng passenger's seat.

Protection you can see

"Protection you can see."

Ito ang mababasa sa sticker.

Nagtaka ako kung ano ang proteksyon na sinasabi ng sticker na dapat kong makita. Naguluhan ako.

"Ah, por da boys onli!" sabi ng tsuper saka humalakhak matapos kong itanong. Pormal siya noong una pero pumilyo ang mukha niya.

Napakunot lang ako ng noo.

"Paalala iyan kung ayaw mong ma-disgrasya. Yung... nakipaglaro ka sa kama... alam mo na," hihinto si boss tsuper para abutin ang bayad saka bubulong, "Gawin mo yung naka-drowing sa sticker para hindi ka makabuntis!"

Teka, kakaiba iyon ah?!

Hindi ko agad naisip ang ibig ipakahulugan ni boss tsuper pero sa paliwanag niya, doon na lumikot ang isip ko. Natawa na lang kaming dalawa ng sabay. At ngayon, alam ko na.

4 comments:

  1. Gets ko: Huwag daw ipasok ang puti. Sa halip na ipasok, ilagay mo sa daliri. Ipakita mo. At kapag ipinakita mo, hindi mo nga mabubuntis!

    ReplyDelete
  2. Jep, Xhelle, tama si Anonymous na hindi man lang nagpakilala. Hello po sa inyo!haha

    ReplyDelete

Thank you for reading!
Hope to hear from you. Don't forget to share!
Follow us on FeedBurner
Like Jay's Quirky World on Facebook! Thank you! ^_^